Bawat Sandali

11 0 0
                                    

Bawat sandali na kasama ka'y iba ang tuwa sa aking puso,
Tila parang gusto kong ang oras ay huminto.
Ngayong mga panahong kasama kita, ay tila limitado,
Hahagkan ka, hanggang may pagkakataon pa ako.

Bawat sandali na ako'y biyayaang makasama ka,
Hinding-hindi ko sasayangin dahil ako'y sa malapit ay aalis na.
Mulinh mangungulila sa bawat panahon na ika'y nakikita.
Sana naman, sa susunod hindi na mahahadlangan pa.

Bawat sandali, ikaw ang laging nasa isip.
Pinagdarasal na sana ay makita ka pati sa panaginip.
Mahal, sana sa bawat oras na ako'y kasama mo, sana napapasaya kita.
Wag mo sanang limutin ikaw lang, wala nang iba.

Kung sa bawat sandali, mahal, ika'y napapagod,
Wag kang mag alala, ako'y andito, ang iyong lingkod.
Wag ka sanang magsawa mahal, kapag ako'y nakakainis na.
Sana habaan mo pa ang pagmamahal mo at pasensya.

Pasensya ka na, kung ako'y maraming pagkukulang.
Sana bumalik na tayo sa dati.. Iyong wala na masyadong hadlang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Tula para kay IrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon