Sana... Ang salitang ginagamit para humanap ng pag-asa
Sana... Ang salitang pauli-ulit na umiikot sa isipanWala man tugma ang tulang ito,
Ngunit sana'y mabatid ang kahulugan..Sana... Sa oras na tayo ay punong-puno ng pag-aalinlangan
Isip at puso'y manatiling maliwanagan.
Sana... Sa mga panahong gulong-gulo
Nawa'y bumalik lahat sa kaayusan.Sana... Hindi pa huli ang lahat
Susubukan pa ring habulin ang oras na pinalipas
Sana... Matapos na ang mga problema
Nang ang isip ay di na maguluhan paSana... Sa oras na malabo na,
Balikan kung saan at paano nagsimula.
Sana... Tandaan na kahit ano mang mangyare,
Iikot at iikot pa rin ang mundo..Sana... Sana...
Sana... Ako pa rin..
