KABANATA II

18 4 0
                                    

CHAPTER 2


"NO FUCKING WAY." I said firmly. My forehead creased as I look at to my uncle. I don't fucking know what's gotten into my uncle's head to think this way.


"Your words, young lady."

I quickly stood up and went in front of him.

"This is a ridiculous project, Sir." I emphasized the last words. He heaved a deep sigh.

"I believe it's not, Tedi. This project aim to get the viewers and government attention. You just need to film a movie adaption of Yanna's life. This ain't about the money. This is about the harsh society to those people who live in the province. The discrimination that tribe receive just because they are different is unacceptable." Mahabang paliwanag ni uncle sakin. His eyes screams the determination and success of this project. He's really into it.


We both fell into a deafening silence. As if there was an angel who crossed between us. He sighed and pulled his necktie as if he was very stress. I went to my sit again.

"Galatea, I do not want other director but you. This great story needs a great director." He's voice got calmer and sounds pleading.

I sighed after a while and massage my temple. I thought this would be just a stressful day but I'm afraid it's not just stress. Greater than stress, great. Just great. Ang movie na gustong ipagawa sakin ni Uncle ay hindi naman ganon kadali. Wala naman kasing madali pero iba 'to. This is not my caliber. Out of my league inshort. Making a movie based on true story required an accurate detail from the certain person. What if this person didn't tell the accurate details? The whole movie can be affected.

This project is takaw issue. Hindi pwedeng hindi magkakaroon ng issue sa lahat pero I think this more heavier than any other fictitious movie I've made. This is not even a fiction. This is reality that holds against the government. It also points out some political issue. This could be great scandal once I failed.

"Sir Volokin, you don't understand me. This issue can lead us to the ground. The government can cancel our franchise renewal because of this—"

"That's why there is media freedom. Don't worry, tatamaan ang dapat tamaan. Hindi naman lahat ay masama."

"I know that but I wanna do fictions and non existing plot. I can't handle this project, sir."

"Yes, you can handle. Explore on your field, Tedi. Doesn't mean you'll stop when you achieve what you want. No, that's not where you stop the journey doesn't stop. It continues until death."

I could not argue anymore. This is so much. Early in the morning and I'm already drained.

"I'll think about this, Sir. Excuse me." I said briefly and left. Nang makarating ako sa office ko agad kong sinandal ang aking ulo sa headrest ng sofa.

Why is this all happening? Damn it. The project sounds interesting but something's holding me back and also my inner me doubting on something so I cannot accept the project easily.


My meeting with my artist went bad as I expected. Madami nag sermon sa kanila at unang una na ako doon. Showbiz is still a business. We work professionally as much as possible. Our responsibilities is to keep the network alive and to make a good film for the people.

They ought not to do it again. Dapat lang, sayang naman ang pinapasahod namin sa kanila. Tumagal pa nga ng ilang oras ang meeting dahil sa kontrata at script reading. Sumasagi pa rin sa isip ko ang project na gustong ipagawa ni uncle sakin. Iyon ang tumatakbo sa utak ko hanggang matapos ang meeting kasama sila.

After the meeting, Jes, my bestfriend came to fetch me. It was 8 pm when she arrives at sakto naman na out ko na rin. Mukha siyang anghel na nag aantay sa lobby ng company namin. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo.

She said we'll be having a dinner at sagot niya raw. Sino naman ako para tumanggi sa grasya,diba?

"Tedi!" she said excitedly. I smiled and immediately went to her and hug her. Napaatras naman ako sa higpit ng yakap niya.

"Jes, grabe naman makayakap parang taon tayong hindi nag kita." Natatawa kong sabi at pati siya ay natawa rin.

"Syempre alam mo namang miss na kita agad. Kamusta ? mukha kang stress ah?" naglakad na kami palabas ng company.

"Stress naman talaga ako araw araw. Ano bang bago?"

"Oo nga araw araw kang stress pero hindi naman pwede na araw araw same problems lang." nakuha ko naman agad ang gusto niyang iparating.

Nang makapasok kami sa kotse niya agad kong kinuwento ang nangyari sa araw ko maliban sa nangyari sa Café. Hindi naman mahalaga 'yon aasarin lang ako ni Jes. Si Jes ang nag drive kaya kahit papaano ay nakapag pahinga ako saglit.

"Bakit ayaw mong tanggapin ang project na binibigay sayo ni chairman? Ang ganda naman ah? Related sa issue ng bansa."

"Exactly, iyan ang bagay na ayokong pakialaman. Galit ako sa ilang politiko pero hindi ako makikialam sa mga issue nila—"

"Dahil natatakot ka?" tanong niya na ikinatigil ko.

"Oo," sagot ko saka tumingin sa kalsada.

