#HIW13

3.2K 118 43
                                    

Entry 13

"Ayos ka na?"

Nilingon ko siya at tipid na ngumiti. Hindi ako sumagot ngunit hindi niya na rin naman hinintay ang sagot ko. Nagpatuloy siya patungo sa kaniyang sasakyan habang nakasunod ako sa kaniya.

"It's weekend. Paniguradong maiipit tayo sa traffic."

Ngumuso ako at inayos ang sariling seatbelt bago nagsimula ang kaniyang sasakyan na tahakin ang daan palayo ng amusement park. I looked at the side mirror and I suddenly feel the longing for Enchanted Kingdom when I saw the reflection of it. Hindi ko man hilig ang amusement park, I really did enjoy this day with him.

Maybe because I am sad and all I want is to forget the feeling of it even just for a while. Totoong nakalimutan ko kahit saglit ang lungkot na bumabalot sa buo kong sistema ngunit ngayon, pakiramdam ko bumabalik na naman ang madidilim na ulap.

I swallowed the imaginary lump inside my throat and leaned my back on the seat. I was about to close my eyes when Hendrix broke the silence and spoke.

"Huwag mo sabihing tutulugan mo ako sa buong dalawang oras na byahe." He accused.

Ngumiwi ako at umayos ng pagkakaupo. Sinulyapan ko siya at naabutang nanatili ang mga mata niya sa harap ng kalsada. I think I stop breathing for a while when I saw how his face illuminated against the dim lights of his car. Perpekto ang pagkakahugis sa panga at ilong. Mapupulang labi na kahit nakatikom ay tila laging naghihintay ng isang halik.

I looked away when I realized that I've been thinking further again. I never describe someone like that and I don't have an idea why those kinds of words crossed my mind.

"Ano pang gagawin ko?" Bawi ko mula sa pagkakapahiya sa sariling naiisip.

Hindi siya umimik dahilan upang pasimple ko siya muling sulyapan. Nagtagis ang kaniyang bagang at nakita ko ang paglabasan ng ugat sa kaniyang braso nang iliko niya ang manibela.

"Just talk so I won't feel sleepy."

Sumimangot ako at ibinalik ang atensiyon sa labas. Hindi na ako nagulat nang bumungad sa'kin ang tila hindi umaandar na mga sasakyan dahil sa traffic. Hindi naman talaga ako inaantok, I just want to close my eyes because I feel tired.

I smiled bitterly. Kung aabot hanggang mamaya ang pagod ko, would there be a chance I won't have time later for thinking anymore? Dahil gusto ko na lamang matulog ng mahimbing at gumising sa panibagong araw na ayos na ang lahat. But that's always beyond my imagination. Or not really beyond; isa iyong pangarap na pakiramdam ko sobrang hirap abutin. Bakit ang hirap maging masaya?

"Anong sasabihin ko?" Wala sa sarili kong untag.

Binaba ko ang bintana sa aking tabi at sinalubong ako ng pang-gabing hangin. Pumikit ako at dinama ang marahang haplos ng hangin sa aking mukha. What does it take to be completely happy? What does it takes to completely realized that I am worth it? How will these people like me? How will they accept me? Gusto kong malaman dahil pagod na akong maging mag-isa. I just want to fit in their world.

I just want the feeling of belongingness. It's tiring to be alone.

Huminga ako ng malalim at kinurap ang mga matang umaamba ng luha. Funny how someone came and made me realized that I am worth it and loved just to leave me, too, and made me realized again that I am nothing they can be proud of. Or maybe because they always get tired in the process of loving me. Nakakapagod akong kasama... kausap... intindihin... at mahalin.

"Anything. Kung anong gusto mong sabihin."

Inayos ko ang side mirror na bahagyang nadali ng isang naka-motorbike na dumaan sa gilid ng aming sasakyan. Ibinagsak ko ang dalawa kong kamay sa aking kandungan at hinayon ng tanaw ang malawak na kadiliman sa gilid. Walang streetlights sa gilid ng daan at malalaki ang puno sa tabi.

Wild Series #4: Healing in WildWhere stories live. Discover now