Chapter 5
Leo’s POV
“Leo! Order daw.”tawag ni Gani sa akin na tinuturo ang grupo ng mga estudyanteng naghihintay sa paglabas ng mga artista dito sa burger shop.
Lumapit naman ako sa mga ito at kinuha ang order nila. Naririnig ko ang usapan ng mga ito tungkol sa mga idol nila. Pati nga si Pulo na hindi naman artista ay pinag-uusapan ng mga ito, paano’y hindi lang sikat sa news ang isang ‘yon, sikat din silang magkakaibigan sa social media, mga hottest bachelor daw.
“Ang gwapo ni Pulo no? Hindi na ako magtataka kung bakit ang daming sikat na artistang pumapatol sa kaniya. Baka nga ‘yon iba’y ginagamit lang siya para umangat.”sambit ng isang estudyante. Ang dami nilang alam tungkol sa kung sino sinong artista.
Napaupo naman ako nang magsitayuan sila, bumagsak pa ang ilang inumin na hawak ko dahil nagsitakbuhan ang mga ito, akala mo’y nakakita ng artista. Hindi ko mapigilan ang mapamura dahil basang basa ako dahil sa mga inumin na natapon. Alam ko na rin agad ma sa akin ipapabayad ‘to ni Gani. Isa pang mukhang pera ng isang ‘yon. Bad trip talaga.
Inis akong tumayo habang tinitignan ang damit na siyang puno na ng mantsa. Sobrang hassle.
“Here. Use it.”anang pamilyar na tinig. Nang lingunin ko ito’y mas lalo lang akong nabadtrip. Kita ko ang mapaglarong ngisi mula sa mga labi ni Pulo.
“Hello there, sneaky little rat.”nakangisi niyang bati sa akin. Mukhang hindi man lang nagulat na dito ako nagtatrabaho. Hindi ko tuloy alam kung anong dapat kong maramdaman.
Saka ko lang din napagtanto na siya ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante nang lapitan nila ito at nagtanong ng kung ano ano. Mayroon pang nagpakuha ng litrato na wari’y talagang artista ito. Napangiwi naman ako roon bago naglakad na patungo sa staff room.
“Anong nangyari sa’yo?”natatawang tanong sa akin ni Gani. Inirapan ko lang siya bago ako nagtungo sa locker ko para magpakit ng putting t-shirt. Hassle, ang daming mantsa ng uniform ko.
Bakit ba kasi nandito ‘yang Pulo’ng ‘yan? Hindi naman ‘yan kailanman nagawi rito sa burger shop kaya anong ginagawa niya ngayon dito? Hindi naman siguro ako ang sadya no? Hindi naman siguro, Leo.
Shit, paano buhay ko no’n? ‘Yong kakilala kong paparazzi noon, simula no’ng araw na nalaman ng media na paparazzi siya, umani ‘yon ng napakaraming batikos at hanggang ngayon wala pa ring maayos na trabaho. Hindi pupwede. Paano kami? Paano si Jia? Hindi ako pupwedeng mawalan ng trabaho.
Nang lumabas ako’y naging abala na ako sa trabaho, hindi ko na lang din pinansin si Pulo na siyang pinapanood ang kilos ko. It’s weird pala. Lalo lang akong naweirduhan sa sarili dahil do’n.
“Hey, oorder ako.”aniya na tinaas pa ang kamay. Tinignan naman ako ni Gani nang makita niya si Pulo na siyang tinatawag ako. Normal na normal lang ang kilos namin tila ba wala talaga kaming ginagawang masama ngunit nagkakaroon pa rin ng senyasan. Nagtataka siya na nandito si Pulo ngayon gayong hindi nga ito bumibisita rito.
“Ano?”tanong ko na nakasimangot sa kaniya nang lumapit ako sa kaniyang table. Dinig ko naman ang mahinang tawa niya sa akin dahil do’n.
“Ganiyan ka ba talaga sa lahat ng customer niyo rito? Suplada!”aniya ng natatawa. Sobrang friendly ko kaya sa iba, sa kaniya lang dahil makita ko lang ang mukha nito, iritadong iritado na ako. Ni hindi kaya ako nakatulog ng maayos nitong mga nakaraang araw dahil iniisip ko kung halata ba ako masiyado o ano.
“Bilis na, dami pang sinasabi.”sambit ko na naiinip na dahil hindi naman siya sa menu nakatingin.
“Balikan na lang kita.”sabi ko ngunit agad siyang nagsalita.
“Hmm, this na lang.”aniya habang nagtuturo sa menu.
“What do you suggest?”tanong niya pa. Sinabi ko lang din ang best seller na masarap din naman pero hindi ko trip ang lasa.
“Alright, that one din. Thanks, slr.”aniya sa akin kaya kinunutan ko siya ng noo.
“Sneaky Little Rat.”natatawa niyang saad.
“Stop calling me that, nagkakamali ka.”sabi ko na inirapan pa siya. Natawa lang ito sa akin. Napatingin pa ako sa kaniya nang makita kong may kinuha siya sa bulsa niya. Malapad ang naging ngisi niya sa akin nang tinaas ang bracelet ko. Pinaglaruan niya ‘yon gamit ang kaniyang mga daliri parang noong una naming pagkikita. Hindi ko mapigilan ang pagsimangot ko dahil do’n. Hindi mawala ang tingin ko sa bracelet kaya mas lalo lang lumapad ang ngisi mula sa kaniyang mga labi.
“That’s it, ‘yon lang.”aniya na ngumiti pa ng matamis. Inirapan ko lang siya nang nakangisi niyang tinago ang btacelet ko. This jerk, he really know how to play his game. Nakasimangot na tuloy ako ng pumasok sa loob ng kitchen.
“What was that? Bakit nandito ‘yon?”tanong sa akin ni Gani nang makapasok ako.
“Ewan ko rin.”sabi ko. Hindi ko sinabi na baka nahuli na ako dahil alam kong mapapagalitan ako ni Gani, takot ‘yan na madamay no. Ang ganda na rin kasi ng buhay ngayon.
“Gaga ka, ayusin mo ‘yang kilos mo, baka mamaya pati ‘tong burger shop ay madamay.”aniya sa akin. Tumango lang naman ako roon. Hindi ko nga sure kung pati buhay ko’y maayos ko rin ba. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa akin kapag nalaman ng lahat na paparazzi pala ako. Wala na akong pakialam sa kung ano mang maging tingin nila sa akin, ang concern ko lang ay ang bill ni Jia, hindi ko kakayanin kung sakaling paalisin kami sa hospital. Napabuntong hininga na lang ako at inayos na ang mga order.
Hindi ka pa naman nahuhuli, Leo, hinuha pa lang ‘yan ni Pulo. Hindi naman siguro nito alam na ako nga talaga ‘yon, ‘di ba? Sana hindi. Huwag kang magpahuli.
“Dine with me.”nakangiti niyang saad sa akin. Tinignan ko lang siya at hindi pinansin. Inayos ko lang ang mga order niya. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay nang magsasalita pa sana muli ito at yayayain nga akong kumain kasama siya.
“Hindi ako kumakain ng may gulay.”sabi ko sa kaniya.
“Huh? Why?”kuryoso niyang tanong.
“Paki mo?”tanong ko naman pabalik sa kaniya. Napatawa siya ng mahina dahil do’n.
“Sungit naman.”aniya nang natatawa. Hindi ko na lang pinansin ang halakhak nito dahil naiirita ako ngayon pati sa pagtawa niya. Napatingin pa muli ako sa bracelet na nasa lamesa na. Sana makalimutan niya.
“Akin na lang ‘yong gulay, sa’yo na ‘to.”aniya na tinutukoy ang burger.
“Busog pa ako.”sabi ko naman. Kita ko namang pinapanood lang niya ang ekspresiyon ng mukha ko. Hindi ko na lang din pinansin pa. CEO na tambay lang ata ang isang ‘to.
“Anong oras tapos mo?”tanong niya pa sa akin.
“Hulaan mo.”ani ko bago umalis na. Kita ko naman siyang nakangisi roon. Nginisian ko lang din siya pabalik bago ako nagtungo sa iba pang customer ng shop.
Nagtagal lang siya roon, marami rin kasing empleyado na nakakamukha sa kaniya at kinakausap niya, well, friendly naman siya. Sa babae nga lang lalo na sa sexy. Hindi ko naman maiwasang mapatitig ako sa kaniya.
Hindi naman maitatanggi na gwapo nga talaga siya, mula sa matang mala agila na kulay kayumanggi na ang ganda kapag nasisinagan ng araw, isama mo pa ang mahabang pilikmata ang ilong na parang matutusok ka kapag hinalikan mo siya, ang pangang hulmadong hulmado, at higit sa lahat ang mga labing pulang pula na kahit basain niya lang ay ayos na. Masasabi mong pinag-isipan talaga Niya nang hulmain siya.
‘Yon nga lang ay wala nga talagang taong perpekto dahil ubod ng landi ang isang ‘to, talagang ineenjoy ang biyaya ng Diyos sa kaniya.
Napairap ako nang kindatan niya ako, napansin ata ang titig ko sa kaniya. Kikiligin na sana ako kung hindi ko lang alam kung gaano karami ang babae niya. Ayaw ko namang mapasama pa.
“Drinks pa.”aniya nang tawagin ako. Tumango lang ako. Napatingin pa ako sa kasama niyang babae.
“Dang girl, ang ganda.”pabulong na saad ko sa sarili dahil ang ganda talaga nito, mula siyang barbie. Ang kulot niyang buhay ay abot hanggang sa baywang. Mukhang kaibigan nitong si Pulo.
Pinagtaasan niya ako ng kilay nang makitang nakatingin ako sa kaniya, matamis niya naman akong nginitian. Umirap lang siya sa akin.
“Are you just going to stand there?”masungit niyang tanong.
“Saturday, stop being a brat.”ani Pulo sa kaniya.
“But, Kuya! She’s looking at me as if she want to slap me or something. Ang weird niya.”anito. Napanguso naman ako roon, sanay na ako na mapagkamalang hinuhusgahan ang kung sino kahit na ang totoo’y natutuwa lang naman akong pagmasdan sila, I mean namamangha lang naman ako kapag nakikita ko ang pormahan ng mga ito. Saka nagagandahan lang naman oh.
“She’s not, you’re annoyed with everyone. Stop being a bitch, Saturday.”sabi ni Pulo sa kaniya. Umirap lang naman ‘to.
“Ano? Tatayo ka na lang ba riyan?”tanong nito sa akin. Sinuway naman siya ni Pulo. Ngumiti lang ako sa kaniya at nang lingunin si Pulo ay siya naman ang inirapan ko. Hindi niya naman ako makapaniwalang tinignan dahil do’n. I was more annoy with him kaysa do’n sa Saturday.
Mabilis lang din ‘yong Saturday, mukhang may sinabi lang talaga kay Pulo. Maya-maya lang ay tumayo na rin si Pulo. Nginitian niya naman ako at pakaway kaway pa habang hawak hawak ang bracelet ko. Napairap na lang ako sa pagiging pabida niya.
“Ano ‘yon, Leo?”tanong ni Gani sa akin. Mukhang kabado talaga ang isang ‘to. Nailing na lang ako.
“Wala.”sabi ko kaya nanatili lang siyang matagal na nakatingin sa akin. Hindi ko naman pinansin at napatingin pa kay Pulo na siyang nasa labas na.
Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung paano niya itapon ang bracelet ko sa basurahan. Kita ko pa ang ngisi niya ng tinapon ‘yon. Dire-diretso na siya sa pag-alis. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang dumating ang maintenance at mukhang kukuhanin na ang mga basura.
“Gago.”bulong ko sa sarili kaya agad akong sinamaan ng tingin ni Gani.
“Ano?”masamang tingin pa ang ibinigay niya sa akin.
“Hindi ikaw.”sabi ko na nagmamadali inalis ang suot kong apron bago ako nanakbo patungo sa labas. Diretso sa basurahan.
“Shit.”pabulong na saad ko at tinignan pa ang malaking basurahan na hanggang sa baywang ko. Nanghiram lang ako ng gloves sa maintenance bago ko hinanap ‘yon. Dapat ay nasa ibabaw lang ‘yon, hindi ko lang matandaan kung saang basurahan niya pa tinapon.
“Hala,”ramdam ko ang tagaktak ng pawis. Hindi ko ‘yon tinangkang kunin sa kaniya noon dahil pakiramdam ko’y wala naman siyang paggagamitan and now na nakita ko ulit ‘yon. Hindi ko lang maiwasang maalala sina Mama. ‘Yon na lang ang natatanging memorya ko sa kanila, hindi pupwedeng itapon ko pa ito na parang wala lang.
“Ano ba ‘yon, Leo? Nagkakalat ka lang diyan, Hija.”sabi sa akin ng maintenance.
“’Yong bracelet ko po, Nay.”sabi ko na hindi pa rin humihinto sa paghahanap sa basurahan.
“Nako, baka naman hindi mo riyan naiwan?”tanong niya sa akin.
“Hindi po, dito po, kakatapon lang po.”sabi ko pa sa kaniya.
“Ang dami na niya, Leo, kung nandiyan ay paniguradong nandiyan lang. Baka hindi mo naman diyan natapon, Hija?”tanong niya pa sa akin. Hindi naman ako nagsalita dahil sigurado ako sa nakita.
“Looking for this?”tanong ng isang mapaglarong tinig mula sa gilid ko. Agad kong nakita si Pulo na siyang may malapad na ngisi sa akin. Masamang tingin ang ibinigay ko sa kaniya nang mapatingin sa kaniyang gawi. Ni hindi ito natakot doon, nanatili lang siyang nakangisi tila ba nalilibang pa sa nakikita. Pabida talaga.
“Here.”aniya na inalis muna ang gloves sa kamay ko bago niya iniabot ang bracelet. Nakatitig lang siya sa ekspresiyon ng mukha ko nang ilagay niya ‘yon sa palad ko. Hindi ko naman alam kung anong dapat kong maramdaman, iritasiyon ba o kaba ang dapat na maramdaman?
“Now, you’re not going to deny that you’re paparazzi, don’t you?”nakangisi niyang tanong sa akin. Hindi naman ako nakapagsalita. I was left dumbfounded.
BINABASA MO ANG
Flash News: Paparrazi Inlove
RomancePlay The Set #4 Leolita Dimagiba, kahit ilang bagyo pa ang dumating sa buhay niya, katulad ng apelyido nito, hindi siya magigiba. For years, she became a paparazzi at kapag naroon si Apolonio Demillio, siya na mismo ang hinahabol ng swerte. Tila ba...