Ikaw na laging laman ng isipan,
Puso'y natutuwa sa iyong kagandahan.
Ikaw na biyaya sa taas,
Naku, talagang wala ka nang takas!
Ikaw... Oo, ikaw!
Buong diwa ko ay iyong pinukaw.
Ikaw na nga talaga,
Ang pinakatanging dalaga.
Ikaw na laging nakikita,
Huli ka talaga sa balita!
Ikaw... Alam mo ba?
Na sa simula pa lang ay mahal kita.
Ikaw, binibining magaling pumukaw,
Ng isang pusong laging uhaw.
Ikaw, oh binibini, iniirog kita.
Alam mo na ba?
Ikaw, sana ay napagtanto mo na,
Na ako ay naghihintay noon pa.
Ikaw na ang talaga ang natatangi
Sa buhay kong puro tabingi.
Ikaw, kilala mo na ba ako?
Sana oo, pati ang aking buong pagkatao.
Ikaw, sana malaman mong hindi titigil
Ang puso kong pigil at gigil
Ikaw, mayroon akong tanong.
Naramdaman mo ba ang bawat saknong?
Ikaw... Ikaw... oo! Ikaw...
Mahal mo rin ba ako?
![](https://img.wattpad.com/cover/164484064-288-k493373.jpg)