Aia
"Balita ko may naghatid sa'yo dito kagabi, bigatin daw?" Tanong ni Tito Manny sa akin nang maabutan akong nag-iigib sa poso.
Binilisan ko ang pagposo upang mabilis akong maka-alis. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang. Hindi ko naman kailangan magpaliwanag sa kaniya dahil hindi ko naman siya tatay. Isa pa, hindi na dapat madamay si Caleb dito dahil hindi naman na kami magkikita pa.
"Kung papatulan mo 'yun, yayaman tayo—"
"Hindi ko po siya balak patulon 'to, nagmalasakit lang po ang tao." Sabi ko.
"Aba, may gusto 'yun sa 'yo, sa ganda mong 'yan? Panigurado magkakandarapa ang lalaking 'yun sa 'yo kahit pa madumi ka—" marahas akong tumayo at binuhat ang timba ng tubig papunta sa bahay para dalhin sa banyo.
Hindi ko gusto ang pera ni Caleb, ang gusto ko lang ay maka-alis sa lugar na ito. Ang gusto ko lang ang mabuhay gaya ng ibang tao.
Isa pa, sa yaman niya malabong magustuhan ako ni Caleb. Maraming magagandang babae sa school nila, mayaman, disente, matalino at kayang-kaya niyang ipagmalaki sa buong mundo. Iyong mga ka-level niya. Hindi katulad ko na isang mahirap, marumi, at mababa ang pinag-aralan.
Inayos ko ang t-shirt na puti na nagiging dilaw na sa luma at ang kaisa-isang pantaloon na meron ako. Kailangan kong pumasok ngayon dahil sa makalawa ay sahod na.
Gaya ng dati ay marami ang kumain sa karinderya ni Manang, walang bago doon. Masarap naman kasi talaga ang mga ulam dito kaya hindi na ako magtataka kung patin ang ibang school ay dumarayo dito.
Binalot ko ang mga basura sa itim na plastic at dumaan sa likod upang itapon ito sa basurahan.
"Hello, Ai—"
"Ay!" Napasigaw ako sa gulat ng may sumalubong sa akin. Nabitawan ko ang mga basura. Napahawak ako sa dibdib ko.
Ang naka ngiting mukha ni Caleb ay napalitan ng pag-aalala at guilty.
"I'm sorry—"
"Okay lang," aniko.
Walang tigil sa malakas na pagtibok ang puso ko ngunit nagawa ko paring buhatin ulit ang bag ng basura.
"Ako na r'yan—" akma niyang kukunin ang bag ngunit agad ko itong naiwas.
"Hindi na, trabaho ko ito. Tsaka, madumi baka madumihan ka." Nagtuloy ako sa paglalakad hanggang marating ang trashban. Pero si Caleb ay naka sunod parin sa akin.
Wala bang pasok ang isang 'to? Naka uniform pa siya at bitbit pa ang leather briefcase sling bag niya.
Bahagyang nanlaki ang mata ko sa naisip. Marahil ay nag cutting ito! Kita mo nga naman ang mga mayayaman nagsasayang ng pera. Buti pa nga sila nakakapag-aral!
"Wala ka bang klase? Bakit ka nandito?" Pagsusungit ko.
Nang makita niyang nahihirapan ako sa paglagay ng basura ay tinulungan niya akong buhatin iyon para mapasok sa basurahan.
"Meron, kaso break namin." Ngumiti siya na hindi labas ang ngipin.
"Break? Kakain ulit kayo dito?"
"Ah, actually I am the only one here. Nag kanya-kanya ang iba. Charlie and Mavi probably in arcade. While Rhys and Ralter on the coffee shop and The two." Inilagay niya ang kaniyang kamay sa baba at umambang nag-iisip. "I think they went to library." Aniya at ngumiti ulit.
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
Biglang sumiglang ang mga mata niya. "I'm here for you! Aayain kita—"
BINABASA MO ANG
I'll Make Love To You (Sanrio Boys 2)
KurzgeschichtenAia Mei is not just a simple girl, they often call her names-slut, or bitch-because of her job. But how can anyone judge when they don't even know her story? She tried to fight the urge, but it was too powerful to resist. Aia Mei is not just any gir...