Chapter 4

196 4 0
                                    

Dahil nakita ko sya ulit sumayaw..INSPIRED nanaman ako! XD ang gwapo talaga ni Papa K!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hanggang kinabukasan hindi pa rin kami nagpapansinan ni Keith. Pagkagising ko nga kaninang umaga nag-aayos na agad sya ng gamit nya tapos pagkatapos umalis na sya.

Medyo maaga ako pumasok ngayon. Wala lang feel ko lang pumasok ng maaga.

"Tabssss!!" napalingon ako sa likod ko. Nakita ko yung isa kong close friend na si Erwin.

"Maka tabs naman to! Ang sexy ko kaya! hahaha!" umupo sya sa may bakanteng upuan sa tapat ko.

"Kamusta ang buhay?"

"Ayun maganda pa rin ako. Ikaw?"

"Hahaha! Eto single pa rin. Hanggang ngayon naghihintay pa rin sayo :)"

"HAHAHA! Benta ha! Galing mo talaga bumanat!"

"Hindi ako nagbibiro noh."

"Che. Tigilan mo nga ako. If I know patay na patay ka pa rin kay Fafa Keith mo"

"HAHA! To naman di na mabiro! Tsaka anong pinagsasasabi mong fafa Keith? Yuck!"

"Maka yuck naman! haha! Beki ka di ba?"

"Sino may sabi?! Di noh! Halikan kita dyan eh!"

"Leshe! Kilabutan ka nga!"

"Wag mo kasi ako sinasabihan ng 'Beki' para happy happy tayo parehas hahahaha!"

"Opo sir! hahaha! Tara! libre moko tagal natin di nakapag-usap eh!"

My Little Bride?? [On going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon