Kabanata 1

39 7 3
                                    


Aia Mei Allaire

Walang lalaki na gugustuhin magkaroon ng babaeng katulad ko. I already know that. Ang mga gaya kong babae ay pang hook-ups lang; hanggang doon lang. Walang matino na magse-settle sa katulad ko. Kaya sinusulit ko ang bawat araw na nararanasan ko ito. Because soon enough, this body that used to bend in pleasure will become a corpse.

Suntok sa buwan kung tutuusin ang tunay na pagmamahal sa mga katulad ko. Ang mga lalaki pa naman mahilig sa virgin kahit sila hindi na virgin. Unfair, 'no? Dapat, a virgin girl deserves a virgin man, too. It’s just, it is too unfair for us.

Women get criticized if we bed a lot of men but they praise men who bed a lot of women?

While walking in the streets, I received a slap from a random girl. My head moved a little but I wasn’t even shocked. It’s natural. I always encounter this kind of situation every day.

"You slept with my boyfriend-" it's not a question, it's a statement.

Mukhang may girlfriend pa ata ang nakuha ko kagabi.

I smirked. "Correction, we didn't sleep- we fucked all night-" she slapped me again.

I deserve it. I know.

"Nakakadiri ka! Wala kang delikadesa sa katawan!" Asik niya sa akin nang may pandidiri sa mukha.

"Really? Well, you should thank me because you wouldn't know if your boyfriend is still faithful to you if we-" sinampal niya ulit ako.

Ang sakit.

"Walang matinong babae ang papatol sa lalaking may kasintahan-" Marahas akong humarap sa kaniya.

"At walang matinong lalaki ang magpapa-angkin sa babaeng hindi niya nobya!" Sigaw ko dito na ikinatigil niya. "I know my wrongs but your boyfriend insisted first! Anong magagawa ko? E, malandi ako kaya malamang ay susunggaban ko! I am not a saint, girl!" Umawang ang labi niya na ikinatawa ko. "Now, you should break up with your boyfriend, he doesn’t love you enough to make him contented. Humanap ka ng lalaking kahit ikulong ko sa kwarto ay hindi ako papatulan... malandi ako pero hindi ko pinipilit kapag ayaw!" Aniko at nilayasan siya.

Hindi ko ininda ang mga tingin ng tao sa akin. Sanay na ako dito at wala nang bago sa akin. Sa higit isang dekada ay laging nangyayari ito. Ano pa ba ang aasahan ko?

Mariin akong napapikit nang may maalala ako. Hindi ito ang plano ko, ayoko ng away, gusto ko na ng tahimik na buhay! Ngayong araw lang! Pinilit ko ang sarili ko na lunukin ang aking pride at balikan ang babae. She raised her thin eyebrows to me and crossed her arms.

"Ang tapang ng-"

"I'm sorry," Aniko na ikinatigil niya. "It's my fault, alam kong may girlfriend pero pinatulan ako; kasalanan ko." Tinitigan ko siya ng diretso sa kaniyang mata.

Her eyes softened. "Why are you suddenly saying sorry? Ang tapang-tapang mo kanina-"

"Because I realize my mistakes, it was my fault-"

"You're right," putol hiya sa sasabihin ko. "Oo, kasalanan mo but my boyfriend has its fault too. Alam niyang may girlfriend siya pero pumatol siya sa malanding katulad mo. Pinagpalit niya ang babaeng matino sa babaeng katulad mo."

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at tila diring-diri pa sa akin.

Tanging paglunok na lamang ang nagawa ko dahil hindi ko masikmura ang mga sinabi niya. Actually, ang hirap lunukin nun. Kinain ko ang pride ko at nagpalait ako sa babaing iyon nang sa gayon ay maging tahimik ang buhay ko kung sakaling lisanin ko ang mundong ito.

Kinuha ko ang maliit ng notebook sa aking bulsa at nilagdaan ng check ang nasa bucket list ko:

✔️ Ask for forgiveness

I'll Make Love To You (Sanrio Boys 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon