Content warning!
This prologue includes violence. Please read at your own risk.
***
SA GABAY NG SINAG NG BUWAN NA SUMISILIP SA ISANG KUWARTO, rumepleka ang anino ng isang tao patungo sa kabuuan ng silid. Mula sa carpet ng sahig, nagkalat ang mga duguang katawan na pinaslang nito.
"H-Halimaw—"
Walang lingun-lingong ipinaputok ng pigura ang hawak nitong revolver sa bungo ng nakahilatang assassin na nagtangkang umabot ng pistol sa gilid ng kanyang mga mata.
Pinakatitigan niya ang mga sabog na lamang loob na nakabalandra sa pader, kisame at sahig ng paligid hanggang sa matanaw niya ang mga nanlalaking matang nakatingin diretso sa kinatatayuan niya. Her blue eyes remained empty as she continued to stare at the boy peeking through a crack of the closet in the corner of the room.
Sa pagpatak ng orasan sa alas onse ng gabi, bumulagta ang pinto ng kuwarto at inuluwa roon ang humahangos na porma ng lalake. Gusot-gusot ang suot nitong polo at nagsihabulan pababa ang mga pawis sa katawan nito. Nabato ito sa kinatatayuan nang maabutan ang kumpol ng mga bangkay sa silid. "What the heck happened here?"
"Daddy!"
He snapped back to reality when the sound of his son's cries resonated somewhere in the vicinity. When the man entered the lightless room, he didn't notice the faint frame of a woman hiding in the cover of darkness and walked passed her. Kaagad itong kumaripas sa direksyon ng anak na lalaki at inalabas ito mula sa aparador.
"Shh. Daddy's here." Yinakap ng ama ang nanginginig na anak at pilit itong pinatahan sa loob ng kanyang bisig. Kumunot ang noo niya nang bigla-bigla'y tumigil na sa pag-iyak ang bata.
Nang tignan ito'y nakataas na ang isang braso nito habang nakaturo sa madilim na parte ng kuwarto. Maya maya'y nagawi ang mga mata niya rito. Nahigit niya ang sariling hininga. Kasabay niyon ang paghina ng kanyang mga binti sa hindi maipaliwanag na kaba. The paralyzing horror of being stared down by the grim reaper dominated him.
"Shinju Reiko."
Tila hinipan ng malamig na hangin ang kanyang likod nang maaninag ang mukha ng nagsalita — mukha na galing sa taong matagal na niyang inilibing sa kinailalimlaliman ng memorya niya. Hindi niya magawang tumitig dito nang matagal at umiwas din ng tingin.
'No. P-Patay na siya. Pinatay namin siya!'
More and more sweat dripped down from his temple.
'I-Imposible. Nakakasigurado akong nakita ko ang paghugot nila sa tumitibok niyang puso no'ng gabing 'yon. She was even left with a defected heart, wasn't she? How the hell did she survive that?'
"I-Ikaw... Pero p-paanong... buhay ka?"
Hindi nagsalita ang huli kaya'y mas lalo pa siyang kinabahan. Countless possibilities of being killed by the woman ran wildly inside his mind. For he knows this day could come. Alam niyang ito ang gagawin ng babae sakali mang makatakas ito mula sa Elysium Outpost.
Killing the responsible ones who made her a monster.
Nahugot pabalik ang lalaki mula sa kanyang malalim na pagkakaiisip nang may makapa siya sa may bandang bulsa.
'Shit! Why didn't I push it even before I entered this fucking room?!'
He'll be sure to alert the headquarters and make them salvage this woman in front of him once again.
Just one push and he'll be able to get out of this nightmare— "AHHHHHHHHHHHH!"
She aimed her gun right at his palm even before he could even fish the emergency button out of his trouser. The man gritted his teeth in pain.
Gazing upon him through a dimly lit frame, the figure finally spoke, "Nandito ako para patayin ka."
The frightened man tried to a laugh. "You can't possibly kill a man in front of a child, or worst, his son."
Namayani ang nakakabinging katahimikan sa silid. Hindi kalauna'y namayani ang seryosong boses ng anino. "Talk about the man who stripped and shot a woman in the middle of the streets."
A sick twisted grin marked Reiko's face. "YOU DESERVED IT BITCH—"
Kumawala ang matinis na sigaw mula sa batang lalaki. Sumaboy na parang gripo ang tumatalsik na dugo sa maliit nitong mukha matapos pasadahin ng hindi maaninag na anino ang hawak nitong machete sa braso ng ama. Nanlalaki ang mga matang napatingin si Reiko sa putol nitong kamay sa paanan ng carpet. Nang makita ang sariling braso na wala nang magkadugtong na laman, impit siyang napasigaw sa sakit. Nabitiwan niya ang anak at nagpagulung-gulong sa duguang sahig.
"UGHHHHHHHHHHHHHHHH! YOU PSYCHO WITCH!"
A faint smile dawned upon her face. In a blink of an eye, she made it through behind the man's back. Slowly, she raised the machete with both of her hands and was about to make a fatal blow when an unexpected thing happened.
Umalingawngaw bigla ang malakas na pagdagundong ng alarm system ng mansyon. Inikot niya ang paningin hanggang sa tumigil 'yon sa bulto ng batang lalaki na hawak-hawak ngayon sa maliliit nitong mga kamay ang emergency button. Bagama't nanatili ang takot sa maamo nitong mukha, pilit itong tumindig nang tuwid habang nakatitig sa kanya.
Mabilis na gumalaw ang pigura at nakarating sa nakabukas na bintana.
"He won't let you get away with this...
Eleusine."
Mahigpit na kumuyom ang mga kamao niya nang maulinigan ang paos na boses sa kanyang likuran. Dumausdos na siya pababa sa kalapit na puno at dumiresto sa madilim na eskinita hanggang sa unti-unting nawala ang kanyang pigura sa kailalimlalimang anino ng buwan.
BINABASA MO ANG
ELEUSINE
Action[THE VALKYRIE SERIES] Eleusine is a girl from nowhere. Arriving in the most dangerous lair of gangs and dark organizations in the Philippines, she is hastily put on a razor's edge among the crossfire of gangsters, mafiosos and everyone in between. A...