[Chapter 1] Girl in the rain

299 0 0
                                    

Angelo's POV

"Pesteng brown-out 'yan! Kung kailan umuulan, d'yan pa walang kuryente!"

Bahagya akong napangisi at umiling-iling sa mura ng kabitbahay namin galing sa tapat ng boarding room. Tama nga naman.

Isa ang barangay namin sa napupuweryso nang malaki kapag merong electric outage. Bukod sa maituturing na squatter ang area namin dito, malapit sa ilog ang aming puwesto kaya problema din ang baha o hindi kaya naman ang paglabasan ng mga literal na peste bago ang pag-ulan. 

May kalakasan ang ulan ngayong gabi kaya mainit ang ulo ng karamihan sa mga tao. Well, maliban sa'kin. Binabasa ko ngayon ang paborito kong comic: The Old Guard. Nasa tabi ko ang mainit na kape at nandiyan din ang EDM drops sa phone ko para sabayan ako sa gabing 'to. Gamit ang isang paa, pasimple kong itinulak ang maliit na balde sa banda kung saan may tulo ng ulan at nagpasak ng earphones.

Ang cool ni Andromache. Pero may bayad ang pagiging imortal niya. Hinahabol siya ng mga laboratory companies para pag-experimentuhan ang mga kagaya niya. Kaya kailangan niyang magtago pati ang kanyang mga kasamahan para hindi mabunyag sa buong mundo ang lihim nila.

Posible nga bang may immortal sa mundo? Kung hindi naman, may iba kaya na may powers na 'di pangkaraniwan? Kahit hindi na ako mabuhay panghabang buhay, basta marunong lang akong mag-martial arts, okay na ako do'n. Hindi naman lahat ng bagay sa mundo mapapasa'tin eh.

Patapos na sana ako sa binabasa kong chapter nang may kumatok sa pinto mula sa labas ng kuwarto. Napabuga ako ng hangin at tinanggal ang earphones sa magkabila kong tenga. Puwersahan akong napabangon sa kama at binuksan ang pinto.

Bumungad sa'kin ang nakakainis na mukha ng boardmate at distant cousin ko rin na si Katie. May suot pa itong facial white mask habang nakaharap sa'kin. Nagmukha tuloy white lady sa dagdag na porma nitong white gown. Sa aming dalawa, siya ang nakakatanda at mas matagal na tenant dito sa boarding house na tinutuluyan namin.

"Tumulong ka sa pag-alis ng mga tubig-baha. Call time na trabaho nila Erik at Anya kaya 'yon sumibat na. Pinakiusapan ko na rin si Jiro. Hindi rin ako pwede kasi may sugat ako sa paa, baka magka-leptospirosis."

"Pinasukan nanaman tayo?" tanging usal ko.

"Akala ko nga hindi na eh. Sabi ni mayor napaayos na raw ang dike dito sa lugar natin. Parang wala namang nangyari."

Iniyukom ang mga kamao ko nang marinig 'yon. "Tabi." Hinawi ko ang distansya sa pagitan namin at dumiretso sa hagdanan.

"Peste ka rin 'no? Matuto kang mag-excuse me!"

"Since hindi ka rin naman pwedeng tumulong, puwes sagutan mo na lang 'yong assignment ko sa Trigonometry. Black bag. Red notebook. Bukas na ang due, kaya simulan mo na ngayon!" pahabol ko.

Nagsinungaling ako. Biyernes next week pa talaga ang deadline n'on.

"Pakihipan na din ng kandila ko sa kuwarto!" huling dagdag ko at dali-daling bumaba na may pilyong ngisi sa labi ko.

"Angeeeloooooooooooo! Ughh!"

***


Third person's POV

"Ang 26-anyos na CEO ng isang firearm business na pinangalanang si Reiko Shinju ay natagpuang patay sa kanyang tahanan kahapon ng alas-dose ng gabi sa Jewel Street sa Shinju Heights Subdivision, Makati City."

"Ayon sa police interview, nakita ang business tycoon na may putol na braso at isang nakadiing bala sa ulo. Kasama sa mga pinatay ang isang kasambahay at sampung iba pang mga tauhan ng pamilya. Ang mga biktima ay binaril o hindi kaya nama'y nagkalasug-lasog ang mga katawan nang makita sa pinangyarihan ng krimen."

ELEUSINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon