Chapter 4 - School
Sam's POV
Sa awa ni God hindi ako nadapa papuntang school. Malakas talaga ako kay God hahahaha!
Pagpasok pa lang namin sa gate, bumungad kaagad ang logo ng Warren Academy. Private school ang Warren na puno ng mga may kaya at mayayamang mga estudyante. Ewan ko nga ba kung anong pumasok sa isip ng nanay ko at dito niya kami inenroll ni Kuya. Madami rin pala ang mga toxic na estudyante dito, palibhasa spoiled.
Kilala kaming apat sa school. Bukod sa pagiging member ng school committee kaming apat ay muse din ako ng basketball club. Si Rose naman ang manager ng basketball club. Margarette is known as the genius dahil siya lagi ang nilalaban sa mga academic competition. Si Ivy naman ay known sa mga art works niya, obviously, member siya ng art club ng school.
Ang tawag sa amin ng mga estudyante ay 'Campus Sweethearts' dahil sa beauty and brains namin. May mga admirers din kami pero si Ivy lang ang pinalad sa love life at mayroong jowa. Napapansin din ni Rose at Margarette na parang takot yung mga lalaking lumapit sa akin but we don't know why, I mean knows naman ng mga estudyante sa school na approachable ako.
Anyways nakarating na kami sa room. Madami na ding mga tao sa loob kaya agad na din kaming pumunta sa likod para doon umupo. Di namin gusto ng attention."Ghorls, knows niyo ba na may mga transfer na lalaki this year?" Chika sa amin ni Rose.
"Sana magjowa sila." Pabulong kong sambit na narinig naman nila.
"Sam, we know na you like boys love genre but respect others, okay?" Pangaral sa akin ni Margarette.
"Sowi Mar." Pabulong kong paumanhin na ikinangiti naman nila.
Maya maya lang ay dumating nadin ang adviser namin na may buntot na dalawang matatangkad na lalaki.
"Hey Rose, medyo may kahawig yung isang lalaki na nakabuntot kay Ma'am oh." Pabulong na sabi ko kay Rose habang nakaturo sa isang lalaki na naka sunod kay Ma'am.
YOU ARE READING
My Campus Sweetheart
RomansaAlam ko na! Dahil tampo ka sa akin, ipapromise ko sayo, Sam, na magiging katulad tayo ng mama at papa mo na laging magkasama at walang iwanan paglaki natin!" Masaya niyang pangako na ikinatuwa ko naman. "Promise yan ha?" Masaya ko siyang niyakap. ━━...