[Chapter 3.2] - In the distance

455 1 0
                                    

Nixon's POV

"Stop recording the shit out of me, Nix."

Hindi ko pinansin ang saway ni J at z-in-oom ang camera sa mukha niya. Napabulalas ako ng tawa nang wala sa oras. Nahagip kasi ng cam 'yong buhok ng tungki ng ilong niya.

"Anong mapapala mo kaka-video ng gwapo kong mukha, Nix?"

Gusto ko ulit matawa sa ekspresyon ni J. Galit na galit, gustong manakit. Kulang na lang yata lumabas ang mga usok sa mga butas ng ilong niya.

"Pfft— wala, wala..." kagat-labi kong sambit habang sinisilid sa slingbag ko ang VHS camcorder. Ang sakit pala sa tiyan kung magpipigil ng tawa.

"Stop it, you two." Ike spoke from behind us.

Nang lingunin ko ito ay bumungad sa akin ang napakaseryosong mukha nito. Bakas pa rin sa pisngi niya ang suntok na pasa kagabi. Katabi ni Ike si Kouta na kanina pa tahimik. Napangisi na lamang ako at iling-iling na binalik ang tingin ko sa unahan. Binabaktas namin ngayon ang hallway on the way sa Nurse's Office. 'Di na namin nakita si lider simula kanina.

"Ang bababa talaga maglaro ng Black Mamba Gang," usal ni Jonathan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang bababa talaga maglaro ng Black Mamba Gang," usal ni Jonathan. "Ambangan ba naman tayo kung kailan napapaligiran si Seven. Tss."

Tinawan ko na lang ito. "Huh. They've grown brains, to say the least."

Sinimangutan lang ako ng ulol pero ngumisi rin nang 'di ko inaasahan. "Hindi pa rin ako makapaniwalang may nakabasag sa mukha mo. Lol."

S'yempre hindi rin ako magpapahuli

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

S'yempre hindi rin ako magpapahuli. "Sino ba ang tumilapon sa ating dalawa nang sipain ni Cobra? Hindi ba ikaw?" Sabay belat ko sa kanya.

"Hindi ba kayo nahihiwagaan?" Napatingin ako kay Ike. "Nawala na sa eskinita ang mga kalaban natin nang magkamalay tayo kagabi."

Ngumuso si J. "Oo nga 'no? What the heck happened while we're out?"

"Hindi ba si lider?" sagot ko. "Baka binantaan niyang pasasabugin ang kuta ng BM Gang kung hindi nila tayo tatantanan. I mean he does have the power to do that. That's how the organization works, right Kouta?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 3 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ELEUSINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon