KABANATA III

12 1 2
                                    


CHAPTER 3

THE day seems great and normal of course. I went to the set and shoot some scene then after that my schedule is free. Nandito ako sa Lipa, Batangas dahil dito namin ginawa ang last scene na naka schedule ngayong araw. Kasama ko ang location manager at ang assistant director ko. Ang ibang crew ay nag book ng hotel para magpahinga.

"Direk Tedi, tara po sa lomihan. May alam po akong masarap na lomihan dito." Nakangiting wika ng location manager naming si Rian. Tumango naman ako.

Hindi ako makakatanggi dahil masarap mag lomi ang mga taga Batangas.

"Saan ba iyon, Rian? Malapit lang dito?"Tanong ni Leo. Ang assistant director ko.

"Opo, direk. Nako! Sa sarap ay mapapa wow ka talaga." Masiglang sabi ni Rian.

Parang hindi nauubusan si Rian ng energy. Go na go lagi which is good for her job. Tumingin sakin si Leo.

"Shall we?" inilahad pa niya sakin ang kamay niya. Tinanggap ko naman. Papunta na kami sa parking lot ng tumunog ang phone ko.

Sinenyasan ko silang mauna na lang at susunod ako.

"Hello?" bungad ko. Hindi na ko nag abala pang tingnan ang tumawag.

"Magandang afternoon, Galatea." Napatirik ako ng mata ng marinig ang boses sa kabilang linya.

"What's good in the afternoon? Anyway, what do you need?"

"Kung makatanong ka naman parang sugar baby mo ko ah? Pero sure why not if it's you. I'll gladly call you sugar momma." I could imagine his naughty grin. What the fuck.

"Fuck off, dickhead—"

"Wanna see the dick head?"

"Asshole! Go fuck yourself!" nanggagalaiti kong sigaw sa kanya. Narinig ko ang malulutong niyang tawa.

"Easy, baby. Tumawag lang ako para kumustahin ka. So, how are you?"

"I'm fine and please don't call me baby. I'm not a toddler anymore."

"Ahh, napaka sungit talaga. Kumain ka na ba?"

"Wala kang pakialam dun." Masungit kong sabi.

"Huwag kang papalipas ng gutom ah? Papakasalan pa kita eh." Rinig ko pa ang hagikgik niya.

Tuluyan na siguro siyang nasiraan ng bait. Napailing ako sa mga pinagsasabi niya saka siya binabaan ng tawag.

"Direk, Tara na daw po—" napatigil siya sa pagsasalita si Rian at tinitigan ako. Napataas ako ng kilay.

"Bakit?" tanong ko. Tinuro niya ang mukha ko.

"Namumula pisngi mo, direk. Okay ka lang po ba?" alalang tanong niya. Napahawak naman ako sa pisngi ko saka umiwas ng tingin.

"Sa sama ng loob lang 'to." Sabi ko saka siya nilampasan. Dumiretso kami sa pinaka malapit na lomihan.

Sarap na sarap ako sa lomi lalo na at may chicharon. Nag take out pa nga ako para may makain mamaya. Kinuha ko rin ang phone number nila in case na gusto ko mag pa deliver.

"Tama ka nga, Rian. Napaka sarap ng lomi nila. Hindi nakakasawa at talagang babalik balikan mo." Puring puri ni Leo ang lomihan. Kanina parin order ng order.

"Sana all binabalikan," sabi ni Rian saka tumingin sa lalaking kahero. Nagtitigan pa ang dalawa.

"Rian, tara na. Hindi ba't inaantay ka ni Nardo?" napaubo naman ng malakas si Leo sa sinabi ko. Napatigil naman si Rian.

"Eto ho ang sukli. Pasensya na ho kung natagalan. May nag aantay pa pala sainyo." Masungit na sabi ng kahero. Wala sa sarili si Rian ng makaalis kami.

"Mauuna ka na ba, Tedi?" tanong ni Leo. Tumango lang ako.

"Oo. Sabihan mo ang crew kung uuwi sila ay siguraduhing makakarating sa call time bukas."

"Anong oras, direk?" tanong ni Rian.

"4 am dapat nandito na bukas. Kailangan maabutan natin ang sunrise. 'Yun ang eksena na ififilm bukas." Sabay na tumango lang si Leo at Rian.

Kung minamalas nga naman. May nadaanan pa akong check point sa Amadeo. Sagad sagad pa ang kamalasan wala pa kong dalang lisensya! Naiwan ko pa sa Batangas. Nakaka bwiset naman. Natapik ko ang aking ulo.

Confident ko paring inihinto ang saksakyan. Kinatok na ng pulis ang bintana ng kotse ko. Dahan dahan ko namang ibinaba 'to.

"Hello, Ma'am. Goodevening po pasensya na sa istorbo. Maaari niyo po bang ipakita ang Valid ID niyo saka Driver's license po." Magalang na sabi ng pulis. Kinuha ko ang National ID ko saka binigay sa kanya.

"Lisensya po, Ma'am?" tanong niya. Alanganin akong ngumiti.

"Teka kuya," kunyare sabi ko saka umaktong naghahanap.

"Ma'am, matagal pa po ba?"

"Ah, o-oo eh. Saglit lang."

"Matagal pa ba 'yan, El? Ano ba nangyayari dyan?" napatuwid ako ng upo ng makita ang nagsalita.

Hindi ko alam kung hulog ba 'to ng langit or sugo ng impyerno. Bahala na! kaysa naman maviolation pa ko. Sa kapilyahang naisip ay lumabas ako ng kotse. Nag ipon muna ako ng lakas ng loob saka ngumiti ng matamis.

"Mahal!" masigla kong tawag sa ugok na lalaki. Nagulat naman siya sakin.

"H-ha?" alanganing tanong niya. Nakita ko ang pangalan niya sa kanyang uniform. Pygmalion. Pulis pala 'to.

"Mahal, na miss kita. Napadaan lang ako kasi namimiss ka na namin ni baby." Hinimas himas ko pa ang tyan ko saka yumakap sa kanya. Ang bango naman nito.

Pinanlakihan ko siya ng mata mukhang nakuha naman niyang may problema ako.

"Sir, asawa niyo po?"

"Ah, oo." Sagot niya saka bumaling sakin, "Miss na miss na din kita, Misis ko." Hinalikan niya pa ang noo ko. "Bango bango naman ng sugar momma ko,"

"hehe," awkward akong tumawa.

"Sweet niyo naman po, sir." Kinikilig na sabi ng pulis na tinawag na El.

Bibigwasan ko na sana si Pygmalion ng mahawakan niya ang kamay ko.

"Sige ka, mahuhuli ka nila. You'll have stock violation." Bulong niya saka ngumiti ng nakakaloko.

"Sige, El. Ako ng bahala dito. Alam mo na, asawa thing lang baka masundan pa baby namin eh." Halakhak niya.

"Sige, sir." Nang makaalis siya ay agad akong humiwalay kay Pygmalion. Diring diri pa kong nagpagpag at nagpunas ng noo.

"Ang arte ah. Wala kang lisensya 'no?" he leered on me.

"Naiwan ko sa Batangas." Simpleng sagot ko.

"Tsk tsk tsk." Pagpapalatak niya. "Ang misis ko ay makakalimutin."

"Pwede ba—"

"Hindi pwede."

"Huwag mo kong tawaging misis ko? Kilabutan ka nga!"

"Kinikilabutan naman ako lalo na sa kilig." Kumindat pa siya sakin.

"Kadiri." Bulong ko, "Sabihin mo na lang ang gusto mong kapalit."

"Walang problema,sugar momma." Umakto pa siyang nag iisip. Maya maya ay ngumiti siya sakin.

"Alam ko na. Sumama ka sakin sa bahay." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niyia.

"B-Bakit? A-Anong meron?" nauutal na tanong ko na mas ikininangisi niya.

"Masarap ang meron!" tumalikod na siya at nagpunta sa mga kasama niya.

"Ikaw na ang bahala rito, Pan. Out ko naman na saka naghihintay na sakin si misis." Masiglang sabi niya. Nagsipulan naman silang lahat.

"Walang problema, Col. Salazar." Tumingin sakin si Pan, "Goodevening, Mrs. Salazar." Ngiti niya na sinuklian ko naman din ng matamis na ngiti.

Bahagyang tinulak ni Pygmalion si Pan saka sinamaan ng tingin.

"Misis ko 'yan!" ngumisi lang si Pan kay Pygmalion.

"Tara na nga Misis ko. May buwaya dito na mukhang crocodile." Muntik na kong matawa sa sinabi niya mabuti at napigilan ko.

Lulan na kami ng sasakyan ko. Wala kasi siyang dalang sasakyan kundi ang Ducati niya lang. Iniwan niya na lang iyon kay Pan dahil ayoko umangkas sa kanya.

The Untold VowWhere stories live. Discover now