Chapter 7

89 2 0
                                    

    Nagising na si Bullet makalipas noon ng ilang minuto matapos magtalo ni Strawberry at Red kahapon, Kaya napagpasyahan na nilang lumipat habang nasa biyahe sila naisipan na ni Apple na sabihin ang totoo sa mga kaibigan, tutal isang araw na din silang nagbibiyahe at kailangan munang magpahinga kahit sandali, marami silang hindi malilimutan na pangyayari sa lugar ng San Simon lalong lalo na sa bahay nila pero kailangan nilang umalis at mabuhay sa ibang lugar.


“JR .. Ihinto mo muna” pigil ni Apple

“Bakit Apple???” tanong ni Tyron

“Mag-iinarte ka nanaman???” sabay simangot ni Strawberry, nagpantig ang tenga ni Apple sa sinabi nito kaya hindi na niya napigilan ang sarili niya kahit na pinakamatalik nitong kaibigan si Strawberry

“Pwede ba Strawberry .. Magtigil ka na nga!!! Alam mo kung hindi mo siya kayang alagaan pwede bang pakawalan mo na lang at hayaang mapunta sa taong handa siyang ingatan”

“Ibig sabihin sayo???” pag-aasar nito

“Pasensya ka dahil kahit kailan hindi ko balak agawin sayo ang mahal mo dahil may mahal na ako kaya manahimik ka na”

“Bakit guilty ka??”

“Hindi ako guilty .. Hindi ko ba alam sayo bakit parang napakalaki ng kasalanan ko sayo?? Si Tyron?? Hindi ko siya inagaw sayo ..”

“Tama na yan” saway ni Bullet

“Baka nakakalimutan mo nung nawala kami ni Mayumi kayo na ni Red kaya wala kang karapatang magalit sa akin kung mahalin ko si Tyron” muling natahimik si Strawberry, muling natauhan si Strawberry sa mga katagang binitawan kaya nanahimik na lang siya at hindi nagsalita

“Bakit mo ba pinahinto yung sasakyan??” tanong ni Mayumi “naiinip ka na ba?? Medyo malapit na naman tayo mga ilang oras na lang”

“JR? Panahon na siguro para malaman nila” at bumaba ito, pinipigilan siya ni Tyron kaya lang sinabihan siya ni JR na pabayaan alam nito ang ginagawa niya at hindi ito aalis tulad ng iniisip nilang lahat

“Gusto ko lang malaman ninyo bakit pilit nila akong kinukuha sa inyo at pinapatay ..” at ilang sandali lang ay nagpalit na si Apple sa pagiging isang diwata niya lahat sila ay nagulat sa nakita kay Apple

“Ikaw ba yan Apple??” manghang tanong ni Tyron

“Annggg gannnndaaaaa niya” si JC iyon na hindi pa din makapaniwala

“Siya ang nag-iisang Diyosa ng mga Diwata .. At Apple panahon na din siguro para malaman mo na ang susi na hinahanap nila ay iyong batong nasa mata mo” lahat sila ay napatingin sa mata nito na kulay abo nga “Nag-iisa lang yan sa buong mundo at pinakamakapangyarihan pa kaya pinipilit nilang kuhain sayo iyan na pwede mong ikapahamak o mas malala pa ay ikamatay dahil iyan ang bumubuhay sayo” paliwanag ni JR, sadyang napakaganda ni Apple pag nagbabago siya ng anyo YUNG TIPONG YUNG MAHABA NIYANG DERETSONG BUHOK AY NAGIGING CURLY SA DULO, YUNG MAGANDA AT MALIIT NA MATA NIYA (which is yun nga ang kakaiba sa kanya) NAGIGING KULAY ABO, NAGGLOW-GLOW ANG BUONG KATAWAN NIYA basta para talaga siyang isang dyosa na sobrang ganda pag nakita mo siya daig mo na nakakita ng angel at nakarating ng langit.


“Apple?? Ang ganda mo talaga ..” puri naman ni Cherry

“Ito ang dahilan bakit nila ako gustong patayin .. gusto kasi nilang maangkin ang kapangyarihan at kaharihan ko” at bumalik na siya sa dating anyo”Ayoko maglihim sa inyo alam ko na darating at darating ang panahon na makikita at malalaman ninyo ang totoong pagkatao ko”

“Tara na ..” aya ni Strawberry at hindi pa din tumitingin sa kasama

“Ngayon alam na namin bakit ayaw ka nilang tigilan” sabat ni Bullet

Magical Adventure Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon