Chapter 3. Seatmate

4 0 0
                                    

Almost 3 weeks nadin makalipas ng unang pasok ko dito sa new school na pinag enroll-an samin ni mama okay naman yung school.

Medyo religious lang, yung tipong hinihikayat ka na mag madre or pare, after lunch need mag rosary, bago mag start every class we need to pray, before lunch may mahabang prayer hanggang sa pag uwi namin may dasal.

Hindi kaya lumagpas na kami sa langit nito?

Hindi pa naman ako marunong mag rosary, kaya ng una ayun tinawana ako ng ibang classmates ko.Tsss kala mo naman mga santo.

Nung nasa Canada kasi kamj Christian school yung pinapasukan namin at wala namang ganun kaya diko alam.

Buti nalang madasalin ang lola ko at sakanya ako nag paturo mag rosaryo kaya ayun simula nun kasabay niya na ako mag dasal tuwing pag patak ang alas sais ng gabi.

3 weeks na pero yung ka seatmate ko di parin pumapasok, baka di na nag enroll yun. O hindi kaya anak siya ng may ari ng school kaya ayos lang kahit di siya pumasok.

"Rae,may batang naghahanap sayo." sigaw ng lalake kong kaklase.

Agad naman akong lumabas, dahil lunch break naman namin, istorbo sa pagkain ko yung naghahanap sakin, paglabas ko naman tumambad sakin yung mukha ni Kaiser na may ketchup pa sa pisngi.

Dugyot na bata nito kala mo di alaga ng magulang susme.

"Ate, engeng 5 may bibilhin lang ako sa canteen please." kala ko kung ano na, kala ko may nang away sa kanya or may ginawa siyang kalokohan sa classroom.

He is here for 5 pesos, ako lang kasi ang pinapabaunan ng pera ni mama saming tatlo, pag may baong pera ang dalawang mokong for sure it was given by our lola.

"Anong gagawin mo sa 5, kakain mo lang may ketchup ka pa nga oh." sabay punas ko sa pisngi niya.

"Please ate, bibili lang ako ng mais na may cheese,sabi ng kaklase ko masarap daw yun eh." kakain lang pag kain nanaman bibilhen nitong batang to ang takaw talaga.

"Okay, saglit, asan ang kuya mo?" pagtanong ko dahil madalas kasama niya ito pag nagpupunta sakin.

"Nasa library ate, may hihiramin daw siyang book eh. " Saming tatlo si Spencer ang masipag sa pag aaral, mahilig siya sa mga games pero di niya pinababayaan ang academics niya.

" Oh,eto 10 pesos yan ah, baka kulangin ka kung yung tag 5 lang bibilhen mo sa katakawan mo ba namang yan." pang aasar ko sa kanya.

Medyo nainis siya sa sinabi ko kaya umalis nalang siya, di na nag thank you naasar ata, sarap talaga asarin nun, sobrang pikon kasi hahahaha.

Bumalik naman agad ako sa kinaupuan ko para ubusin ang natirang pagkain ko nang mapansin ko na may bag na dun sa bakanteng upuan na katabi ko.

"Lia, oh may bag na dito?" pagtatanong ko.

"Ah yan ba, pumasok na si Zeph halfday."

Zeph so lalake pala katabi ko madaldal din kaya siya tulad ni Julia? Sana hindi kasi sapat na ang daldal ni Julia wag na sanang may dumagdag pa.

"Ah. Okay. " Sagot ko sakanya.

"Medyo scary nga lang yan si Zeph, nursery palang kami kilala na namin yan,sobrang malokong bata, alam mo ba minsan nag dala yan ng martilyo."

"Ha? Bakit naman? Astiiggg nga eh."

"Astig ka diyan. Nung tinanong siya ng guidance kung bakit may dala siyang martilyo ang sagot niya sa dahil ipupukpok niya sa ito kaklase namin dahil binubully nito ang isa naming kaklase. Scary diba?"

The one that got awayWhere stories live. Discover now