KABANATA IV

15 2 2
                                    

CHAPTER 4

OUR night went fine. I can say that we enjoyed the night. Kinda awkward but fortunately it went all good. The food is delicious and the lomi is a nice side dish. Superb ang mga pagkain kagabi.

Nagpumilit pa nga na ihahatid daw niya ko pero hindi na ko pumayag. Masyado ng malalim ang gabi para mang istorbo at isa pa ay kukuha lang naman ako ng damit sa condo saka didiretso sa Batangas.

Mabuti at naka idlip pa ko ng dalawang oras dito sa Batangas.

"Ready na ba sila Xendar at Gill?" I asked the stylist.

"Yes, direk." I just nodded.

"Naka set up na ba lahat?"

"Yes, direk." Everyone gave me a thumbs up. Inutusan ko na ang writer na ipwesto na sila Xender.

"Everyone, ready! 1, 2 and 3 action!" I yelled. Nasa isang tulay sila Xender na kung saan kitang kita ang sunrise. The nice color of the sky blended the scene.

"Alliyah... ikaw pa rin ang mahal ko at mamahalin ko habang buhay," umpisa ni Gill na may madamdaming arte.

Umiwas ng tingin si Xender bilang Alliyah. Itinuon niya ang tingin sa kalangitan.

"Napakasarap pakinggan ng sinabi mo, Gelo. Ang hirap paniwalaan." Mapait na sabi ni Xender.

Tumagal ang scene hanggang 2 oras lang dahil sa pagsikat ng araw. Nag bigay muna ako ang break time para makapag almusal ang mga crew at ng maituloy ang scene mamayang tanghali.

Nag order lang ako ng lomi at pinahatid ko saking cottage. Malamig ang simoy ng hangin sa umaga. Ang sarap pa sana matulog kung hindi lang talaga dahil sa trabaho ay kanina pa ko nakahilata.

"Direk, ito na lomi mo." Inabot sakin ni Rian ang lomi Batangas na hitik na hitik sa sahog. Agad naman akong natakam.

"Salamat, Rian." Sabi ko.

"Saka ano pala,direk. May naghihintay daw po sa labas. Asawa niyo raw."

"Asawa?" tumango si Rian. Napatayo ako kaagad at lumabas. Hindi naman ako nagkamali ng hinala ng makita si Lion sa labas ng resort.

"May asawa ka na pala, direk? Ang gwapo naman niya," kulang na ay hubaran niya si Lion sa paraan ng pagtingin niya.

"Yes, He's my husband." I said firmly and glared at her. Lumapit ako kay Lion na kasalukuyang nakikipag kwentuhan sa mga crew.

"Lion," tawag ko sa kanya. Mas lumawak ang ngiti niya ng makita ako.

"Misis ko!" he went to me and kissed my forehead. Hinapit pa niya ang bewang ko dahilan para masubsob ako sa dibdib niya. Agad akong nakaramdam ng hiya. I can't help but to smell him.

He smell so good and he also look so fucking good. He looks presentable. Maayos na maayos ang buhok niya at napa presko niya tingnan. Plain attire suits him well.

"What are you doing here?" bulong ko sa kanya saka inilayo ang sarili.

"Gusto ko lang mag lomi." Sabi niya. Napataas naman agad ako ng kilay.

"May lomihan sa Cavite at lalo na sa Tagaytay." Takang sabi ko.

Napakamot naman siya ng ulo saka nag iwas ng tingin, "A-Alam ko."

"Sige, mauna na ko." Pagpapaalam ko. Akala ko naman ako ang pinunta niya. Bakit ba pakiramdam ko ay umasa ako? Tanginang 'yan.

Patalikod na sana ako ng haklitin niya ang braso ko.

"Teka lang naman, Misis ko. Samahan mo na rin ako mag almusal." Nagpapa cute na sabi niya.

"May almusal na ko sa loob."

The Untold VowWhere stories live. Discover now