[ Last two more chapter :) and Matatapos na po ang Magical Adventure ]
Just keep on reading my other works po ah?
Leave comment po if necessary
____________________________________________________________
Lumipas ang tatlong taon, naging maayos ang ugnayan ng Yokasta at Bayan ni Mayumi palagian namang pumupunta sa Yokasta si Apple at naglalagi doon ng ilang araw para makasama ng mas matagal ang mga kababayan kasabay nito ang pagkilala pa niya ng lubos sa kapangyarihan niya at sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Nagpasya na din sila Cherry at Bullet na magpakasal na sinundan naman nila Jasmin at JC matapos ang ilang buwan, samantalang sila Mayumi at JR ay mas nagkakamabutihan na simula ng maging magkasama sila sa pag-aasikaso ng kabuhayan nila Mayumi.
“May sasabihin sana ako” sabay na wika ni Mayumi at JR ng minsang magkasama silang namamasyal sa hardin at abala ang lahat sa pag-aayos ng gamit na binigay ng ibang taga-baryo
“Ikaw na mauna Mayumi ..”
“Ikaw na lang JR”
“Sige na nga ako na lang, magpapaalam sana ako sayo kung maari kitang ligawan .. Nagpaalam na ako kay Apple pumayag naman siya at sinabing huwag daw kitang sasaktan at paiiyakin”
“Sa wakas .. Alam mo bang matagal ko ng hinihintay na tanungin mo ako nyan ilang taon na ado naghihintay sayo” masayang sagot ni Mayumi sa tanong ng binata
“Anong sagot mo??”
“Oo JR .. Oo, hindi na tinatanung iyan” sabay yakap nito sa binata
“Sa wakas .. ang tagal ko ding naghintay na maging tayong dalawa”
“Tara sa loob, sabihin natin sa kanila ang magandang balita ..” at magkahawak kamay silang pumasok sa palasyo na ikinagulat ng lahat pero natuwa dahil kahit paano ay masaya na si Mayumi dahil may katuwang na ito sa pagpapalago ng kabuhayan nila at kaibigan pa nila. Samantalang nagdadalang-tao na pala si Cherry noon kaya nadagdagan pa ang saya nila, si Jasmin naman lalong minahal ni JC dahil napakabuti nitong asawa. Si Red at Apple nagkaayos na rin matapos ang ilang buwan na hindi pagkikibuan pero hindi na kagaya ng dati na madalas silang mag-usap, ayaw na din kasi ni Apple na magkaroon ng away sa pagitan nila ni Tyron o kahit si Strawberry dahil sa pakikipaglapit niya sa binata pati sila ni Strawberry ay nagkaayos na din, pero may balita pa palang ikakagulat ng lahat
“Napagpasyahan na namin ni Apple na magpakasal”
“Kailan naman Tyron??” tanong ni Jasmin