Chapter 12. Butterflies

12 0 0
                                    

"Mahal, ayos na ba yung film natin?"

"Opo mahal kong Julia okay na. after ng last scene ni Zeph at Rae  tapos na ang project natin."

"Lucas, mahal ko ineedit ko na yung  ibang clips, wala ba akong kiss hmm."

"Tumahimik ka nga Karl! kadire ka."

Okay na naman na si Lucas akala mo walang nang yare sa kanya sa sobrang kulit nito lalo na pag hinaharot niya si Lia, mabuti nalang clear din ang kanyang CT Scan.

Binalita din sakin ni Lia na sila na ni Lucas and I'm so happy for her kitang kita sa mata niya kung gaano siya kasaya, simula nun madalas kasama na namin ang tatlo nakakatuwa lang dahil kahit papano ay nadagdagan ang mga kaibigan ko.

"Marceline Rae Brassen, scene niyo na ni Zeph ayusin niyo naman naka ilang take na tayo eh."

"Zeph Bentley Acuesta, ayusin mo naman din kasi damhin mo yung scene si Rae yung nahihirapan eh."

"Oonga para matapos ko na ang pag eedit."

Naka ilang takes na nga ba kami nitong si Zeph mukha naiilang din ito sino ba naman kasing hindi maiilang diba?

Parehas kaming hindi masyado nagkakausap, kaya medyo nahihirapan kami but we need to do this para matapos at maipasa na.

Medyo late nadin kami magpapasa dahil sa nang yare kay Lucas, but Mr.Briones understand our situation kaya inextend niya yung deadline.

"Back to the scene na Rae, last scene na ito. So give us your best shot!"

"Okay Zeph and Rae the camera will roll in 3..2..1 action!"

That's our cue, ang scene ay nasa airport ako para umalis iiwanan ko si Zeph para mag trabaho at magkakahiwalay kami ng sobrang tagal and I shoul feel this scene para mas maging maganda ang production namin.

"Marceline, sa pag alis mo ako padin kaya ang mamhlin mo?" hinawakan nito ang kamay ko.

"Bentley aalis ako pero hindi ibig sabihen nito hindi na kita mamahalin, remember that. Masakit man but we need to take different path ways for our future we need to grow on our own from now on." may mga unti luha lumabas sa mga mata ko.

"Kailangan ba talaga magka layo natin aabutin yung pangarap natin? Hindi ba pwedeng dito ka na lang wag ka ng umalis Marceline. I'm begging you please stay with me." Mas hinigpitan nito ang hawak saking mga kamay.

"I'm sorry Bentley, I can't stay with you right now saglit lang ang 5 yrs, pangako pag tapos nun I will be right by your side always and forever." I looked at his eyes.

"I'll promise too, mag aantay ako sa pagbabalik mo basta tatandaan mo malayo ka man sakin hindi mag babago ang nararamdaman ko mahal kita, mahal na mahal kita at mamahalin kita until the end. We will be together again with a brighter future."

Unti unti nilapit nito ang kanyang mukha at hinalikan  nito ang noo  at maya maya pa ay yumakap nito sa akin.

Bakit ganun ang pakiramdam ko? bakit parang may mga paro paro na nag paparty sa tiyan ko, ang tagal naman tumawag ng cut ni Lia hindi na ako makahinga sa yakap ni Zeph but can we atleast stay this fo a while?

Hindi ko maintidihan pero parang ayaw ko pang matapos yung yakap ni Zeph mukhang may mali na talaga sa nararamdaman ko ano ba talaga ito.

"aaaand cut! Kaya naman pala eh!Kung kanina niyo pa yan ginawa mas mabilis tayong natapos."

Agad naman akong bumitaw sa yakap nito at nag paalam na mag babanyo muna. Ano ba yung naramdaman ko kanina ng yakap ako ni Zeph bakit ba kasi samin binigay yung ganung scene pwede namang si Lucas at Lia yun.

The one that got awayWhere stories live. Discover now