Chapter 1 - Past

187 2 0
                                    

Chapter 1 - Past

Sam's POV

"Nicholas! Pumarini ka nga!" Sigaw ko sa aking kaibigan.

"Sam hindi ko naman sinasadyang masunog 'yung buhok ng barbie mo eh!" Sigaw nito sa akin pabalik. "At saka kasalanan mo din naman ito Sam eh, lagi mo na lang nilalaro 'yung barbie mo, hindi mo na ako pinapansin!" Dagdag niya pa na ikinainis ko naman lalo. Bakit parang ako pa yung masama?

"Isusumbong kita kay Tita Niv!"

Napatigil sa pagtakbo si Nich dahil sa sinabi ko. Alam kong mas takot siya sa nanay niya kaysa sa tatay niya, kahit ako nga ay takot din kay Tita Niv lalo na kapag nadamay ang mga mahal niyang halaman.

"Sam, akala ko ba love mo ako?" Nanlalambing na tanong ni Nich sa akin.

"Ang bad mo kasi Nich eh! Alam mo namang bigay ni papa 'yung doll ko, 'di ba?" Nagtatampo kong sambit.

"Sorry na, Princess." Wika niya habang naka pout. Cutie niya naman.

"Alam ko na! Dahil tampo ka sa akin, ipapromise ko sayo, Sam, na magiging katulad tayo ng mama at papa mo na laging magkasama at walang iwanan paglaki natin!" Masaya niyang pangako na kinatuwa ko naman.

"Promise yan ha?" Masaya ko siyang niyakap.

"Sam kailan ka pa naging sumbongera?" Tanong sa akin ni Rose na kanina pa nanonood sa amin habang nakahalukipkip.

"Naging sumbongera ako Rose noong time na nabasag mo yung paso ni tita Niv." Ngiti kong sagot sa kanya.

"Sam!" Pabulong na sigaw ni Rose sa akin na ikinagiti ko naman.

"Rose! Sam! Nich! Hali na kayo at mag meryenda muna!" sigaw ng mama ni Nich. 

Pumasok na kami sa mala mansyon na bahay nila at bumungad sa amin ang paborito naming ice cream at tinapay na gawa mismo ni Tita Niv.

Matagal na kaming magkakaibigan nila Nich at Rose dahil na rin siguro sa mga Nanay namin na magkakaibigan din. Kami ni Rose ay hindi kasing yaman ni Nicholas na may mala mansyon na bahay, may kaya lamang ang pamilya namin. Since birth ang pagkakaibigan naming tatlo, hanggang ngayon na pitong taong gulang na ay magkakasama parin kami.

"Samara, sinusundo ka na ng kuya mo." Sabi sa akin ni tita Niv. Agad-agad naman akong tumayo at nagpaalam sa kanila. Pagkakita ko pa lamang sa kuya ko ay agad na akong tumakbo papalapit sa kanya.

"Samara Medina! Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na 'wag kang tumakbo sa tuwing nakikita mo ako! Paano na lang kung madapa ka?" Sita sa akin ni Kuya na ginantihan ko lamang ng matamis na ngiti.

Prinsesa ang turing sa akin ng kuya ko kahit na isang taon lamang ang agwat namin. Nakalimutan kong sabihin, kapitbahay ko lamang si Nich at Rose pero hindi ko alam kung bakit lagi pa din akong sinusundo ng kuya ko.

Pagkapasok namin sa bahay ay agad kaming pinaglilinis ng katawan ng nanay ko. Pagkatapos naming maglinis ay agad agad na kaming kumain ng dinner at agad na kaming pinatulog.

Ganito lagi ang araw-araw kong buhay simple at masaya pero hindi ko inaasahan na agad din itong mababago nang malaman kong lilipat na sila Nicholas.

My Campus SweetheartWhere stories live. Discover now