#HIW08

3.2K 109 49
                                    

Entry 08

"Hindi mo kailangang makipag-unahan sa'kin. Iyong iyo na ang paghuhugas ng kalat mo."

Nanlalaki ang butas ng aking ilong na nilingon siya. Naabutan ko siyang kalmanteng umuupo sa mataas niyang stool bar at nag-angat ng tingin sa akin. His charcoal eyes as deep as an ocean gave that sneering look that he's the only one who can give.

I am a recipient of hate and mockery and I always get hurt. Pero ang pinapadama sa akin ngayon ni Hendrix ay hindi sakit kundi galit. Kung paano niya iyon nagagawa dahil sa mapang-asar niyang ngisi ay hindi ko alam.

"Ba't ang sama ng tingin mo? Parang ako pa ang may kasalanan, ah." Angil niya.

Nagtagis ang aking bagang dahil sa pinipigilan kong pagsabog sa harap niya. The nerve of this guy to ask that! Gaano ba kasama ang ugali niya para hindi niya mapansin na may mali rin naman siya sa pagtrato sa akin kaya ganito na lamang ako umasta sa kaniya.

I rolled my eyes and turned my back on him to face the sink. Tinitigan ko pa ng ilang segundo ang tambak na mga hugasin na ginamit ko sa plano ko sanang pagluluto. I am not an expert when it comes to washing dishes but I, at least, know how to do it.

"Marunong ka ba niyan? Baka kailangan mo pa ng tutorial video."

Nanggagalaiti kong binuksan ang gripo at binunton ang inis sa kawali at mga plato. Hindi ko pinansin ang pang-aasar ni Hendrix sa likod ko. I put enough portion of dishwashing soap on the sponge and brushed it first on the plates.

I grew up not learning how to do the household chores. In other terms, I was raised in a princess-way. But I learned how to wash dishes dahil sa tuwing nagca-camping kaming pamilya ay laging ako ang nakatoka sa paghuhugas ng mga pinagkainan at nilutuan. And it's not that hard, I actually enjoy it.

"Ilang manok ang nasunog?" He asked on the back.

Iyan na naman ang mokong sa pagtatanong ng tapos na. Kailan ba siya makaka-move on sa sinayang kong manok niya? Nililinis ko na nga ang kalat ko.

Huminga ako ng malalim at sinulyapan ang malapit na basurahan kung saan ko tinapon ang nasayang na karne. Iyon ang huling karneng mayroon siya sa kaniyang refrigerator. At ayoko mang ma-guilty ay hindi ko mapigilan dahil wala na kaming mailuluto mamaya.

"'Y-Yong huling buong manok ang ginamit ko." Sagot ko at ibinalik ang atensiyon sa paghuhugas ng kawali.

"In other terms, sinayang mo lahat."

Marahas ko siyang hinarap. "Ilang beses ko bang uulitin sa'yo na hindi ko nga sinadya!"

Inihilig niya ang kaniyang likod sa maliit na backrest ng stool bar at nakahalukipkip na tinignan ako sa mga mata. And I don't know why I suddenly get uncomfortable staring at his deep-set pair of eyes. Bumagsak ang tingin ko sa kaniyang leeg at pinanatiling kalmante ang aking pustura upang hindi niya mapansin na hindi ako komportable sa presensiya niya.

"It's easier to say sorry than to shout at me, Kare."

My irises went wide when realizations hit me. Didn't I apologize a while ago? My eyes automatically went to his eyes again and I found his still staring back at me. My heart thuds like there's a marathon inside it. Kung bakit ay hindi ko alam.

"I-" Nautal ako at nakagat ang pang-ibabang labi.

"You what?" Tumaas ang isa niyang kilay at hinihintay ang aking sasabihin.

Madali lang naman akong kausap. Kung ako ang may kasalanan ay hindi ako nagdadalawang isip na humingi ng paumanhin. Pero hindi ko alam at bakit umaahon ang matayog kong pride at nahihirapan akong humingi ng dispensa sa kasalanang nagawa ko.

Wild Series #4: Healing in WildWhere stories live. Discover now