Chapter 5

67 3 0
                                    

“Kilala mo ba yung babaeng nagwawalis na iyon??” tanong ni Mayumi habang itinuturo ang Babae

“Teka??” at tingnan nito ang tinutukoy ni Mayumi “Si Tiya Ana yan .. Nasaan si Lolo Isko??” at nagpipilit itong bumababa

“Maghintay ka Apple .. Pupuntahan namin” pigil ni Strawberry at lumapit ang iba sa kanila para magtanong sa sinasabing Tiyahin daw ng kaibigan

“Ale, Maganda Umaga ho!” bati ni Cherry

“Magandang Umaga rin sa inyo”

“Pwede po bang magtanong??” si Bullet naman iyon

“Ano iyon iho??”

“May kilala po ba kayong Apple ang pangalan??” mula sa narinig galing kay Red bigla itong naluha at nalungkot

“Ang aking paboritong pamangkin .. Ang aking mahal na pamangkin .. Kilala niyo ba siya??” at sinabayan pa nito ng hagulgol pero ang hindi nila maintindihan sa lakas ng iyak nito dapat ay napansin na sila ng tao at nilapitan sila pero ni isa man sa dami ng taong naroon ay hindi sila pinapansin o tinitingnan para usisain.

“Opo kaibigan po naman siya .. “ sagot ni Cherry

“Kasama niyo ba siya?? Nasaan ang aking pamangkin?? Namimiss na siya ni Tatay Isko ..” buhat sa narinig ni Apple hindi nito napigilang lumapit at hindi na siya napigil pa ng iba pa nitong mga kaibigan na nagbabantay sa kanya

“Nasaan si Lolo Isko??” galit na tanong nito

“Oo Tiya Ana nasaan si Lolo Isko .. Kukuhain na namin siya sa inyo” tanong naman ni JR

“Sino ka nga ba?? Hindi kita matandaan??” sabay sipat nito ng makahulugan kay JR mula ulo hanggang paa

“Lubhang napakapalad ko naman at ako’y inyong kinalimutan agad aking mahal na tiyahin” sagot ni JR na tila nang-aasar

“Siya po si JR na anak ni Tiyo Pedring” pakilala ni Apple

“Aba!! Ikaw na pala ang anak ng bastardang si Pilar” sa mga narinig labis na ikinagalit ni JR ang mga sinabi ng babaeng kaharap kaya agad niya itong sinugod pero tila may pwersang pumipigil sa kanyang makalapit dito

“Hoy Ale .. Kaya lang naman kami naparito ay upang makiusap sa iyong tanggalin mo na ang sumpa sa aking kaibigan hindi para makipagkamustahan lang” asar na turan ni Strawberry, naisip ni JC na himingi ng tulong sa mga tao pero naunahan siya ni Ana at tila nababasa ang tumatakbo sa isipan nito

“Ang mga tao na iyan ay walang nakikita simula ng pumasok kayo sa pulang linya sa likuran ninyo” sabay turo nito sa malaking pulang linya na nadaan nila “At hindi din kayo makakalabas kahit na gustuhin ninyo maliban na lang kung ginusto ko” at tumawa ito ng napakalakas

“Hayop ka talaga .. “ sabay lapit ni Jasmin pero para siyang ihinagis ng malakas pabalik sa mga kaibigan niya

“Hindi niyo din ako kayang lapitan hanggang dyan na lang kayo, pero kung talagang matitigas ang ulo ninyo sige pagbibigyan ko kayo” sabay tingin nito ng makahulugan sa bawat isa sa kanila

“Ako na ang lalaban sa kanya .. “ wika ni Tyron

“Ikaw Apple .. “ turo ni Ana “Kung gusto mong makaligtas ang mga kaibigan mo mamili ka .. Sumama ka sa akin at papakawalan ko sila ng buhay o Lalaban mo ako at tatanggalin ko ang sumpa na binigay ko sayo”

“Papayag lang ako sa gusto mo kung aalisin mo muna ang sumpa hindi ako makagalaw ng maige”

“Sige .. Pero hindi ka nila maaring tulungan pawawalain ko din sila para patas ang laban” at pumitik ito kasabay ng pagkawala ng mga kaibigan niya, agad silang naglaban tanging dasal ni Apple ay makaligtas sila para maiuwi ang Lolo nito sa kanila bayan kahit na alam niyang mas malakas at makapangyarihan ang tiyahin nito kesa sa kanya o kahit na sino man sa kanilang sampu

Magical Adventure Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon