#HIW24

3.8K 127 40
                                    

Entry 24

My eyes are wide open. I am staring at the white ceiling I am not familiar with. Ang malamlam na liwanag na nagmumula mula sa ilaw ng silid na ito ang siyang pinagtutuonan ko ng pansin. I can't make my eyes move far from it. I feel like I am paralyzed on the bed I am lying on.

I know what I did. I still remember what I did. I sank myself in the water and drowned myself. But why didn't I die? Bakit sa pagmulat ko ng aking mga mata ay ito ang sumalubong sa'kin? Bakit pakiramdam ko nanatili akong nakaapak sa mundo?

I decided to take my life because that's the best option to do to finally free myself from all the pains I've been feeling since then. Gusto kong huminto sa pagtibok ang puso ko upang hindi ko na maramdaman ang mga emosyong nagpapahirap lang sa'kin na magpatuloy sa buhay. I ended my life because I want myself gone here.

Pero bakit pa ako nagising?!

Kinuyom ko ang aking mga kamay sa bedsheet ng kamang kinahihigaan ko. I gritted my teeth and I can feel my chest tightening again. I never wished to be saved, but why I am still here? I should have died!

Naramdaman ko ang paglandas ng mga luhang akala ko ay hindi ko na mararamdaman sa gilid ng aking mga mata. I drastically opened my eyes and move my gaze to my left. Tuluyan ko nang natanto kung nasaan ako dahil sa pagkakakita ko sa iilang kagamitan sa loob.

A small table beside me and a chair. Malinis at wala ng ibang laman ang buong silid. I am at the hospital room. Kung paano ako nakarating dito ay hindi ko alam.

Tinanggal ko ang nakatabon sa aking kumot at sinubukang tumayo nang maramdaman kong may pumipigil sa'kin. Bumagsak ang tingin ko sa aking kamay at doon ko lang natanto na may nakadikit sa'king dextrose.

My eyes automatically lifted to the dextrose saline. Nagtagis ang aking bagang at walang pasubali kong tinanggal ang dextrose sa'kin. Tinapon ko 'yon sa sahig at hindi ko na napigilan ang walang humpay na pag-agos ng aking mga luha.

Tumayo ako at mabilis na tinungo ang bintana upang mabuksan ito. Sumalubong sa'kin ang mabining hangin mula sa labas at mataas na tirik ng araw. Malinis at walang bakas ng kahit isang ulap ang kalangitan. Maganda ang panahon ngunit hindi ko hiniling na muli ko itong makita.

My heart is bursting into anger. Mas dumiin ang pagkakakuyom ko sa aking mga palad habang malabo kong tinitignan ang kalangitan.

"Who told You that I still want to live?! Bakit hindi Mo na lang ako hinayaang mamatay?!" Galit kong sigaw.

Ilang beses akong nagmakaawa sa Kaniya at humiling na tulungan akong malagpasan ang lahat ng ito pero ni isa sa mga panalangin ko, wala Siyang tinupad. Ni hindi Niya ako pinakinggan at binigyan ng konsiderasyon. Masaya Siya na makita akong nagdudusa.

"Sana hinayaan Mo na lang akong mawala! Hindi Mo ba nakikita?! Pagod na pagod na ako! Kung akala Mo natutuwa pa akong lumaban, pwes, nagkakamali Ka! Pinahihirapan Mo lang ako!"

Pinalis ko ang mga luhang walang sawang naglalandasan sa aking pisngi. Pumikit ako ng mariin at napakapit sa pasimano ng bintana. Nagtaas baba ang aking didbib dahil sa pagsisimula ng abnormal na pagtibok ng aking puso.

"See?! Pagod na ako at ayoko nang lumaban pa! Hindi ba pwedeng kahit ngayon lang pakinggan Mo naman ako?! Bakit Mo sa'kin 'to ginagawa?" Pumiyok ang aking boses sa huli kong sinabi.

Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit sa'kin pa binigay ang sitwasyon na ito? Bakit kailangang ako ang makaramdam nito? Bakit ang dali-dali para sa ibang tao na magpatuloy sa buhay samantalang hirap na hirap ako?

"Sana hindi Mo na lang ako binuhay kung patuloy ko pa rin pa lang mararamdaman 'tong sakit! Sana tuluyan Mo na lang binawi ang buhay ko!"

Malakas akong humagulgol at tumingala. Sinabunutan ko ang sariling buhok at humanap ng hangin dahil naninikip ang aking dibdib. Napaatras ako sa gulat nang bigla ay marinig ko ang marahas na pagkakatumba ng isang bagay sa aking likod.

Wild Series #4: Healing in WildWhere stories live. Discover now