Tahimik akong naglalakad sa kalye nang may nakita akong isang lalaki. Nakatayo lang ito at tumitingin sa itaas. Para bang may iniisip? O may tinitingnan lang siya pero hindi ko makita?
Dala dala ang bag ko ay nilapitan ko siya. Napansin ko ang marumi-rumi nitong damit, may amoy na din ngunit hindi ko iyon pinansin. Sa tabi niya ay mayroong karton na may nakasulat na hindi ko masyadong mabasa.
"Ah.. Kuya," tawag ko rito.
Nagulat naman siya at agad na tumingin sa akin. Napansin nito ang kamay kong may hawak na pera kaya niabot ko sa kanya. Ngumiti ito ng tipid at umiling.
"Hindi ko kailangan niyan iha." Aniya, "Hindi ako naghihirap. Hindi rin ako pulubi.. sadyang.. nawala lang ang sarili ko."
"Marami nang nag alok sa akin ng pera, tirahan.. mag aalaga. Ngunit lahat nang iyon ay tinanggihan ko dahil hindi ang mga iyon ang magpapasaya sa akin."
Nahihiyang ibinaba ko ang aking kamay at ngumiti sa kanya. "Pasensya na ho.. nakita ko lang po kayo dito, kaya inisip ko po na.. na baka kailangan niyo.."
"Okay lang."
May kinuha siya sa kanyang bulsa at inabot iyon sa akin.
Nagtaka ako ngunit kinuha ko rin at tinignan. Nabigla ako nang makita iyon. Isang litrato ng babae.
"She was my first love. My greatest love. My everything.. my other half." Gulat akong napatingin sa kanya nang magsalita ito. Para akong napipi habang pinapakinggan ang bawat salita niyang binitawan. "Pero.. kay lupit ng tadhana sa aming dalawa at kami ay ipinaghiwalay."
"B-bakit hindi po kayo nagkatuluyan?"
Mapait itong napangiti at umiwas ng tingin, "Siya'y ikinasal sa iba. Dahil sa mahirap lang ako, sa iba siya ipinagkasundo ng kanyang mga magulang. Ang masaklap pa ay ipinagahasa siya doon sa lalaking kanyang pinakasalan bago pa man maganap ang kanilang kasal."
Bawat salitang binibitawan niya ay parang kutsilyo na tumutusok sa buong pagkatao ko.. bakit.. bakit sa kanya ko pa malalaman?
"Bakit ka tumatangis?" Tanong nito sa akin.
Napayuko ako at umiling, "Nalulungkot lang po ako."
"Pag nakita mo ang babaeng iyan. Pakisabi sa kanya kung nasaan ako. Na nandito lang ako sa lugar kung saan kami unang nagkita."
Pinunasan ko ang mga luha ko ngunit hindi ito tumitigil. Kahit hirap sa pagbigkas, sinubukan ko paring magsalita.
"I saw her." Mabilis siyang lumingon sa akin at kitang kita ang tuwa sa kanyang mga mata.
"She.. She's my mother..
And she already died 5 years ago."
-
-Work of fiction
-Hindi po ito plagiarized omg, may nakita akong same na title and almost same ang plot dito sa story na 'to and coincidence lang pong magkatulad tayoT^T sequel po ito ng kasal waaah.
BINABASA MO ANG
Short Stories Compilation
RomantikStatus: Completed Genre: One shot Stories (LGBTQ+, Romance, Drama, etc.) Language: Filipino, English
