“Ikaw muna bahala sa palasyo Jamin ha?? Saglit lang kami” at umalis na sila para mabilis na makapunta sa Yokasta at makabalik agad, habang nasa biyahe sila hindi mapigil si Apple sa kakatawa nito na halatang itinatago ang kaba at takot na nararamdaman“Hoy JR pag sabihan mo nga ang pinsan mo nababaliw na yata” biro ni Tyron kay Apple na katabi niya
“Masaya lang iyan”
“Masaya lang ba Apple?? O kinakabahan sa aabutan mo??” tanong ni Mayumi
“Medyo??” sabay tahimik nito
“Ano bang ikinakatakot mo Apple??” tanong naman ni Alexander
“Kung ano ang pwede kong abutan doon?? Matatanggap ba nila ako?” nalulungkot na tanong ni Apple habang nakatingin sa labas ng karwahe
“Maganda ang Yokasta .. Kahit walang nagpapatakbo nabuhay ang mga mamamayan doon at mababait sila”
“Kaya wala ka dapat ikabahala Apple” sabay ngiti sa kanya ni JR
“Salamat sayo Mayumi, Alexander, JR at Tyron sa pag-intindi sa akin sa mga pagtatago ko sa nakaraan ko” hindi niya alam kung sadyang mabilis lang ba ang biyahe nila o malapit lang talaga ito dahil natatanaw na niya ang bayan na pamilyar sa kanya hindi lang nila alam kung saan nga ba niya nakita pero magaan sa loob niya habang papasok na sila
“Apple? Nandito na tayo sa Yokasta” at habang palapit sila ng palapit lalo nilang nakikita ang kabuuan nito
“Apple ang laki nga ng palasyo ninyo tama sila” at tinatanaw pa din ni Tyron ang paligid
“Teka Apple?? Para mukha mo iyon??” sabay turo nito sa malaking larawan na nakapaskil kahit saan sila tumingin
“Oo nga .. Hinahanap pala talaga nila ako”
“Sige na Apple .. Huwag ka ng matakot na magpakita sa kanila”
“Sana tanggapin nila ako” at binuksan na ni Apple ang pinto ng karwahe nila, nagtataka naman ang mga tao doon dahil ang tagal na niyang nakatayo at hindi pa din niya tinatanggal ang balabal niya “Nandito na po ako” sabay tanggal nito sa nasa ulo nito para makita siya ng mga tao at lapitan upang tiyakin na siya nga ang nawawalang prinsesa ng Yokasta
“Mahal na Prinsesa ikaw ay nagbalik gaya ng nasa propesiya, Anong propesiya??” sunod-sunod na tanong ni Apple na tila naguguluhan“Ano po??” at hinila siya ng isang matandang babae at iniabot sa kanya ang isang lumang libro at may binuksan siya
Darating siya sa hindi inaasahang panahon sa oras na huli na ang lahat pero sa kanyang pagdating may kapalit itong isang hindi magandang balita sa ibang tao na mahalaga para sa kanya. Kasiyahan ng nakararami ang hatid ng iyong pagbabalik ngunit mas masakit na kabihuan ang hatid nito sa mas nakararami.
Naisulat ang kanilang kapalaran, sa libro ng buhay sampung kabataan na mauulila pagdating ng panahon at madidiskubre ang kani-kanilang kakayahan, mga kabataan na magkakaiba ng pinanggalingan at ugali magiging isa dahil sa tadhana na nakalaan para sa kanila tapusin ang laban na nasimula.
Sabay may lumapit sa kanyang isang matandang lalaki, na pamilyar sa mga kaibigan niya at iniabot sa kanya ang libro
“Mayumi?? JR?? Hindi ba iyon yung gumamot kay Apple na albularyo noong nagkasakit siya??”“Oo nga siya nga?? Kaya naman pala parang alam na alam niya ang lahat ng tungkol kay Apple”
“Mahal na Prinsesa .. Alam naming ika’y magbabalik” at yumuko sa kanya ang matanda kasabay ng iba pang tao na naroon “Kasama ang iyong mga kaibigan ikaw ay kanilang dinala pabalik sa iyong totoong tahanan saan ka isinilang at dapat na lumaki”