Rae's POV
"Wednesday pala ngayon, cleaners nanaman tayo. Kukuha lang ako ng mop Rae ah pag ginulo ka ng mga mokong sabihen mo lang" bilin naman ni Lia sabay alis nito.
Nag sisi uwian na ang mga kaklase namin,kaya kami nalamg ang andito para maglilinis ng classroom binilin ko kay Spencer kanina na antayin nila ako dahil cleaners ako ngayong araw.
Kinuha ko na ang walis para makapag umpisa, kasama ko si Lucas,Karl, Lia at si Zeph sila ang ang mga na assign maging ka group ko and every Wednesday ang duty namin.
Masaya naman kasama sila Lucas at Karl, medyo kinakausap naman nila ako kaso mukhang nahihiya pa sila sakin si Zeph naman tanging tango lang ang response nito o kaya iling magsasalita lang pag guguluhin ito ng mga kaibigan niya.
Habang nag wawalis ako sila Lucas naman at Karl ay ang nag pupunas ng mga bintana ng room.
"Hachoo! Ang alikabok naman ng bintanang ito may aicon naman yung room tas inaalikabok pa." inis na sabi naman ni Lucas.
"Wag ka n magreklamo dalian mo nalang diyan para maka uwi na tayo." sagot sakanya ni Karl.
"Eto oh basurahan diyan mo nalang ilagay yung winalis mo at ako na ang magtatapon pag tapos mo." di naman ako nanaginip diba si Zeph kinausap ako? himala ata kahit katabi ko to buong araw di nga ako kinikibo nito and now for the very 1st time kinibo niya ako may sumapi atang santo rito
Tinignan ko lang siya at inabot yung basurahang binigay niya. kaasar naman itong mga kaklase ko mga walang manners may trash can naman sa sahig pa itatapon.
Maya maya pa ay bumalik na si Julia na bit bit ang timbang may tubig at mop, nang makita naman ito ni Lucas ay agad agad niyang tinulungan ito, medyo namula naman ang mukha ni Lia sa ginawa nito,hmm parang may pag tingin ah.
Gwapo naman si Lucas, matangkad medyo singket at Matalino din naman, baka ito yung tipo ng kaibigan ko kaya bina busted nya yung mga nililigawan niya.
"Muling ibalik ang pag ibig." Kanta naman ni Karl,ibalik wait don't tell me may nakaraan si Lia at si Lucas.
Tinignan siya ni Lucas ng masama ng kinanta niya iyon at medyo natatawa naman si Zeph, na para bang sigi lang asarin mo pa si Lucas.
Mukhang may kailangan ikwento sakin si Lia, sa kadaldalan nito may hindi pa pala ako siya na ida daldak sa akin.
"Lia, baka may sasabihen ka sakin mamaya makikinig naman ako, di naman ako nagsasawa sa boses mo eh." asar ko sa kanya
Biglang nagbago ang mood nito, may something nga siguro sila ni Lucas before.
"Wala ah! wala akong bagong tsismis, Rae." tugon nito.
Ngumiti na lamang iti at binalik ang atensyon sa kanyang pag ma mop, pansin ang lungkot sa kanyang mga mata ano kaya ang nanyare sa kanila ni Lucas.
Nakatinggin naman samin ang tatlo na nag parang mga nag pipigil sa pag tawa, nakita ko ang ngiti ni Zeph mas bagay sa kanya yung ganun kesa lagi siyang seryoso.
"Hmm.Rae, si Lucas may tsismis,gusto mo bang malaman?" sabat ni Karl ng manahimik si Lia at bigla naman siyang siniko sa tagilaran ni Lucas.
"Talaga?! Can you spill the tea?Lucas about kanino ba yan? About ba yan sa mag lover?" saad ko dito.
"Loko! Wala ah, wag kang naniniwala diyan kay Karl diba Zeph. " tila ba parang naghahanp pa ito ng kakampi.
"Ha? Kinwento mo nga sakin yung tsismis na yun samin pre, bakit di mo nalang ikwento rin kay Rae. Ex love birds yun diba?" sorry Lucas at mukhang wala kang kakampi ngayon.
Sa tono ni Zeph it looks like na patungkol ito kay Lia at Lucas,para mag bigay ng hint kung ano nga ba ang meron before sa dalawa.
Maya maya naman ay nagsalita si Lia sa narining niya at sobrang excited pa nito dahil may masasagap nanaman siyang balita na pwede niyang ikawento sa mga kaklase namin.
