Ako... Ako yung tipo ng taong kakaiba.
Oo, kakaiba ako, napakaibang-iba.
Ako 'yung taong maraming itinatagong lihim.
Mga sikretong kayang ibaon ng malalim.
Ako, yung taong una palang na ika'y makita,
Lagi kang nasa isip at gunita.
Ako nga'y nahulog na...
Sa patibong ng pag-ibig na dala mo o, diyosa.
Ako ay hindi mapakali,
Irog, baka puwedeng magbakasakali?
Ako nga lang ay nahihiya.
Baka pag ika'y lapitan ay mapahiya.
Ako ay di magaling sap pag-ibig.
Pero sana, irog, maintindihan moa ng aking ibig.
Ako ay parang trumpo,
Paikot-ikot, di alam kung san tutungo.
Ako ay umiibig sayo, oh binibini.
Sana ngayon magbunga ang aking pag-aatubili.
Ako sana ay pakinggan,
Sana puso't isip mo'y buksan.
Ako, oh irog, ay iniibig ka.
Sana'y dinggin ang aking sasambitin oh, sinta.
Ako ay naghihintay sa iyong kasagutan.
Binibining puno ng kagandahan.
Ako ay isang simpleng tao,
Na masasabing mahal ka ng buo.
Ako na ay maglalakas loob na...
Irog, maaari ba?