M.A.H.A.L.

14 0 0
                                    

Mahal... Iyan ang salitang gusto kong manggaling sa iyo.

Isang salitang una pa lang, imposibleng mapagtanto.

Kahit iyan lang ang aking marinig,

Tiyak, tatalon na ang puso kong sayo'y umiibig.


Teka, mahal ko, bago ang lahat alam mo ba?

Na pinagdarasal kong maging akin ka.

Imposible, pero lahat ng ito'y totoo.

Kahit alam ko nang niloloko ko ang sarili ko.


Matapos ng una nating halik,

Nagpaalam ka't iyong ibinalik.

Mga labing unang naglapat,

Ngayon ay naramdaman ko nang ito ay sapat.


Sapat para sabihin kong, iba na talaga.

Sana, sana sabihin mong ako rin ay mahalaga.

Ako'y sumabay sa bawat halik,

Na sa iyo'y aking ibinalik.


Iyon ay isang gabing makahulugan,

Para sa puso nating naguguluhan.

Di ko akalain, lahat ay mauulit.

Kakaiba kasi ang gay among malupit!


Mahal... Ako'y iyong ginulat.

Isang araw nang ako ay mamulat.

Mahal... Iyan ang tangi mong sinambit.

Diyos ko, puso ni mahal bigla mong kinalabit!


Mahal... Ang sarap pakinggan,

Tuwing ang salitang ito'y iyong binibitawan.

Ang dasal ko'y nasagot na...

Maraming salamat mahal, narito ka na.


Mahal, lagi mong tatandaan.

Ako at ikaw ay aking pahahalagahaan.

Salamat talaga at ikaw ang nakilala.

Dahil ang nasimulan natin at napakadakila. :)


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

I LOVE YOU MAHAL. :) Ikaw lang at wala nang iba. :)

Mga Tula para kay IrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon