Chapter 1

334 3 0
                                    

Isang ordinaryong araw nanaman para sakin. Maaga ako pumapasok sa school kasi may iniiwasan talaga ako na makasabay.

Ako nga pala si Keren.....REN for short. okay naman yung nickname ko di ba?? tsaka yung name na yun pwede rin naman pang girl.......pero ewan ko ba naman dun sa asawa ko! lagi na lang ako inaasar na panglalake daw yung REN!

hmmm...status ko? MARRIED....married ako sa isang taong walang ginawa kundi ang asarin ako at sirain yung araw ko! ayaw ko naman talaga magpakasal kasi unang-una 16 pa lang ako nun nung nagpakasal ako....tapos syempre kung mag-aasawa ako gusto ko naman yung taong mahal ko...

Pero wala akong choice eh....

Natatandaan ko pa noon..nung 15th birthday ko nagpa-party yung parents ko...naguguluhan ako nung una kung bakit kelangan pa may party pero puro relatives at close friends lang naman yung invited.

Tapos nalaman ko na kaya pala may party kasi parang engagement party na rin pala yun....sinabi nila sakin na ikakasal daw ako sa anak nung ninong ko.

Syempre nagulat talaga ako...after nung party na yun nagkulong lang ako sa kwarto ko at umiyak buong gabi...kinausap naman ako ng parents ko na hindi nman daw nila ginusto yun. Mga bata pa lang daw kasi kami ni Keith pinagkasundo na kami ng mga lolo namin ng dahil syempre sa business. Nung una tutol yung both parents namin pero nung tumagal pumayag na rin sila kasi para daw yun sa business.

Nung 16th birthday ko naman kinasal na talaga kami ni Keith. Pareho naming ayaw sa kasunduang yun pero wala naman kami magagawa ehh...at ngayon nga magkasama na kami sa iisang bahay.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hindi pa man ako nakakapasok ng room dinig na dinig ko na yung sobrang lakas na boses nung bestfriend ko na si Shynna..pero SHY yung tawag ko sa kanya :)

"Hoy friend! Umagang umaga ang ingay mo na! Nasa dulo pa lang ako ng hallway naririnig ko na yang boses mo!"

"Ano ka ba friend sinasamantala ko na yung pagkakataon na to habang wala pa masyadong tao...panira ka naman ng moment eh! kita mong nagco-concert pa ako dito eh! hahahahaha!"

"hahahaha! ewan ko sayo..sira ka talaga!" umupo ako sa upuan ko at nilabas yung notes ko sa biology. Pharmacy nga pala yung course ko :)

"Wuy friend..ano meron? may quiz ba??"

"wala noh."

My Little Bride?? [On going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon