Nasa loob ako ng Classroom namin ngayon. Nagpapahinga at nagbabasa, kakatapos lang kasi ng exam namin.
"Hayst"
Tahimik lamang akong nagbabasa ng Wattpad nang biglang mapagtanto ko na nag iisa nalang pala ako dito sa room
Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Lalabas na sana ako nang bigla namang magtawanan ang mga abnormal kong kaibigan sa labas at hawak hawak nila ang susi
"Shit."
Dali dali akong lumapit sa pinto at sinubukang buksan ito pero naka lock
"Tangina niyo! Hoy yung susi!"
"Isasabit lang namin sa bintana! Ikaw na magbukas ng pinto!"
Sigaw pabalik ni Drev, isa sa mga kaibigan ko
Pinanood ko silang magsabit ng susi sa isa sa mga bintana dito sa room. Nang tumakbo na sila papalayo ay agad ko itong nilapitan at kinuha ang susi
Binuksan ko ang bintanang katabi lamang ng pinto. Nilabas ko ang kamay ko at sinubukang abutin ang kandado. Madali lang naman sa aking gawin iyon dahil mahaba haba naman ang aking kamay at mga daliri.
Nagawa ko itong buksan.
"Ano? Akala niyo di ko kaya no?" Mayabang na saad ko pagkalabas ko ng room
Ngunit bago pa man ako makapagsalita ulit bigla naman nila akong tinulak pabalik sa loob ng room at muling sinara ang pinto.
Hawak hawak ko pa rin ang susi.
Hindi naaalis ang ngiti sa mukha ko. Ewan ko ngunit maski ako'y nagtataka din. Lagi na lamang akong ngumingiti kahit hindi naman talaga ako natutuwa. Weird.
Narinig ko naman ang tawanan nila sa labas. Alam kong may ginagawa na naman silang kalokohan.
Nang lumayo sila sa pinto ay muli kong ginawa ang ginawa ko kani kanina lamang.
Iba ang nakakandado doon. Parang tela
Sinubukan kong kalasin ang nakakandado ngunit masyado itong mahirap
"Hoyyy! Palabasin niyoko dito!"
Nice. Mukhang preso na ako ngayon na gustong makalabas
Pilit pa akong sumisigaw na palabasin nila ako ngunit tawa lamang ang aking natatanggap. Nagmamakaawa na ang aking tono ngunit wala parin
"Ganyan yung feeling nang wala kang kaibigan." Natigilan ako.
Ano na naman ba 'to?
"Ano? Diba? Walang tutulong sayo"
Muling saad ni Jaze, isa rin sa mga kaibigan ko
"Try to call your girlfriend baka may maitulong siya sayo"
Sarkastikong saad niya
I knew it. Pagsasabihan na naman nila ako.
Tinutukoy niya ang kasintahan kong si Arrlyne. Malayo siya at tanging chat at tawag lamang ang nagkokonekta sa aming dalawa
"Nag aaway away na tayo dahil nasa kaniya na lahat ng atensiyon at oras mo Gxean" dagdag niya pa.
Nanatili lamang akong nakatingin sa kaniya. Pilit iniisip ang pinupunto niya
"Wala kanang pakealam sa amin. Puro siya nalang--"
"Hindi totoo yan."
Depensa ko
"Totoo yun." Diin niya, "totoo yun dahil.. kahit nga mundo mo, siya na."
Natigilan ako
"Nababalewala mo kami"
Dagdag niya pa at tuluyan nang wala akong masabi.
"May daanan d'yan sa Cr para makalabas ka!"
Dinig kong sigaw ni Drev mula sa labas. Ngunit di ako nakaalis sa kinatatayuan ko
BINABASA MO ANG
Short Stories Compilation
RomanceStatus: Completed Genre: One shot Stories (LGBTQ+, Romance, Drama, etc.) Language: Filipino, English
