Wakas

8.5K 291 152
                                    

Author's Note

Healing in Wild is short because my main purpose in writing this is to talk about mental health. Though I am very sure that HIW isn't half of what depression really is, I want to think that I sort of gave justice to the story itself. Was afraid to write it at first but was also excited. Thank you for reading and know that having mental health issues doesn't make you less of a person. You are still valid, valued, and loved. Seeking help isn't an indication of weakness, it is bravery. And I am proud of how far you have come already. To all the silent battles you face alone, you are powerful. Make those scars your strength. Padayon!

see you next at WILD SERIES #5: Chase The Wild

━━━━━━━━━━━

Wakas

"Where's Kare?"

Mula sa mga damit na inaayos ko ay umangat ang tingin ko sa nagsalita. My cousin, Shall, is walking past me and went straight to my bed. Kadarating lang ng lalaking ito at wala siyang ibang ginawa kundi ang intrigahin ako.

"Her name's Karina." I said coldly.

"Yeah? I know?" Naguguluhan niyang tanong.

Nakita ko ang pagkakasalubong ng kaniyang kilay katulad ko. Nasa labi ang pilit na tinatagong ngisi kaya umiling ako at tinalikuran siya.

"Call her that." Sa malamig na tono ko pa ring saad.

Pumasok ako sa walk in closet dala ang maleta at pumili lamang ng mga damit na dadalhin. Hindi naman ako mahilig sa mga damit kaya kahit pare-parehas ang suotin ko sa isang linggo ay ayos lang. Kinuha ko sa hanger rack ang mga nagsabit na puting tshirt. Kasabay no'n ay ang pagkakarinig ko sa pagsunod ng aking pinsan sa likod.

"I don't know with you, man." Lintaniya niya.

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pag-aayos.

"Sigurado ka na ba?" He asked again in the background.

"Pag-isipan mong mabuti ang gagawin mo, Hendrix. Baka nasasayangan ka lang sa mahabang panahon na pinagsamahan ninyo ni Hermary."

Wala akong balak na kausapin siya dahil alam kong naghahanap lamang siya ng mapaglilibangan at ako napagtripan niyang gambalain. I have no time with his shits because I'm busy. Makikipagkita ako ngayon kay Hermary upang linawin ang ano mang nangyari sa'min sa nakaraan. At gusto kong magmadali dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita si Karina. Nasa loob lamang kami ng iisang bubong ngunit pinilit ko ang sarili na hindi muna siya makita.

Kailangan ko munang ayusin ang problema ko kay Hermary at pagkatapos no'n ay malaya na akong makitang muli si Karina. I know I sound selfish, pero wala akong ibang makitang paraan para makasama ang taong mahal ko. I have loved Hermary but my feelings changed instantly the moment I met Karina.

"What do you mean?" Balik kong tanong at hinarap ang pinsan.

Nakasandal siya sa hamba ng pintuan at nakahalukipkip. Nasa mga mata ang pagsusuri sa ginagawa ko.

"You can't love two people at the same time. Si Hermary pa rin ba talaga ang mahal mo?"

Hindi ako nakaimik sa kaniyang tanong. It's been two years since I first met Karina. At sa loob ng dalawang taon naming pagsasama, hindi ako kailanman nagkuwento sa pinsan ko o kahit kay Danilo ng mga nangyayari sa buhay ko. Ang alam lang nila ay naghiwalay kami ni Hermary at may plano akong makipagbalikan gayong call off ang engagement ko kay Karina.

"Mawawala sa'yo si Karina." He said matter of factly.

Literal na kumirot ang aking puso dahil sa sinabi niyang iyon. Ilang beses akong sinubok ng mundo at pilit na pinapaniwala na mawawala sa'kin si Karina ngunit hindi ako naniniwala. Kahit noong mga panahong ang lahat ng tao ay natatakot na baka bawiin na siya ng Maykapal, nanatili akong naniwala na mananatili siya; na gigising siya. At kahit tinapos ng mga magulang namin ang engagement, naniniwala pa rin ako na hindi siya mawawala sa'kin.

Wild Series #4: Healing in WildWhere stories live. Discover now