Chapter 8

5 0 0
                                    

Kyra POV

Ang mga mata ni Kai ay nanatiling nakatingin sa'kin ngunit hindi ko kayang tumbasan iyon kaya ako na ang unang umiwas ng tingin.

"Pasok kayo," sambit ni dad.

"Hindi na po nakakahiya naman po," mahinhing sambit ni Franz.

Natatawa naman itong binira ni Bry, "Wala ka nun."

"Tuloy na kayo, feel at home." Pagkatapos sabihin iyon ni dad humarap ito sa'kin. "I need to go back again in Manila. Take care of yourself," bilin ni dad. Pagkatapos nun bumaling din siya kay Kai, "Ikaw ng bahala sa anak ko."

"Kai, papasukin mo na muna sila sa loob," utos ko. Gusto ko lang din munang maka-usap si dad bago siya umalis.

"Kailan po ang balik niyo dad?" tanong ko.

"Baka bumalik din ako agad, don't worry babalik ako agad," tipid itong ngumiti sa'kin. "Gusto ko man na manatili dito sa tabi mo pero may tungkulin pa ako na dapat balikan sa Manila."

Kahit na nagseselos ako sa trabaho niya. Yes, I admit kasi dapat nasa tabi ko lang siya or dapat isama niya na lang ako sa Manila so that kasama ko siyang harapin tong mundo ng ganito ang sitwasyon ko. But, I understand na may tungkulin siya na dapat niyang gampanan.

"It's okay dad, I understand."

"Huwag mong pilitin ang sarili mong makaalala, ayokong mahirapan ka at masaktan ka." Bumuntong hininga ito nang sabihin niya iyon.
"Kyra, sana pagbumalik na ang alaala mo once you know the truth behind, sana buksan mo din ang puso mo hindi lang ang mga mata mo. I want you to be free and happy. Huwag mong ibaon ang sarili mo sa mga nakaraan," he said seriously.

Hindi ako nakaimik sa sinabi ni dad. Bakit ang lalim ng mga sinasabi niya? Parang may iba sa kaniya, is it because I confessed what I feel?

Nanlaki ng bahagya ang mga mata ko dahil sa gulat sa ginawa niya.

My dad hug me so tight. Yakap na para bang sinasabi niya na 'okay lang yan malalagpasan mo di yan'. Para akong naiiyak sa yakap niya, ito yata ang unang beses na yinakap niya ko nang ganito kahigpit. Niyakap ko din ito ng mahigpit habang ang mga luha ko ay dire-diretsong tumutulo

His hug was all I need to move forward.

"I love you, dad."

"I love you too, a-anak." Dahil nga magkayakap kami hindi ko makita ang reaksyon ng mukha niya pero base sa pananalita niya para din siyang naiiyak ngayon. "Sorry, sa mga pagkukulang ko. Sorry kasi wala ako nun nung nangyari yun," sa pagkakasabi niyang iyon para siyang dinudurog ng katotohanan. Sa puntong ito umiiyak na din siya kagaya ko.

"D-Dad.."

"It's true I wasn't there. I didn't protect your mom and you." Masakit iyong malaman pero masakit din sa kaniya iyong katotohanang iyon. "I'm really sorry, Kyra."

Hindi ako makaimik masyado din akong nasasaktan but I'm not mad at him.

Nanatili kaming magkayakap, tanging ang pag-iyak lang namin ang nagbibigay ng ingay.

"I'm really sorry," he said with full of emotions. Humiwalay na din ito sa pagkakayakap sa'kin.
"Ayoko man iwanan ka dito pero sa ngayon kailangan muna," he sighed.

"Take care, dad." Tipid ko itong nginitian.

"You too," aniya. Tumalikod na ito saka naglakad. Nang makababa na ito sa maliit na hagdan, humarap mo uli ito sa'kin.

The Truth Behind(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon