#HIW30

5K 177 66
                                    

Entry 30

I caressed my neck slowly, tracing every mark he left. Kanina pa ako dito sa harap ng salamin ngunit hindi ko magawang alisin ang tingin sa tila namamaga kong leeg dahil sa dami ng hickeys. It looks like I was bitten by mosquitoes.

I untied my hair and let it fall behind. Sinubukan kong itago ang hickeys sa pamamagitan ng aking buhok at hinayaan itong gano'n. Hindi na ako nag-abala pang tapalan iyon ng makeup dahil hindi naman ako lalabas ngayong umaga. Mamaya ko na lang siguro itatago kapag uuwi na ako sa mansion.

I sighed and turned my back on the mirror. Lumabas ako ng bathroom at sumalubong sa'kin ang nagkalat na mga maleta sa sahig. I stared at them. Ang dalawang maleta ay nakaayos na samantalang ang isa ay pupunuan ko pa. I still have things left on the cabinet at iyon ang aayusin ko ngayong umaga bago tuluyang tumulak paalis.

Dumiretso ako sa cabinet at nilabas ang mga natitira kong damit. Bumaba rin ako upang makuha ang mga ni-laundry na damit ko noong isang araw. I returned to the room and spent half of the day packing.

Tinayo ko ang huling maleta at pabagsak na nahiga sa kama. Pinagmasdan ko ang kulay puting kisame. Hindi ko pa nakikita si Hendrix simula kaninang umaga gayong nasa iisang lugar lang naman kami. Alam niyang ngayon ako aalis at hindi ako sigurado kung sinadya niya bang huwag akong makita.

I closed my eyes and let my mind relaxed for a while when suddenly my phone beeped for a message. Nagmulat ako ng mga mata at kinuha sa side table ang aking cellphone. Nagkasalubong ang aking mga kilay nang makitang mensahe iyon ni Behati at gusto niyang makipagkita sa'kin.

Tumayo ako at malapad na napangiti. Si Hendrix at siya lang ang kaibigan ko. And it excites me to think that she wants to see me.

Bumalik ako sa bathroom upang maglinis at mag-ayos ng sarili. I tried to cover the hickeys through the cream I have. Naitago ko naman siya kaya kampante na akong lumabas ng banyo. Tinabi ko muna sa isang tabi ang mga gamit ko at dadaan na lang ulit ako mamaya dito upang makuha. And I still have to bid a farewell to Hendrix... later.

Bumaba ako sa living room ngunit wala roon si Hendrix. Tumaas ang tingin ko sa second floor kung saan ako galing at nagpasyang mamaya na siya kausapin. Lumabas ako ng condo at bumyahe patungo sa coffee shop na sinabi ni Behati. Hindi iyon kalayuan sa condo kaya naman nakarating agad ako. Nagulat pa ako nang makita agad si Behati.

"Am I late? I'm sorry-"

Naputol ang dapat kong paghingi ng paumanhin nang umiling siya at tipid na ngumiti.

"I was just a minute earlier than you. Ano ka ba." She laughed and gestured to the chair in front.

Umupo ako at hinintay siyang makaupo rin. We ordered first before she started the conversation.

"Uhm, kumusta?" Hindi siya komportableng ngumiti.

Bahagyang napawi ang ngiti sa labi ko dahil sa nakitang reaksiyon sa kaniyang mukha ngunit inignora ko iyon.

"I'm good. Nagsisimula na akong magtrabaho sa kompanya." I said.

Nag-iwas siya ng tingin at tumango. Umayos ako sa pagkakaupo.

"Ikaw? Kumusta?" Balik kong tanong, sinusubukang maiwasang magkaroon ng awkward silence between us.

Ibinalik niya sa'kin ang atensiyon. She shrugged. "Ito. Hindi pa rin nakakakita ng matinong trabaho."

Kumunot ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi. Paanong nangyaring hindi pa siya nakakahanap ng trabaho gayong maganda ang credentials niya? Isa siya sa mga cum laude ng aming klase.

"Curiosity is all over your face." She noticed.

Umawang ang labi ko at napangiwi. "I'm sorry..." I paused.

Wild Series #4: Healing in WildWhere stories live. Discover now