Kabanata 2

26 5 0
                                    

Aia

Nang maka uwi ako sa bahay dala ang pagkain na binili ko sa labas ay agad kong naabutan si mama at tito na nasa sala tila may pinag-aawayan. Nag dire-diretso ako sa kusina at inilapag doon ang pagkain tapos pumunta sa kwarto upang magpalit.

Isang Pajama at loose t-shirt upang mas maging komportable ako maglakad lakad sa bahay. Hindi ko kayang lumabas pasok dito na hindi balot na balot lalo na't nandito ang step father ko.

"Pumayag kana, malaki naman ang halaga non— kikita tayo!"

Pinanlakihan siya ng mata ni mama. "Manahimik ka! Kung gusto mo ikaw ang magsayaw doon! Tang-ina ka!" Napabaling sa akin si mama. "Ano?! Maghanda kana ng pagkain doon!" Sigaw niya sa akin.

Napayuko ako at nagpunta sa kusina upang ayusin ang lamesa. Matapos ay tinawag ko sila upang kumain na.

"Mei... kailangan ko na ng pera, may sahod kana ba?"

Bumagal ang pag nguya ko. "Sa sunday pa ma, pero bukas susubukan kong bamale—"

"Ay hindi!" Putol niya. "H'wag kang babale! Ayoko ng kulang-kulang ang maibigay mo sa akin sa linggo!"

Biglang nagsalita si tito. "Sabi ko naman sa 'yo ipasok natin s'ya dun—"

"Tang-ina Manny manahimik ka r'yan baka gusto mong masungalngal kita mg tinidor." Banta ni mama na ikinatigil ng asawa niya.

Inismiran siya nito kapag kuwan ay tumitig sa akin ng malagkit. Nagbaba nalang agad ako ng tingin at binilisan ang pagkain. Bago pa ako matulog ay naglinis muna ako ng bahay dahil hindi ko ito nagawa kanina. 

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Maagang nagbubukas ang pansiterya nila manang Lourdes kaya kailangan ko ring maagang pumasok.

"Papasok kana?" Nagulat ako ng mabungaran ko sa tapat ng pinto si tito. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Mag-ingat ka, a? Wag kang papalagyan ng peklat sa balat mo—"

"Makikiraan po, tito. Mala-late na ako." Aniya ko.

Ngumiti siya ng nakakaloko bago gumilid. Naramdaman ko pa ang kamay niya sa dulo ng mahaba kong buhok dahilan upang binilisan ko ang paglalakad.

Bumuntong hininga ako ng makaalis ako sa bahay at pinilit na huwag umiyak. Sawang sawa na ako sa kalagayan ko. Ayoko ng araw-araw nalang akong takot sa labas maging sa loob ng bahay; wala akong kaligtasan kahit saan ako mag punta.

Bakit ba nangyayari sa akin ang ganito? Hindi naman ako naging masamang tao. 

Gusto kong pumunta sa lugar malayo sa kalagayan ko ngayon. Gusto ko maramdaman ang maging ligtas. Gusto kong magpaka layo-layo at iwan ang mundong nakagisnan ko. Pero ano naman ang magagawa ko? Kung may pera lang sana ako ay matagal na akong umalis sa lugar na ito.

Perks of being wealthy,  they can do whatever they want to do. They can go somewhere without a fear of getting lost in life. I really envy them. 

They are able to say that money doesn't matter because they have money for their necessary needs. But for us, poor people who doesn't have money for our necessarily needs, money is always a matter.

"Mei, dalhin mo ito sa lapas may umorder ng marami— dalian mo!" Utos ni manang sa akin na tila natataranta na.

Nangunot ang noo ko ng makitang walang laman ang platito. Bumuntong hininga ako at hinawakan ang magkabilang balikat ni manang.

"Manang, easy lang kayo, okay? Huwag kayong mataranta! Walang laman ang plato!"

"Walang lamang?!"

"Wala, po!"

I'll Make Love To You (Sanrio Boys 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon