Tayo
Sa wakas, meron nang tayo.
Pagmamahal ang tanging bumuo.
Sa relasyong punong-puno
Ng kasiyahan pati na rin ng gulo.
Pagkatapos ng mahaba-habang pahihintay.
Heto ka na, sa akin ay nakadantay.
Mukha mo'y di pagsasawahang titigan.
Hanggang sa ang araw ay masilayan.
Mahal, di ko mapigilang balikan,
Mga araw na tayo pa lamang ay baguhan.
Di mapagtanto kung ano ang dapat nating gawin,
Sa relasyong tayo'y nangangapa pa rin.
Naaalala ko pa, noong sinambit mong, 'mahal kita'
Di mo alam kung gaano ako kasaya.
Sa hinaba-haba ng aking paghihintay,
Saya ko'y talagang walang kapantay.
Naaalala mo pa ba?
Noong mata mo'y puno pa ng mga muta.
Nakangiti na ako para batiin ka
Ng isang 'Magandang Umaga!'
Oh aking irog! Napakasarap talaga.
Alam mo ba?
Magising sa tabi mo ng umaga,
Kahit na sa pagtulog ay magulo ka.
May mga panahong ang 'tayo' ay sinubok
Ng tadhanang malakas kung sumuntok.
Ikaw ay naguguluhan,
Sa Pag-ibig na walang kasiguraduhan.
Nako, mahal, alam mo naman.
Na kahit kalian, di kita susukuan.
Ikaw at ako ay di masasayang,
Dahil alam kong isa tayong kasaysayan.
---------
Magandang gabi sa aking irog! Mahal kita!