"Oy Lucas!,di nga may tsismis ka, pakinig ako para maikwento ko sa iba yan. Sino yung mag ex lover? clue naman diyan oh!" pag tatanong ni Lia matalino naman siya pero ang slow niya ang tsismis na tinutukoy namin kanina pa eh yung about sakanila ni Lucas di niya pala nagets ito at akala niya iba tsismis ito.
Nag katinginan kami nila Karl at Zeph at sabay tumawa ng malakas dahil sa sinabi ni Lia, ngayon ko lang nakita na ganun si Zeph tawang tawa ito na naluluha pa dahil sa tanong ni Lia kay Lucas.
"Oy! anong nakakatawa sa sinabi ko. Sino ba kasi yung mag ex lover na yun kilala ko ba?" tanong muli nito kaya mas lalo kaming nag tawanan.
Bakas naman sa mukha ni lucas ang hiya sa oras na ito halos hindi siya makatinggin sa amin.
"Anong nakakatawa?" medyo inis na tanong ulit ni Lia.
"Wala naman, mukha kasing interesado ka talaga makahagilap ng bagong tsismis ah." sagot naman ni Zeph sakanya.
Mukhang namang naiinis si Lia kaya agad ko itong nilapitan at sinabi na aalamin ko yung tsismis ni Lucas at agad kong ikwekwento sakanya ito, hindi na ulit siya nangulit. Bumalik na sa pag ma mop si Lia at ganun din kami sa kanya kanya naming paglilinis para matapos na makauwi nadin.
"Ayan maaliwalas na, Kami na ang magbabalik nitong nga ginamit namin. Mauna na kayo. Ingat." Saad naman ni Karl.
Inayos ko na ang gamit ko at bumaba na kami ni Lia tiyak na inaantay na ako ng mga kapatid ko.
"Thank you guys!" Pag ba bye ni Lia sa mga kasama namin, bago kami lumabas ni Lia ng room ay nagsalita si Lucas.
"Lia! uhmm. Kakain kami ng kwek kwek baka gusto niyo sumama ni Rae." alok nito.
"Madami pa kaming gagawin eh, sa susunod nalang siguro." sagot nito sabay labas ng classroom.
Medyo natatawa padin ako sa tuwing maalala ko ang pagiging slow nitong kaibigan ko, niyaya pa siya ni Lucas but she rejected it.
"Bukas ko na ikwekwento." saad niya habang pababa kami ng hagdan.
"Ang alin?" tanong ko naman dito.
" Yumg samin ni Lucas, sabi mo kanina may sasabihen ako diba? bukas nalang late nadin eh." pansin ko ang medyo lungkot sa mga mata nito habang kinakausap ako.
"I'm was joking lately, if you're not comfortable telling it to me then it's okay." nakonseya tuloy ako bigla sa sinabi ko kanina.
"No it's okay Rae, you need to know and maybe may mai advice ka sakin once you hear it." tugon niya.
"Sorry, okay makikinig ako ng maigi bukas,Ingat ka pag uwi okay?" sagot ko naman rito.
"It's okay Rae, baliw! Ikaw din ingat." Sabay sakay nito sa tricycle.
Mukhang malungkot ito ng nabanggit yung past nila ni Lucas, sana okay lang siya.
Kaya pala madalas nahuhuli kong nakatinggin si Lucas sa kaibigan ko dahil may nakaraan pala sila at madalas ilap din si Lia pagdating sakanya may siguro silang pagtinggin sa bawat isa.
Bagay pa naman sila halos magka resemblance yung mukha nila, sabi pa naman sakin ni mama pag ganun daw ay yun na yung makakasama mo buong buhay mo.
Buti nalang payapa ang buhay ko at hindi ko pa pinoproblem ang pag ibig mas kinikilig pa ako sa mga 2D mas gwapo pa nga to kesa sa mga tao lalo na si Zoro ang angas pa ng 3 sword style nito, kaya ayos na siguro ako sa mga 2D characters.
Nagkakaroon naman ako ng crush pero bibihira lang, pero kung pag ibig ang uusapan mukhang wala may balak because no one told me that they like me kaya malabo nadin siguro akong mag ka gusto sa iba.

YOU ARE READING
The one that got away
RomanceThere's one in every person's life The one who didn't become your husband or wife. The one who will always have a place on your heart. Siguro para kayo sa isa't isa o siguro hindi naman talaga kayo for the better nadin. Yet there was something betwe...