Kabanata 8

16 2 0
                                    

AIA

Pagmulat ko ng aking mata ay agad na bumungad sa akin ang pamilyar na kisame ng apartment na tinutuluyan ko sa nakalipas na taon. Ang kisame na lagi kong tinititigan sa tuwi-tuwi na— walong oras sa isang araw at limamput anim na oras sa isang linggon. Itinagilid ko ang aking ulo upang makita ang kabuuan ng lugar.

Walang bakas ng ibang taong nakapasok. Gaya parin ng dati ang ayos ng kwarto. Ibinalik ko ang aking tingin sa kisame at mariing napapikita tsaka dahan-dahan na umupo.

Walang buhay na kinuha ko ang listahan sa aking bulsa at nilagyan ng check ang mga nakalista maliiban sa isa.

• Make love with him

I smile wryly and ran my fingers to my hair. Atleast I saw him in my dream. Hindi naman kami totoong magkita ay nasilayan ko naman siya sa panaginip ko.

Sinasabi ko na nga ba at nag-iilusyon na naman ako. Ilang beses ko bang dapat sabihin na hinding-hindi ko na makikita si Caleb? At kung makita ko man siya— malamang ay kasal na 'yun, o 'di kaya'y may kasintahan na.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at mabagal na naglakad para pumunta sa kabinet. Ngayong nabuo ko na ang listahan ko ay masaya na akong mamamatay. Napangiti ako ng makita ang asul na bestida na naka sampay sa kabinet.

Walang ano-ano'y hinubad ko ang aking damit at kinuha ang naka sabit na bestida. Doon na mismo ako nagpalit sa aking kinatatayuan. Kinuha ko ang component na hiniram ko sa isang kong kliyente at pinatugtog ang kanta na kinanta sa akin ni Caleb noon.

"All will be alright in time..." pagsabay ko sa kanta habang hinahayaan na tumulo ang munting luha sa aking mata.

At least before I die, I am surrounded by everything that reminds me of Caleb. His presence is felt in every corner, every memory, and every cherished moment. It brings me comfort and solace, knowing that I have experienced a love so profound and meaningful.

Hindi ko magawang i-angat ang mga kamay ko upang punasan ito. Pinanatili kong pinapatugtog ang kanta habang dahan-dahan na papunta sa banyo kung saan naka ayos na ang lubid na gaamitin ko.

Ngunit ng buksan ko ang pinto ng banyo ay walang lubid na bumungad sa akin. Nilukob ng kaba, takot, at tila kakaunting pag-asa ang buong sistema ko. Pumasok ako sa banyo upang hanapin ang lubid, baka hindi ko talaga natali agad— baka nandito lang sa sulok!

Pero kahit saan ako mag punta ay hindi ko mahanap ang lubid— maliit lang ang banyo ko kaya imposible na mawala 'yon dito!

Lumabas ako sa banyo ay marahas na pinatay ang component kasabay nun ay ang pagbukas ng pintuan. Napaharap ako sa pinto ay natigilan ako ng makita si Caleb na may dalang supot, naka-awang pa ang pinto at natigilan din siya ng makita ako.

"May bagong lalaki na naman si Aia- nakaka diri—" napatalon ako dahil sa lakas ng pagkakasara ni Caleb ng pinto, kapag kuwan ay dumiretso sa maliit na lamesa.

Mapula ang gilid ng kaniyang mga mata. Habang ang kaniyang panga ay nagtiimbagang, tila ba nagpipigil ng galit.

Tatlong beses akong pumikit upang siguraduhim kung totoo ba ang nakikita ko o baka nag-iilusyon nanaman ako. Madalas itong mangyari sa akin Kaya hindi na ako magugulat kung ilusyon nga lang ba. Ngunit kahit anong pikit ko ay si Caleb talaga ang nakikita ko.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at tumayo sa kaniyang tabi. He looked at me from head to toe and chuckled softly.

"You looks good on your dress," He said, complimenting me. "I bought your food-" Inangat niya ang kaniyang kamay papunta sa akin, ngunit umatras ako. Nagtiim bagang siya.

"Nasaan Ang lubid?" I asked him.

Bahagya siyang natigilan, ngunit hindi niya ako sinagot. Kumuha siya ng kutsara at nagsandok ng mainit na sopas. Makailang beses inihipan at siniguradong malamig na bago Niya itinapat sa aking bibig.

I'll Make Love To You (Sanrio Boys 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon