“Ano Apple naalala mo pa ba ang lugar na ito??” tanong sa kanya ni Bullet“Hindi pa ko nakakapunta dito” at biglang bumaba si Tyron ng hindi nagpapaalam sa kanila
“May problema ba kayo ni Tyron??” bulong sa kanya ni Cherry
“Saan iyon pupunta??” tanong naman ni Jasmin
“Ah baka magtatanong-tanong” at ngumiti na lang ito para hindi mabahala ang mga kasama, nang may lumapit sa kanilang babae kaya agad nilang ikinubli si Apple sa likuran ng mga kaibigan
“Mga bata .. Kanina ko pa kaya nakikita buhat doon sa aking tindahan” sabay turo nito sa tindahan ng mga prutas at gulay “Naliligaw ba kayo mga bata, Saan bang punta ninyo??”
“May hinahanap lang po kami, may kilala ho ba kayong Aling Ana?” magalang na tanong ni Strawberry bagama’t naiinip na
“Ipagpaumanhin ninyo mga apo pero wala akong kilalang ganoong pangalan pero kung inyong nanaisin mukhang malayo ang inyong pinanggalingan maaari ko kayang samahan sa pinakamalapit na bahay-panuluyan dito sa bayan namin” alok sa kanila ng matandang kausap
“Sige po!” at iniwanan na nila ang kalesa nila kasabay nito ang pag-iiwan ng orasyon na natutunan sa aklatan, sinuman ang kumuha nito ay magkakasakit ng malubha
“Tyron??” tawag ni Jasmin
“Oh??” at bumalik ito ng makitang nakababa na sila “Si Apple??”
“Narito ako ..” at lumapit si Apple sa kanya
“Tara rito sa tabi ko ako na ang aakay sayo”
“May matutuluyan na tayo” at binitbit na ni JR ang mga gamit nila
“Mga apo heto ang bahay na sinasabi ko .. Magtanong na lang kayo sa loob at aalis na ako”
“Maraming salamat po” nakangiting wika ni Cherry, at ng makita niya si Apple na akay-akay ni Tyron bigla niya itong lalapitan sana ng ilayo ni Tyron at JR
“Pasensya na po may sakit po siya ngayon baka mahawa kayo” pigil ni JR ng makitang hahawakan ito
“Napakagandang babae” at umalis na ito, agad silang pumasok sa loob ng maramdamang wala namang panganip ng salubngin ng isang dalaga na ang tantiya nila ay mas matanda lang sa kanila ng lima o anim na taon
“Magandang Gabi po” bati ni Jasmin
“Magandang Gabi din sa inyo .. Anung maipaglilingkod ko sa inyo??”
“Itunuro po kasi kami dito ung matanda po sa kanto, nagpapaupa daw kayo ng kwarto dito” sagot ni Mayumi
“Ah Oo .. gusto niyo bang makituloy?? Tara pasok kayo” at tinulungan sila sa iba nilang gamit
“Grabe ang sakit ng mga tuhod ko” daing ni Strawberry
“Mukhang malayo ang pinanggalingan niyo kaya ipaghahanda ko na yung matutuluyan niyo para makapagpahinga na kayo” at biglang lumabas ang isang babae na kaedad lang nila o mas bata pa ito
“Salamat po” wika ni bullet habang sinisipat ang buong bahay
“Pag pasensyahan niyo na dalawa na lang ang kwarto na bakante, pero malaki naman iyon maghati na lang ang mga babae at lalake ng kwarto para magkasya kayo” habang hinatid sila sa mga kwarto nila
“Ayos lang po iyon .. Mga ilang araw lang din naman po kami dito”
“Ako nga pala si Beth at ito ang pinsan kong si Kara yung dalawa kong kang kapatid na lalake nasa galaan pa” pakilala nito sa sarili niya