“Jasmin, Sorry na ..” wika ni JC sabay luhod nito ng matapos sila mag-ayos ng bahay at sabay-sabay na nagme-meryenda sa likod-bahay nila
“JC? Bakit ka sa kanya nagmamakaawa? Balak mo ba siyang ligawan?” tanong ni Mayumi habang umiinom ng juice na hinanda ni Jasmin
“Sana kung papayag siya? Ano Jasmin pwede ba??” tanong muli ni JC na nakaluhod pa din
“Ano Jasmin? Pumayag ka na? Hindi naman kaiba sayo si JC kababata mo naman siya” udyok pa ni Cherry
“Tumayo ka na nga dyan nakakahiya .. Pag-iisipan ko muna” sabay tayo nito “Kukuha lang ako ng makakain pa natin sa loob” pagpayag naman ni Jasmin
“Oh? Saan ka pupunta Mayumi?” tanong naman ni Bullet
“Sa kwarto ko, may nalimutan pala ako doon ..” at mabilis itong tumayo para hindi mahalata na tila namumula ang mata
“Bumalik ka agad ha? “ habol pa ni Apple
“Oyy Apple pakisundo na nga iyon si Jasmin ang tagal bumalik” utos ni Strawberry ng makita nitong nagiging malapit ito kay Tyron
“Sige ..” pero patayo pa lang si Apple ng lumabas si Jasmin
“Huwag na nandito na ako”
“Alam niyo ang weird ng mga nangyayari satin” si Tyron iyon na abala sa pagsisilbi kay Apple
“Paano mo naman nasabi??” tanong naman ni Cherry
“Kasi tingnan mo ha? Lahat tayo namatayan ng mga magulang noong mga limang taong gulang pa lang tayo” kwento naman ni Tyron
“Oo nga!! At lahat ng iyon ng dahil sa nangyaring lindol ..” pag sang-ayon naman ni Red
“Tapos paglipas ng labindawalang taon ay ganito naman may mga kakaibang pangyayari naman ang sunod-sunod nating natutuklasan?” dagdag naman ni Jasmin
“Hindi kaya mga itinadhana tayo? Kasi sa dinami-dami ng tao dito sa San Simon tayo lang ang nawalan at hindi tayo dinarayo ng mga taga-bayan dito??” saad naman ni JR
“Sabagay? May punto ka JR, pero kung totoo ngang may powers tayo paano naman natin iyon mailalabas??” sagot naman ni Apple
“Bakit hindi tayo mag sanay malay mo doon lumabas mga kapangyarihan natin” sabat naman ni Mayumi na kakabalik lang mula sa kwarto nito pero wala namang dala na ano mang gamit
“Teka tingnan niyo ha? Kung si Apple kayang pagalawin ang lahat ang mga bagay pag tumitili at si Jasmin pumipikit ang nag-iisip para makita ang nangyari sa nakaraan tapos pag kumakanta si Cherry umuulan ng bulaklak, si JR pag-iisip din ng malalim nakakalipad at ako pag tinititigan ko nababago ko ang isip” paliwanag ni Tyron
“Sige nga Mayumi, subukan mong gumawa ng apoy sa kamay mag-isip ka lang na kaya mo” pagbibigay lakas loob ni Jasmin sa kaibigan at ilang minuto lang ay nakagawa ito ng apoy sa kamay