Kaninang tourism class namin sobrang bored talaga ako..ikaw ba naman umupo sa likod at pinakasulok ng classroom di ba?? tapos wala pa kaming ibang ginagawa kundi magdaldalan. Naisipan ko tuloy gumawa ng UD para dito sa MLB hahaha :D
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Anong oras na hindi pa rin lumalabas ng kwarto nya si Ren. nagpuyat nanaman siguro sa pagbabasa ng mga pocketbooks nya. psshhh. pumunta nako sa tapat ng room nya at kumatok.
"Ren gising ka na ba?" pero nakailang beses nakong kumakatok sa pinto wala pa rin sumasagot. kaya binuksan ko na yung pinto.
"Bakit mo binuks---ARAY!" nakita ko na parang namumutla si Ren tapos medyo namamaga yung mata nya.
"Anong nangyayare sayo?? Okay ka lang?"
"Ano sa tingin mo??" Teka...anong araw na ba ngayon?? ay oo nga pala!
"Meron ka?"
"oo..." tapos umiyak ulit si Ren. lumapit ako sa kanya tapos tinabihan ko sya.
"masakit ba talaga?" nakahiga kami ngayon pareho sa kama nya tapos si Ren namimilipit sa sakit ng puson nya. humarap sya sakin tapos ansama ng tingin.
"Obvious ba ha?!" mas lalo ako lumapit sa kanya tapos hinalikan ko sya sa noo.
"kaya mo pa bang pumasok?"
"hindi na nga ako makatayo dito eh. hindi na muna ako papasok."
"sige. hindi na lang din muna ako papasok ng morning classes ko. mamaya nako papasok."
"alam mo Keith okay lang ako. wag ka na mag-absent. makakaabala pa ako sayo."
"sshhh. inaantok ako. tulog na lang tayo." pumikit nako pero gising pa rin yung diwa ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ren's POV
(A/N: ayan ha naglalagay nako ng POV para naman hindi kayo malito kung sino yung nagsasalita! reuested ih hahahaha!)
Grabe ang hirap talaga maging babae!! kami na nga manganganak tapos meron pa kaming HELL week! ang sakit talaga ng puson ko grabe T-T
"Keith naman eh. wag ka na mag-absent baka pagalitan ka ng prof mo." pero imbes na gumising hinila nya ako palapit sa kanya tapos niyakap ako. wala na tuloy ako nagawa kasi hindi na rin ako makakilos sa posisyon namin eh.
"Matulog na lang tayo Ren. you need to rest." natulog na lang din ako. ito yung isa sa mga okay kay Keith simula nung bata pa lang kami..kapag nakita nya na akong umiiyak gagawin nya lahat tumigil lang ako kahit minsan magmukha na syang ewan. tinanong ko sya dati kung bakit nya ginagawa yun pero sabi nya ang panget ko daw kasi umiyak tsaka ang ingay ingay ko daw. grabe noh?
BINABASA MO ANG
My Little Bride?? [On going]
RomanceAfter 2 years nakapag UD na rin ako! Grabe! pasensya na po kasi naging busy lang tsaka nawalan lang talaga ng ideas? so ngayon na tapos ko na yung isa kong story (Be Your Everything) ito naman yung next goal ko na matapos. so I hope na sususportahan...