"Ano namang kinakatakot mo? Mawala ka sa career mo? Ang masira ka sa mga tao? I know politics can pull some dirty tricks pero hindi ka naman magpapa tumba diba?"

"I just don't wanna deal with them." Simpleng sagot ko.

"Think about it, Jes. You were once a child who needed help and this scoop is about the child who got neglected by the family and governments care."

"Iba 'yung saakin, Jes—"

"Iba nga siguro but you also needed help that time at sila rin."

"Jes, can we not talk about this?" I said calmly. Hindi ko nagugustuhan ang pinatutunguhan ng usapan namin. I heard her sighed and silenced herself.

Naging mahina nga siguro ako nung bata kaya kinailangan ko ng tulong ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng humihingi ka ng tulong pero walang tumutulong saiyo. Nakakapanghina ng sobra kaya siguro naging matigas ako ngayon. Good thing my uncle was there to save me. I owe him a lot. Yet I can't do the favor he asked. Ungrateful piece of shit.

Nakarating kami sa pinaka malapit na restaurant. Agad niyang inorder ang paborito naming dalawa.

"Dito na lang tayo sa loob. Hindi tayo pwede sa labas masyadong mausok." Paliwanag niya sakin. Alam niya kasi sa labas ang gusto kong table lagi.

I just nodded and took my phone out. I just took a picture of her and put it on my story. When I saw her doing the same thing immediately cover my face and she laughed.

"Ang arte naman. Camera shy lang ang peg." Inirapan ko siya.

"Syempre kailangan laging naka anggulo. Ayusin mo dali, isa pa. Iyong maayos naman."

"Sige sige," Tinapat niya sakin ang camera. Pumangalumbaba ako at saka tipid ngumiti.

"Ay, ang havey ni ate." Sabi niya habang nagpoposing ako.

"Syempre, ako pa ba? Duh." Maarte akong nag flip hair. "Kaya nga hindi ako nag artista kasi maagawan ko pa sila ng career."

"Sino ka naman? Si Amihan? Lakas ng hangin mo 'te." Hindi na ko nakasagot kasi dumating na ang order namin.

Pinoy restaurant nga ang napuntahan namin kaya may kasamang toyo at sili saka kalamansi . Sawsawan para sa inihaw nabangus. Siya ang nagtimpla ng sawsawan para sakin.

"Grabe ang toxic ng schedule ko sa hospital ngayong week. Code blue ang trending." Aniya.

"Halata naman pero may oras ka para bwisitin ang umaga ko." Inis na sabi ko.

Tumawa naman siya saka biglang naubo. Para siyang aso habang umuubo. Hinahampas hampas pa niya dibdib niya. Inabot ko ang isang basong tubig sa kanya.

"Doctor ka pa man din pero napaka tanga mo kumain."

"Nabulunan lang naman 'te. Grabe siya oh." I just rolled my eyes.

"Dami kasing pasyente sa hospital ngayon. Puro nga mga na aksidente ang nasa ICU. Sunod sunod pa talaga ang dating nila." Pagkwekwento niya pa. "Tas alam mo, 'te—"

"Hindi pa, ano 'yon?"

"Ito nga sasabihin ko pa lang. Panira ka talaga. Ayon nga diba nga toxic—ay, saan na nga ba ako? Ikaw kasi eh!" sisi niya sakin.

Inosente ko siyang tiningnan, "Anong ginawa ko?"

"Nilito mo ko, hay. Hayaan na nga. Basta ang toxic lang ng week ko. Wala pa din akong tulog na maayos. Mamaya pa ko babawi,"

"Baka di ka na magising niyan ah?"

"Ang ganda naman ng pagkamatay ko kung ganon."

"Oo, lahat naman pinapangarap ang ganong kamatayan."

"Sabagay,"

Pinagpatuloy namin ang pagkain. Hindi nga namin naubos lahat kaya pina take out na lang namin. Ako na nag drive nung pauwi na kami. Hindi na raw niya kaya. Sa Cavite rin naman ang uwi niya. Siya sa Dasma at ako sa Gentri. Nakarating naman agad ako sa village niya. Agad ko siyang ginising.

"Jes, gising na." yugyog ko sa kanya saka tinanggal ang kanyang seatbelt.

Lumabas ako ng kotse saka pumunta sa may pinto ng passenger seat para alalayan siya.

"Hoy! Gising na. Nandito na tayo." Humikab siya saka nag mulat.

"Ang bilis naman." Sabi niya saka tumayo. Muntik pa siyang matumba mabuti at inalalayan ko kaagad.

"Tangina naman nito, parang lasing amputa. Umayos ka nga." Natawa naman siya.

"Doctor eh." Natatawa niyang sabi. Nang makapasok na siya sa gate saka lang ako umalis. Dadalhin ko kotse niya wala naman siyang pasok bukas. Ayoko rin naman mag commute. Wala naman kasing babaeng driver sa gabi.

Paliko na ko sa isang street ng biglang may sumulpot na Siberian Husky sa daan. Agad kong tinapakan ang preno. Halos sumubsob na ko sa steering wheels. Sunod sunod akong napamura saka tinanggal ang seatbelt at lumabas.

"Thank God," naisatinig ko ng makitang maayos ang lagay ng aso. I may be heartless to men but not on Animals. I love them.

I pat the dog's head and the dog immediately softened. So cute.

"Aciel! Fuck!" sigaw ng kung sino.

"Aciel, don't scare like that. You're a bad dog." It was the annoying guy. Hindi niya ata ako napansin kasi busy siya pag tingin sa aso niya.

"Napaka iresponsable mo namang amo. I nearly hit the dog mabuti na lang at napakapag preno ako." Lumingon siya sakin at nagulat pa.

"Oh hi, Miss sungit. Dalawang beses na tayong nag kita ngayong araw. Destiny kaya 'to?" he smirked.

I scoffed. "Destiny your face. Hindi ito ang destiny dahil walang lalaking para sakin. I'm too good to be with useless specie."

"Woah, maka useless ka naman. Tungkol naman sa aso ko hindi ako iresponsable. Sadyang nagbibiruan lang kami ni Aciel. Malay ko bang mangyayari 'to." Paliwanag niya.

"Still you're at fault. Alam mong kalsada 'to at maraming aksidente ang pwedeng mangyari. Hindi ka ba nag iisip?"

"Nag iisip ako ah. Sa katunayan niyan iniisip ko bakit napaka ganda mo parin kahit gabi na." napairap ako sa sinabi niya.

"Whatever. Kung may mangyari man sa aso mo or baka may gasgas siya just let me know." Kinuha ko ang calling card sa wallet at binigay ko sa kanya, "Call me. I can take the full responsibility—"

"Hindi na kailangan pero kung mapilit ka, sige akin na." nakangiti niyang kinuha ang calling card sa kamay ko. May pa simpleng haplos pa ang gago.

"I'm going now." I said and touch the dog gently. "I'm sorry, Aciel." He just barked at me happily.

Nang makasakay ako sa kotse narinig ko pang sumigaw ang gago.

"Mag iingat ka, ganda!" hindi ko na siya pinansin at dumiretso na ko palabas ng village. It just took me 20 mins before ako naka uwi. Ganon lang kalapit ang village ni Jes sa condo ko.

Pag kauwi agad akong naligo dahil pakiram ko ay napaka lagkit ng buo kong katawan. Paglabas ko ng banyo nakita ko ang aking phone na panay ang ilaw. Agad ko iyong kinuha at tiningnan.

24 missed call from unknown number
5 messages from unknown number

Isa isa kong binasa ang mga message.

Unknown:

H!Loxs p03xs cRu$$ h3h3

K4m0$T4 p0eSxHZ

N@kAuW! K@ n4 P0eXsz ?

HeLL0es

P0EXS*

Tangina sino kaya 'to? Napaka jejemon naman mag type. Stalker ba 'to? Isa sa mga fans ng mga artista ko? Buburahin ko na sana ang mga mensahe ng bigla itong tumawag.

Nag aalangan pa kong sagutin pero kalaunan sa pag kakuryoso ay sinagot ko na rin.

"Hello, who's this?" tanong ko kaagad.

"Hi, ganda. Nakalimutan mo agad ako?" nabosesan ko naman agad ang tumawag. Napasimangot ako kaagad.

"Bakit? May nangyari ba kay Aciel?" kalmado kong tanong.

"Oo eh. Miss ka na raw ng amo niya." He said while chuckling.

"Pasabi wala akong pakialam sa amo niyang sugo ng impyerno."

"Grabe naman! Minus point ka sa langit. Paano na lang tayo magkakasama nyan sa langit?" problemado niyang tanong.

"Wala akong pakialam. Kung wala naman masamang nangyayari kay Aciel wag ka ng tumawag. Salamat."

"Teka lang naman—" pinutol ko na agad ang tawag. Napaka walang kwena kausap.

Maya maya nag notif ulit ang phone ko. It was a text message from him.

Unknown:

Oc@k3$ Tul0gG n4 p0 U h3h3

Napangisi ako sa pagka jejemon niya pero agad ko ring sinaway ang sarili ko saka umiling.

"Ang gagong 'yon." Naisatinig ko saka napailing na lang.



---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: finally after a week done na rin. Hindi ko na proofread T.T




The Untold VowWhere stories live. Discover now