[Chapter 2.2] - No easy way out

160 0 0
                                    

Content warning!

This chapter includes violence. Read at your own risk.

***

Her POV

Hinugot ko ang kumpol ng pera sa deposit slot ng isang ATM machine saka binulsa 'yon sa'king jacket. I lifted my hood and entered an alley. Natanaw ko na ang labas ng eskinita nang bigla na lang pumintig ang pulso ko sa kamay. I paused on my feet and heightened my hearing. 

Somewhere in the area, I heard footsteps. I hid my presence in a dark corner of the alley blocked by a pile of boxes. Napansin ko ang tatlong lalaki na kumakaripas ng takbo mula kung saan. Humihingal ang mga ito habang patuloy na lumilingon sa direksyong kanilang tinakbuhan.

They were chased. Tough luck if they were.

The other side of the alley is a dead-end. It's where I came from.

I stood on guard when I heard another footsteps closing in.

"Nandito lang pala ang mga putcha!" May bago na grupo ng mga kalalakihan ang dumating. Merong dala-dalang baseball bat ang kalahatan sa kanila. A riot, it seems.

Naghanda sa kanilang kinatatayuan ang tatlong lalake mula kanina. Umatake sila nang sabay-sabay. Two of them were able to put down seven opponents, yet they were still outnumbered and beaten down.

The other one was fighting his way through. In the end, he was hit by some guy with a baseball bat right on his back. Sinandal ko ang likod ko sa pader at hinintay lang matapos ang bangayan.

"Tss. Mga weak! Tara na. Wala dito 'yong putchang lider nila."

I sighed when I heard the footsteps of the group going away.

"Teka, sandali lang!"

Kumunot ang noo ko.

"Eh pinahiya ako ng lider ng mga 'to mula do'n sa entrance ng eskuwelahan natin. Tawagin ba namang duwag ang BM Gang?"

"Pucha! Ba't hindi natin tuluyan ang mga galamay para naman malaman ng gagong lider nila kung sino ang binabangga niya?"

Nanlaki ang mga mata ko nang maglabasan ang mga ito ng mga matutulis na cutter mula sa mga bulsa nila. There's even a knife.

I sighed, deeply this time. They were just a bunch of kids short while ago. Now they have to do this. There's no easy way out of this, huh?

I counted their number before withdrawing from my hiding place.

The gang were all facing opposite from my direction when I yanked one of them from behind. Bumulagta kaagad ito sa simpleng pagwalop ko sa leeg nito. By the time I subdued the second one, the group have already noticed my presence. They acted fast, and so did I.

Sinipa ko sa mukha ang papasugod na lalaki sa gilid ko. Nagtangka pa itong mangsaksak pero maagap ko ring nasalo ang kamay nito. Malakas ko itong binalibag sa lupa pagkatapos. Huli na nang maramdaman kong may natanggal mula sa katawan ko nang gawin ang galaw na 'yon. 

Sinubukan kong pulutin ang nahulog kong jacket sa lupa nang sugurin ako nang sabay ng mga miyembro ng gang. Siniko ko ang buto-buto ng kung sino at itinulak ang katawan nito nang malakas. Nadamay pati ang tatlo nitong kasama sa likuran. They all tried to get up, but I already face them midway with a gun in my hand.

"You should've gone while you can."

Sinubukan nilang lumapit pero tumigil din nang kalabitin ko ang gatilyo. Itinutok ko 'yon sa lider nila. Fear registered on his face.

"S-Sino ka?"

My blunt eyes met his as I shot his left foot.

"Pakshet!"

"Hindi mo gugustuhing malaman." Tinitigan ko ang iba pa nitong miyembro sa likuran. "Go."

Binuhat ng grupo ang mga natumba nilang kasamahan at kaagad nagsilayasan palabas ng eskinita.

Napabuntong hininga ako.

Thump

Nanlaki ang mga mata ko nang makaramdam ako ng matinding hilo. Tumama ang likod ko sa pader na semento. Napamura ako. Not now.

Thump

Unti-unti kong binawi ang aking lakas at tinapunan ng tingin ang dalawang lalaking nakabulagta pa rin sa kanilang mga posisyon. Kumunot ang noo ko. Where's the third one?

Damn it.

I got no time to find out.

Ibinuwal ko sa gilid ang namuuong suka sa lalamunan ko. When staring at my own vomit, I saw blood stain. I feel my heart racing rapidly. Hinay-hinay kong nilakad ang daan palabas ng eskinita nang kung ano ay may na pick-up ang pandinig ko mula sa unahan. It was a static noise coming off from something. Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko gamit ang dalawa kong kamay. Napapikit ako nang pumintig ang ulo ko sa sakit.

Thump

Mas lalo pang kumirot ang sakit nang tumalas bigla ang ingay habang dumadaan ang bawat segundo. Napakagat ako ng labi habang pilit na pinipigilan ang sigaw na gustong kumawala sa bibig ko. Ika-ika akong naglakad pasulong. Nagsimula nang lumabo ang paningin ko ngunit pinagpatuloy kong hagilapin ang bagay na pinagmumulan ng ingay.

Thump

Ilang segundo pa ang lumipas bago ko nakita ang isang portable two-way radio sa lupa mula sa tabi ng nakahigang katawan ng nabugbog na lalaki kanina. Sa kabila ng nanginginig kong mga kamay, nagawa kong hawakan ang bagay at babaan ang frequency volume nito. Tumayo na ako saka napahinga ng malalim. I turned around then walked slowly.

"Red wolf, come in."

Who even is Red wolf? I hiss at the subtle pain of yet another static noise, but I continue to walk forward, still.

"Where are you? Over."

I was almost half awake when I reached the end of the alley. Sumandal ako sa isang poste saka sinilid ang baril sa likod ng suot kong pantalon.

"I repeat, nasa'n kayo? Over."

I tossed the noisy thing in the gutter. Naglabas ako ng kaha ng sigarilyo at kumuha ng isa. Sinindihan ko ito gamit ang lighter at umihip ng usok sa hangin. Napatingin ako sa langit. Gabi na pala, hindi ko napansin.

"Anyone, I repeat anyone, answer me. Over."

Tinitigan ko ang basag na two-way radio sa semento. It still talks.

"Calling all wolves, this is from your leader. Bumalik kayo sa GT"

Hinugot ko ulit ang baril sa pantalon ko at ipinaputok 'yon sa walkie-talkie. Tinapakan ko ang sigarilyo sa lupa saka tuluyan nang umalis.

***

ColdJadedEyes

Wattpad © 2021

ELEUSINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon