Chapter 2 - Past

59 2 0
                                    

Chapter 2 - Past

Sam's POV


Ilang araw na naming napapansin ni Rose na matamlay si Nich at ilang araw na din naming napapansin na laging busy si tita Niv. 

"Nich bakit parang lagi ka na lang matamlay?" Tanong ni Rose kay Nich ngunit wala kaming nakuhang sagot sa kanya.

"Nich laro tayo dali!" Masigla kong aya habang hawak ang kamay niya na mabilis ding napalitan ng gulat dahil sa sinabi niya.

"Lilipat na kami ng bahay, hindi na kami dito titira, hindi na tayo ulit makakapaglaro." Malungkot na sambit niya.

"Edi bibisitahin ka na lang namin sa bago niyong bahay!" Masaya kong sambit sa kanya.

"Kaya nga Nich, bibisita kami ni Sam sa inyo tapos maglalaro tayo." Masaya ding sabi ni Rose.

"Hindi niyo na ako mapupuntahan, sa malayong lugar daw kung nasaan si Papa, doon na kami titira." Naiiyak niyang sambit.

"Edi hindi na tayo magkikita ulit?" Inosente kong tanong habang naiiyak na nakatingin sa kanya. Alam namin ni Rose na nasa malayo ang Papa ni Nich na kailangan pang lumipad para makapunta roon, 'yun ang sinabi sa amin ni Tita Niv.

"Nagpromise tayo na walang iwanan!" sigaw namin ni Rose sa kanya.

"Sabi mo magiging katulad tayo ni mama at papa na hindi maghihiwalay!" Sabi ko sa kanya habang umiiyak na.

"Sinabi mo ding poprotektahan mo kami!" Dagdag ni Rose.

"Sinungaling ka Nich hindi na tayo bati!" Sigaw ko sa kanya sabay takbo papasok sa bahay namin.


Nicholas' POV

"Sam!" Sigaw na tawag ko sa kanya.

Sinabi sa akin ni Mama na lilipat kami sa ibang bansa nang makauwi na sila Sam at Rose noong araw mismo na nangako ako. Sinabi niya na doon na kami titira kasama si Papa.

Walong taon pa lang ako pero ang pag-iisip ko ay mature na. Labag man sa kalooban ko ang paglipat namin pero kailangan dahil na din sa kadahilanang naka base ang company ni Papa sa abroad.

Alam kong napapansin na din ni Sam at Rose ang pagiging matamlay ko. I treat them as my little sisters dahil only child lang ako pero alam ko sa sarili ko na I treat Sam more than my little sister. 

I always feel irritated tuwing may iba siyang kausap at tuwing hindi niya ako pinapansin. I'm always craving for her attention to the point that I even burned the hair of the doll she's always playing with and sometimes, being jealous of her brother. 

I know that this kind of mindset is unhealthy but who would not want to cherish Sam? She's bubbly, kind, smart, and thoughtful to the point that she always act like a sunshine and brighten the day of everyone she talks to. She is the literal word for an angel. 

I feel pained when Sam ran away from me. I look at Rose and tell her to take care of Sam and her self. I promised that I will be back and I will also make sure that Sam will never have a chance to run away like that again.

My Campus SweetheartWhere stories live. Discover now