Kyra POV
Pagkatapos ng nakakahiyang pangyayari sa harap ni Kauis dire-diretso akong pumasok sa loob ng bahay at nagtungo sa kitchen para kumain ng breakfast.
Fried rice, egg, ham and hotdog ang kinakain ko ngayon. Hays, nakakalungkot talaga kumain mag-isa sana pala inaya ko man lang si Kauis.
Hinugasan ko muna ang platong ginamit ko bago magtungo sa kwarto.
I look at the mirror. I'm wearing plain yellow backless top and short. I also wear a brown bucket hot.
Napatigil ako sa pagmamasid sa itsura ko ng makarinig ako ng katok sa pintuan. I apply uptown red liptint before I open the door.
"Tara na," pagyaya ni Kaius. He's wearing plain navy blue boardshort and white muscle tee sando. Tinitigan ako nito na para bang sinusuri ako. "Nagpaganda ka pa." Iniwas niya ang tingin niya. "Eh, maganda ka naman na." Hindi ko na narinig ang huling sinabi nito.
"Huh?" kunot noong tanong ko.
"Ba't nagliptint ka pa?" he asked.
Napahawak ako sa labi ko ng mapansin niya ito. "H-Hindi kaya," I lied. Baka isipin niya pa na nagpapaganda ko para sa kaniya.
"Sus, tara na nga." Tumalikod na siya saka naglakad na. Hindi na ako umimik pa at sumunod na lang ako sa kaniya.
Tahimik kaming pareho habang naglalakad. Tanging ang tunog ng pagtapak namin sa mga tuyong dahon ang nagbibigay ng ingay.
Napatingin ako sa kaniya ng bigla itong tumigil sa paglalakad.
"What?" I asked innocently. Ano naman ang gagawin ko sa kamay niyang nakalahad?
Nanlaki ang mga mata ko ng basta niya na lang hinila ang kaliwang kamay ko saka hinigpitan ang hawak bago muling naglakad.
Magtatanong pa lang sana ako kung bakit niya pa ako kailangan hawakan pero ng makitang kong may mga batong malalaki sa dadaanan namin ay hindi na ako umimik pa.
Hindi niya na binitawan ang mga kamay ko hanggang sa makarating kami sa isang kubo hindi kalayuan sa dagat.
Nahihiya akong tumingin sa tatlong lalaki at isang babae na ngayon ay pinababalik-balik ang tingin sa akin at kay Kauis. Napabitaw tuloy sa kamay ko si Kauis
"Sinno ti kadwam?" napatingin ang isang lalaki kay Kauis na siyang nagtanong. Mas matangkad siya kay Kauis ngunit kapansin pansin na mas maitim, matangos din ang ilong at medyo singit ang mga mata. Bumalik ang tingin niya sa akin kung kanina ay nagtataka ang itsura nito ngayon ay nakangisi na. "Nagpintasin," aniya.
"Kabog yung peslak mo gurl," sambit ng baklang katabi ng lalaking nagtanong kay Kauis sa babaeng katabi nito ngunit inirapan lamang siya nito. Pinagmasdan ko ang itsura ng babaeng kasama nila. Hindi katangkadan siguro mga 5 flat lang ang height niya hindi din naman ako matangkad 5'5 lang ang height ko I think, maputi din siya, bagsak ang hanggang balikat niyang buhok, kung pagmamasdan mo ang kaniyang mukha masasabi mo talagang mataray ang isang to.
"I'm Treyton Reyes, you can call me Trey." Napatingin ako sa kamay niya, nahihiya man nakipagshake hands pa din ako. Mas lalo lang akong nailang ng kinindatan ako nito.
"Sis, tawagin mo na lang siyang Ton-ton" nakangiting sambit sa'kin ng bakla. "By the way I'm Franz," maarteng sambit niya at nakipag shake hands din sa'kin.
"I'm Bry, short for Braylon," sambit ng lalaking nagtanong kay Kai kanina.
"I'm Kyra." Nakangiting pagpapakilala ko sa kanila. Napatingin ako sa babaeng kasama nila, hinihintay kong magpakilala ito ngunit tinignan niya lang ako mula ulo hanggang paa saka inirapan ako.
BINABASA MO ANG
The Truth Behind(On-Going)
RomanceHindi ko akalain na magiging ganito ang buhay ko. Para akong isang bulag na nangangapa sa katotohanan. If only I knew, maybe I didn't felt this way. ROMANCE|| MYSTERY DATE STARTED: September 25,2020