Nakaupo ako ngayon dito sa isa sa mga bench ng campus nang mamataan ko si Gabby at Alexa sa 'di kalayuan. Pareho ko silang kaibigan dahil nasa iisang squad lang kami.
I looked away when Alexa tried to kiss Gabby. Magkasintahan silang dalawa at hindi ko maiwasang masaktan. May gusto ako kay Gab at bestfriend ko si Alexa.
Kinuha ko ang tumbler ko at uminom doon. Hindi ako homophobic, my friends are all gay and I respect them. Sadyang hindi ko lang matanggap ang sitwasyong meron ako, nagkagusto sa babaeng alam ko ay hindi mapapasa-akin.
Umayos ako ng upo when I saw them approaching me. Kumaway pa si Alexa, I tried to smile and waved back at her.
"Zandro, tapos na practice niyo?" Tanong niya nang makalapit.
"Not yet, Cael is still there."
"Puntahan mo muna sila Cael, love." Napalingon ako kay Gab nang magsalita siya. Nakaramdam ako ng kirot dahil sa itinawag niya kay Alexa na dapat ay hindi ko na maramdaman.
The latter nodded and nudged at me. "Ikaw na munang bahala sa girlfriend ko, 'wag mong harutin ah? Magkakamatayan tayo."
I chuckled, "Yeah, you won."
Sinamaan niya akong muli ng tingin bago tuluyang umalis. Pinanood namin ang paalis niyang pigura at naramdaman ko na lamang na may umupo sa tabi ko, it was Gabby.
"I missed how you two bond." I stayed silent as I let her speak. Nagpapatukoy siya sa amin ni Alexa. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko, ako ang dahilan kung bakit lumayo ang loob niyo sa isa't isa."
"Stop blaming yourself, Gabby. Tapos na iyon, maayos na kami."
"May kulang pa din." She smiled weakly, "and I'm sorry for that."
Diretso na lamang akong tumitig sa harapan, iniiwasan ang tingin niya.
"It's fine."
Natahimik kami. Pinanood na lamang namin ang ibang mga estudyante na naglalakad sa hallway.
"Gab, can I ask?"
"Hmm?"
"Why her?"
She paused for a second before smiling at me. It was pure. Doon palang alam ko na ang sagot.
She's genuinely happy and Alexa is the only reason why.
"Kasi siya ang mahal ko, Zandro." Aniya at napatingala na lamang sa kalangitan. "Mahirap magdesisyon lalo pa't magbestfriend kayo pero wala, eh. Gusto ko ding sumaya kahit alam kong may masasaktan."
"I'm sorry for not choosing you. I'm sorry if you feel like I'm invalidating your feelings. Sorry kasi hindi ko masusuklian ang pagmamahal na ibinibigay mo."
Nanatili na lamang akong tahimik. Masakit pero eto na ang katotohanan, sinasampal na sa akin. Kailangan ko lang tanggapin ang lahat.
"Someday, you'll find a girl who will love you truly. Yung kaya kang mahalin gaya ng kung paano mo siya mahalin, o higit pa doon. Yung hinding hindi ka sasaktan at pipiliin ka sa araw-araw."
Napangiti ako. "Alexa really treats you right."
"Hoy, anong pinag-uusapan niyo?!"
Napalingon kami sa sumigaw. It was Clei, kasama niya si Cael at Alexa.
"Nothing." Gab said at tumayo. Napatayo nalang din ako. Alexa held her hand at nagpaalam sa aming aalis na.
"Tara?"
Napatingin ako kay Cael nang mag-aya ito.
"Saan?"
"Inuman."
Nagtawanan kaming tatlo. Hindi ko alam na maaari palang maging masarap ang sakit sa pakiramdam.
"No need." Saad ko. "Maayos na ako."
I already accepted the fact na she will never love me back. As long as she's happy, I am happy.
Hiling kong maging masaya siya kahit hindi ako ang dahilan. Even if it's hard, I'll try to forget my feelings for her at ihanda ang sarili para sa susunod kong mamahalin.
All I need to do is accept.. and move on.
-
Fanfiction of cjhay__'s Epiphany
-
Read the original story on
https://www.wattpad.com/story/204137319?utm_source=android&utm_medium=link&utm_content=story_info&wp_page=story_details_button&wp_uname=aishikairo&wp_originator=28FyZ1khtQG6ez07vd8ko%2FC09Z6b8ozuUdKj9Bx6JLx1wA5SN9dX5%2F4igwzThkdU9EIOuWm1DmSrm8nRLpt%2BQ7YUHROeX5rRNpXoBlFqH5GGtOhO6vST7%2B35g%2FzYCWhZ
BINABASA MO ANG
Short Stories Compilation
RomanceStatus: Completed Genre: One shot Stories (LGBTQ+, Romance, Drama, etc.) Language: Filipino, English
