Kabanata 4

24 5 0
                                    

Aia

WARNING SENSITIVE SCENE AHEAD

Weeks have passed, and while things still feel tough, I'm trying to find small moments of peace. I sleep and wake up with a sense of unease, but I'm taking it one step at a time. My days feel like a challenging movie, but I'm holding on to the hope that brighter days are ahead. I remind myself that every sunrise is a new chance, and even though it's hard, I'm doing my best to keep moving forward.

I haven't seen Caleb these days. Siguro dahil alam niya wala na siyang atraso sa akin? Iyon naman ata talaga ang dahilan kung bakit niya ginawa iyon. But still, I enjoy. Kahit minsan nasabi ko naman sa sarili ko na naranasan kong makapunta at maka sakay doon. Iyon na rin siguro ang pinaka masayang araw na nagyari sa buhay ko.

I don't know why, but I really felt safe when I was with him. Napaka swerte ng babaeng makkatuluyan ni Caleb.

"Ito na ang sahod mo, may dagdag na 'yan dahil marami ang kita ngayon," napangiti ako ng ibigay sa akin ang sahod. It is supposedly two thousand five hundred pesos, but manang Lourdes makes it three.

Nagpasalamat muna ako bago inilagay sa bulsa ang pera at nagpatuloy sa trabaho. Naiwan sa labas si manang asikasuhin ang mga bumibili habang ako naman ay naiwan sa kusina.

Hindi ko na pinapagalaw si manang sa kusina lalo na at matanda na ito at marami ang gawain dito. Hindi man halata kay manang pero napaka bait talaga nito. She became my second mother, she gave me shelter when I needed a roof, and she gave me bread when I'm craving for a biscuits. Masungit lang talaga siya minsan siguro ay dahil sa katandaan.

Hinugasan ko muna ang mga hugasin at binabad sa mainit na tubig ang mga kutsata at tinidor upang masanitize. Matapos at iniligpit ang mga balat ng gulay na ginayat kanina para iluto. Pinunasahan ko rin ang gilid ng mga lababo upang maging malinis at naghugas ng kamay bago pinuntahan ang mga nilukuto.

Pinagpahinga ko na rin muna si manang at ako na ang tumoka sa labas, para narin makakain siya at maka inom na ng mga gamot niya. Sanay naman na ako na nalilipasan ng gutom kaya ako nalang muna ang magbabantay dito, mukhang wala ring gaanong kakain.

Nang masigurado ko na luto na ang isang putahe ay agad ko itong dinala sa labas upang i-display. Ngunit agad akong natigilan ng marjnig anb pamilyar na sigaw.

"Adobo! Adobo! I want adobo! Here I come, adobo!"

Tila hindi mapigilan ng puso ko na mag harumintando dahil doon. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. What now? Should say 'hi' to him? Should I smile and wave my hand or just act like I didn't know him? Ano ba ang gagawin ko? Sa ilang linggo niyang walang paramdam ano ba dapat magiging reaksyon ko?

Gaya ng dati ay sa labas sila kumuha ng pwesto para kumain. Nagbaba ako ng tingin sa mga ulam nang pumasok ang isang babae at dalawang lalaki na laging kasama ni Caleb.

Namili sila ng mga ulam habang ako naman ay inihanda na ang mga platito at tray na gagamitin.

"What's with Caleb and the adobo. He seems to like it very much," ani ng babae. "Hi, anim na menudo at isang adobo." Tumango ako at agad na tumalima.

"Maybe its one of her ex's favorite?" Ani ng lalaki na naka pamulsa.

Dahan-dahan ang aking naging pagsandok sa adobo habang nakikinig sa kanila. Ayoko naman maging chismosa pero dahil malapit sila ay naririnig ko.

"I doubt, " Sabat ng isang lalaki. "all of her ex likes fancy food, they don't cook adobo in the restaurant -"

"kalalaking tao napaka chismoso, Rhys, paki tanong kung ilang kanin," utos ng babae.

I'll Make Love To You (Sanrio Boys 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon