Chapter 25
Leo’s POV
Agad kong siniko si Pulo nang makita ko kung sino ang papalapit sa amin.
“Bakit hindi mo naman sinabing nandito Lolo mo?”bulong ko sa kaniya.
“I told you, rancho niya ‘to.”bulong niya naman pabalik. Napakamot na lang ako sa ulo dahil do’n.
“Leo!”malapad ang ngiti ng Lolo niya nang salubingin ako. Ngumiti rin ako pabalik sa kaniya.
“Good morning, Sir!”bati ko.
“Ano ka ba naman, Leo? Call me Lolo!”aniya sa akin kaya agad akong napanguso.
“Ano? Kayo na ba?”tanong nito sa akin. Nagkatinginan naman kami ni Pulo dahil do’n, kita ko naman na nahihiya si Pulo dahil sa tanong ng Lolo niya itinawa ko na lang din ‘yon although hindi ko alam kung naiinip na ba si Pulo kahihintay sa akin. Hindi ko naman siya pinangakuan ng kahit na ano.
“Kumain muna kayo, medyo malayo layo rin ang binyahe niyo.”aniya na ngumiti pa ng malapad sa amin. Napatango naman kami dahil do’n.
Nang nasa hapag na’y hindi ko mapigilan ang magulat dahil sobrang daming pagkain ang nasa hapag. Kung marami na ang pagkain noong nagpunta kami sa bahay nina Pulo? Mas marami ngayon. Akala mo’y magpapakain ng ilang daang tao.
“Lo, dalawa lang po kami ni Leo.”ani Pulo sa Lolo niya.
“Yeah, I know.”aniya na kumunot pa ang noo, nagagalit na pinapangunahan siya ng apo.
“Sige, kain na kayo, Hija.”malapad ang ngiti ng Lolo niya sa akin. Dinig ko naman ang mahinang reklamo ni Pulo sa gilid kaya bahagya akong natawa sa kaniya. Napakareklamador talaga nito.
Naging maayos naman ang lunch namin although ang dami nga talagang tanong ng Lolo ni Pulo. Nang matapos kaming kumain ay nagpahinga lang habang pinagmamasdan ang berdeng kabukiran. No wonder na mas pinili ng Lolo niya na manirahan dito. It’s does feel really good being here. Nagkwentuhan lang kami habang nakatingin doon.
“I already told you, right? Mama is inviting you in her birthday sa susunod na bukas.”ani Pulo sa akin. Tumango naman ako roon. Simula no’ng magpunta siya sa apartment na bagsak na bagsak ang balikat dahil dumating ang Mama niya, lagi na siyang inaaya nito sa kung saan saang lakad pero dahil matigas ang anak ayaw pumayag. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakasundo.
“Pupunta ka?”tanong niya sa akin.
“Pupunta ako kapag pupunta ka.”aniya pa kaya bahagya akong natawa.
“Ano ka? Highschool?”natatawa kong tanong.
“Magpunta ka. Your Mom probably want you to be there. Minsan lang magbirthday ‘yong tao, Pulo.”ani ko sa kaniya. If Mama’s still here, I probably celebrate her birthday eventhough she doean’t want it.
BINABASA MO ANG
Flash News: Paparrazi Inlove
Lãng mạnPlay The Set #4 Leolita Dimagiba, kahit ilang bagyo pa ang dumating sa buhay niya, katulad ng apelyido nito, hindi siya magigiba. For years, she became a paparazzi at kapag naroon si Apolonio Demillio, siya na mismo ang hinahabol ng swerte. Tila ba...