[Chapter 2.1] The two shadows

338 0 0
                                    

Third Person's POV

Mag-iisang linggo na no'ng mangyari ang gabing 'di inaasahan ni Angelo. Bigla na lang lumitaw ang isang misteryosang tauhan sa pintuan ng boarding house nila.

Nasa tabi si Angelo ng bintana ng kuwarto niya habang inoobserbahan nang maigi sa ibaba ang bagong tenant. Nasa labas ito ngayon habang dinidiligan ang mga halaman ni Aleng Ria gamit ang tabo at timba.

Napailing-iling siya sa sarili at inis na bumuntong hininga sa hangin. He could have sworn he saw a pair of blue eyes that night. Imagination lang ba 'yon? All he sees were her brown orbs. They didn't change since then.

Suddenly, he remembered the embarrassment he felt the moment the girl set foot in the living room. Tumameme lamang siya sa gilid habang tipid itong nagpakilala sa kanila. Nagpresinta rin ito ng ilang IDs upang beripekahin ang sarili nito sa mga taong nandoon.

No one objected afterwards, so she was very much welcome to stay. He was so tongue-tied that both Jiro and Katie started to mock him using secret glances. He swore it annoyed him even up until this day. Aside naman sa kanya, tahimik din ang asong Nina na ipinagtataka niya.

Para sa kanya, masinop naman ang bagong salta sa pagsunod sa mga patakaran ng boarding house. Hinuhugasan nito ang mga pinagkainan, nagboboluntaryo sa pagtapon ng basura sa kabilang barangay, at kusa ring nagdidilig ng mga halaman tuwing umaga kagaya na lang ngayon.

"Bakit ko ba siya iniisip?" Bigla'y kinalabutan siya sa sarili. Mag-iisang linggo na rin itong kahibangan niya sa pag-oobserba sa babaeng 'yon.

"Hoy! Ba't kinakausap mo sarili mo?"

Napaayos ng tayo si Angelo at humarap sa kakarating na si Jiro. Naka-uniporme na rin ito gaya niya. "Ha? Hindi 'no."

"Aysus, nagmaang-maangan ka pa d'yan! Alam ko na kaya ang weird na ugaling 'yan. 'Yon bang kinakausap mo na lang bigla ang sarili mo. Inlab ka 'no? Sino ba 'yang nasa puso't isipan mo?" Nilagay ni Jiro ang kamay sa dibdib niya at nag-akto na tila ba'y sumasabay pa sa mga pintig nito.

Weirded by the actions just now, Angelo shook his head and removed Jiro's hands away from his chest. Gusto niyang batukan ang kaibigan, pero naalala niyang umagang-umaga pa't baka pagsakluban siya ng mga nakatinging anghel sa paligid. Baka malasin pa siya.

"Uy, si Teresa 'yan 'di ba?"

Hindi niya namalayang sumilip na pala sa nakabukas na bintana ang pasaway na kasama.

"Ang putla-putla talaga niya 'no? Halatang taga-syudad. Ano nga ba'ginagawa ng taga-syudad na katulad niya dito sa barangay natin?"

"Ewan. Bakit siya  tanungin mo? Ako ba siya? At Terese, hindi Teresa." Umirap si Angelo at kinuha ang bag mula sa kanyang kama. Matapos ay isinukbit niya ito sa kanyang likuran. "Pinagmumukha mo siyang santa."

"Bakit naman hindi? Mukha naman siyang santa ha?" Ngumuso si Jiro at napangiti sa sarili. "Para nga siyang anghel, eh." Hindi kalaunan ay sumunod na rin ito sa papalayong pigura ng kaibigan.

"Teka. Siya 'yong tinitignan mo kanina 'no?"

"Tss. Hindi. Tara na. Baka ma-late pa tayo."

"Wew. Siya nga! Sino pa ba ang nasa baba?"

"Hindi nga. Bahala ka d'yan sa buhay mo."


***


PAGKATAPOS MATANAW ANG PAPALAYONG PIGURA nina Angelo at Jiro sa 'di kalayuan, iniligpit na ni Terese ang tabo at timba saka pumasok sa loob. Inabot niya ang may takip na plato mula sa ibabaw ng refrigator at kumain nang mag-isa sa maliit na hapagkainan. Hinanda ito ni Aleng Ria kaninang madaling araw pa lamang. Kinagawian na raw talaga ng ale na maghain ng makakain tuwing umaga para sa tenants. Bagaman at hindi sinasagot ang pagkain sa mga gastusin sa lugar, iginiit ni Manang Ria na lahat ng nasa boarding house niya ay pwedeng kumuha ng kaperaso mula sa kanyang mga niluto bago ito ibenta sa palengke.

ELEUSINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon