Para sa bestfriend kong day nag update ako hahaha! excited daw sya eh! actually pati ako excited! XD
Alam nyo yung moment na kapag may bago akong UD sya talaga mismo yung unang nagbabasa tsaka kinikilig? kaya kapag nagkikita kami nun wala kami ibang topic kundi wattpad hahaha! i love you day! :*
I will do my best XD
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hindi ko alam kung ano yung ginagawa ko o kung ano yung gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero ang alam ko lang gusto ko makalayo.
Habang nasa gitna ako ng pag-iisip biglang may humawak sa kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. Naamoy ko yung pabango nya at sigurado akong hindi sya to.
Hindi sya si Keith.
"Bakit ka tumatakbo?" paglingon ko...si Erwin pala. hayy buti naman..makakahinga na ako ng maluwag :)
"GUYS THIS IS YOUR LAST CHANCE TO DANCE WITH YOUR DATE. KAYA YAYAIN NYO NA KUNG SINO MAN GUSTO NYO HULING MAKASAYAW BAGO MATAPOS ANG GABING ITO. ENJOY! :)" announce ni Ms. Janelle sa lahat ng students.
Nakita namin na unti-unting napupuno ng mga mag partners yung buong SAC. Lahat sila sumasayaw kasabay ng kantang "A Thousand Years"
"Ren favorite mo yung kanta na yan di ba? :)"
"Ah eh..oo" tumingin ako sa may likuran ko. Nakita ko si Keith nakatingin lang samin ni Erwin.
"Can I have this dance?"
"Ah..sige :)" nakahawak pa din si Erwin sa kamay ko hanggang sa makarating kami sa dance floor.
Si Erwin yung date ko ngayon pero iba yung nasa isip ko. Leshe naman kasi bakit ko ba kasi ginawa yun??
Pero bakit nya rin naman ako hinabol? Pwede naman na hayaan nya na lang di ba? Bakit nya rin iniwan yung kasama nya kanina para lang sundan ako? Psshhhh hindi naman kasi talaga big deal yun..at wala na rin bago kung makipag holding hands sya kahit kanino.
"Ay leshe!" bigla ko na lang nasabi yun sa sobrang pagkabigla.
BINABASA MO ANG
My Little Bride?? [On going]
RomanceAfter 2 years nakapag UD na rin ako! Grabe! pasensya na po kasi naging busy lang tsaka nawalan lang talaga ng ideas? so ngayon na tapos ko na yung isa kong story (Be Your Everything) ito naman yung next goal ko na matapos. so I hope na sususportahan...