Kyra POV
"What do you need?" Dali- dali akong bumaba ng hagdan nang marinig ko ang malakas na boses ni Mommy.
Naabutan ko siyang nandoon sa sala na tila takot sa mga taong nakapalibot sa kaniya ngayon.
Nanlaki ang mga mata ko ng makitang may mga armadong lalaki ang nakapalibot sa kaniya.Pitong mga lalaking nakasuot ng itim mula pang itaas hanggang sa pang ibaba, may takip ang kanilang mga mukha kaya tanging ang kanilang mata lang ang nakikita.
Nang maihakbang ko ang mga paa ko, nagulat ako ng may biglang humawak sa kaliwang braso ko dahilan para mapatigil ako.
"Don't touch my daughter!" sigaw ni mommy sa lalaking hawak ako ngayon. "Ano ba kasi kailangan niyo sa amin, pera ba?" tanong ni mommy sa lalaking nasa harap nito pero tinawanan lang siya nito.
"Kung pera lang, marami kami niyan," aniya.
"Kung hindi naman pala pera ang kailangan niyo, bakit pa kayo nandito?" Lakas loob kong tanong sa lalaking iyon. "Ano ba kasi talagang gusto niyo?" may halong takot pero mas nananaig sa'kin ngayon ang galit sa mga taong ito.
"Ikaw." Kinilabutan ako sa mahinang pagkakasabi ng lalaking humawak sa braso ko kanina. Napatingin ako sa kaniya pero agad lang nitong iniwas ang tingin niya.
"Wh---." Naputol ang sasabihin ko sa lalaking nasa gilid ko ng magsalitang muli iyong lalaking nasa harap ni mama.
"Ang gusto lang naman namin gumanti. Buhay iyong kinuha sa amin kaya ang gusto namin buhay din ang kapalit!" Napaatras ako ng kaunti sa galit na sigaw nito.
Hindi ko maintindihan. Ano ang ibig niyang sabihin? May napatay ba ang mga magulang ko sa pamilya nila kaya ngayon ay nandito sila para gumanti? Hindi ko alam kung ano iyong atraso namin at mas lalong hindi ko alam kung meron nga ba talaga kaming atraso sa kanila.
"Magiging masaya ba kayo kapag may napatay kayo sa isa sa pamilya ko na ang dahilan ay gusto niyong gumanti kahit alam kong wala naman talaga kaming kasa-----." Naputol ang sinasabi ni mom ng sigawan siya ng lalaking iyon.
"Ikaw!" Dinuro niya si mommy bago ako. "At iyang anak mo, walang kasalanan pero iyong putangina mong asawa meron!" Galit na galit na sigaw nito.
Sa mga sinasabi niya ramdam ko iyong galit at pighati. Ayokong isipin na may kasalanan si dad pero hindi ko magawa na hindi ito isipin dahil sa mga sinasabi ng lalaking to.
Baka nga may nagawa si dad sa kanila. Baka nga kaya nandito sila ay para maningil sa ginawa ni dad."Kung ganon, buhay ko na lang ang kunin niyo. Kung kating-kati na kayo gumanti patayin niyo na lang ako ngayon pero pakiusap, huwag sa harap ng anak ko at huwag niyo na sana siyang guguluhin pa."
"Mommy!" sigaw ko sa kaniya. "Kung papatayin niyo siya para niyo na din akong pinatay. So, bakit niyo pa ako hahayaang mabuhay?" walang emosyong sambit ko. Ayoko sa sinabi ni mom, kung mamamatay siya mas mainam na lang din na patayin na lang din nila ako kung ganon ang mangyayari.
"Tara na, wala sa usapan natin ang patayin sila." Napahinga ako ng maluwag sa sinabi ng lalaking nasa gilid ko pero bumalik ulit ang kaba ko ng magsalita muli ito. "Sa ngayon," he added.
Nang maimulat ko ang mga mata ko, kadiliman ang sumalubong sa'kin. Napaupo ako mula sa pagkakahiga ko dahil sa isang panaginip na iyon. Nakadukdok ang ulo ko sa aking tuhod, tanging ang ilaw ng lamp shade ang nagsisilbing liwanag ngayon sa aking kwarto. It felt so real, panaginip lang kaya iyon o part ng alaala ng nakaraan ko?
Napabangon ako sa higaan ko at nagtungo sa kusina para kumuha ng inumin.
"Can't sleep?" tinaas ko ang tingin ko at nakitang nakaupo si Kai sa dinning table.
"Ah, nakatulog kana pala," aniya."Huh?" tanong ko. Ghad, litang ako dahil iniisip ko pa din iyong sa panaginip ko tas bigla-bigla na lang susulpot itong si Kai.
"Halata kasing nakatulog kana kasi may laway ka pa. Akala ko naman hindi ka matulog," aniya.
Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at pasimpleng pinunasan ang magkabilang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki kong daliri. Paulit-ulit ko itong ginawa. Wala naman yata eh, niloloko lang yata ako ng lalaking ito.
"Umupo kana dito. Maganda ka pa din naman kahit na tulo laway ka," he chuckled.
"Tss, inisin mo na lahat huwag lang ang bagong gising."
Tinalikudan ko na ito at kumuha muna ako ng baso saka ako nagsalin ng inumin bago ako umupo sa harap nito.
Pagkasalin ko ng inumin sa baso agad ko itong ininom ng dire-diretso. Napahinga ako ng malalim ng muli kong maalala ang panaginip kong iyon. Should I share this to Kai or to my doctor?
"Nakakalunod naman yun," he joked. Tss, he's trying to ease the amosphere maybe I was too obvious.
"U-Uhmm.. K-Kasi..." Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya iyong napanaginipan ko gayong hindi pa naman ako siguro kung talaga bang panaginip lang iyon o part ng nakaraan ko.
"Its okay," he assured. Tipid niya akong nginitian bago nagsalitang muli, "Hindi naman lahat kailangan mong sabihin sa'kin o sa ibang tao. Minsan mas mabuti na ding sarilihin na lang kaysa i-share mo pa sa iba. Sad to say pero totoo na yung iba makikinig lang sayo pero hindi ka naman iintindihin. Kaya magsabi kana lang sa'kin kapag comfortable ka na at kapag may tiwala kana sa'kin," aniya.
Hindi ako naka-imik sa sinabi nito. Kasi alam kong totoo. Na wala pa akong tiwala sa kaniya.
Inubos niya na iyong kalahating baso ng gatas na hawak niya bago pumunta sa sink para hugasan iyong baso na ginamit niya.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya. Nang matapos niya itong hugasan, humarap na muli siya sa akin saka ako tipid na nginitian.
"Bumalik kana sa pagtulog mo masyado pang maaga," aniya.
Nang pumunta na siya sa kwarto niya, bumalik na din ako kaagad sa kwarto ko. It was 1am baka biglang may magpakita sa akin dito mas magandang ng maingat.
Siguro ramdam ni Kai na hanggang ngayon hindi pa din buo ang tiwala ko sa kaniya.
Kay Ken ko na lang sasabihin ang tungkol sa napanaginipan ko siya naman ang doctor ko.
Bukas naman siya pupunta dito kaya maitatanong ko ang tungkol doon.Nahiga na kong muli para bumalik na ulit sa pagkakatulog. Pinikit ko nang muli ang mga mata ko at humiling na sana kung part ng memories ko iyong napanaginipan ko, sana mapanaginipan kong muli, sana madagdagan na iyong mga nalalaman ko.
Kasi feeling ko ngayon buhay nga ako pero parang patay naman ang pagkatao ko.
BINABASA MO ANG
The Truth Behind(On-Going)
RomanceHindi ko akalain na magiging ganito ang buhay ko. Para akong isang bulag na nangangapa sa katotohanan. If only I knew, maybe I didn't felt this way. ROMANCE|| MYSTERY DATE STARTED: September 25,2020