Chapter 3 - First Day
Sam's POV
Wassup mga beshie! I'm Samara Medina, 17 years old nakatira sa puso ni crush na pa hard-to-get, chour. Nandito ako ngayon sa kwarto ko nakatunganga kasi why not?
First day of school ngayon at hindi pa din ako nakakaligo kasi naniniwala ako na wisik wisik and perfume perfume is life. Habang lutang ako ay naka rinig ako ng katok sa aking magic door. Pustahan bente si Kuya Kiel 'yung kumakatok, pag hindi siya hahalikan ko crush ko.
"Sam maligo ka na anong oras na oh." Bungad nito pagkapasok pa lang sa kwarto ko.
"Wala man lang 'good morning Princess' dyan, Kuya?At saka, paano ka nakakasiguro na hindi pa ako naliligo?" Mapang-asar na tanong ko sa kanya.
"Hindi pa naman end of the world, baby, kaya alam kong di ka pa naliligo, kaya kung ako sayo tumayo ka na dyan at maligo na dahil kapag ikaw ay nalate bahala ka sa buhay mo isusumbong pa kita kay daddy." Naka ngiti niyang banta sa akin.
"Sumbongerong pangit!" Asar na sigaw ko sa kanya na ikinatawa niya.
Since masunurin akong little sister, naligo na ako. Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na din 'yung bago kong uniform. Being a good student that I am, lagi kong suot ang aking ID because hindi pa ako ready madenied entry sa school. Malaman ko lang talaga kung sino nagpatupad ng 'no ID no entry' na 'yan makakatikim talaga sa akin ng malutong na batok.
Habang lutang ang isip ko, which is lagi naman, bumaba na ako sa dining room para makitang may tatlong pangit na bisita na mas nauna pang kumain kaysa sa may-ari ng bahay.
Let me introduce to all of you the tatlong bibe. Rose Mendoza, 18 years old, mas matanda sa akin ng half a year, siya ang bad influence sa amin and my since birth best friend. Margarette Lopez, 18 years old, mas matanda sa akin ng 4 months, siya ang good influence and the source of sagot tuwing may exam. She is the genius one sa grupo. Best friend ko since grade 5. Si Ivy Santiago naman ang isa, 17 years old, the baby of the group. Siya ang kasama ko sa pagiging lutang. Bestie ko din since grade 5.
Introduce ko na din self ko para mas malaman niyo kung gaano ako kabait. I'm Samara Medina, 17 years old, third eldest sa group, I'm the mother hen, the 2nd placer lutang and the cutest of the group.
Don't judge our group by our cover kasi kahit hindi man halata, mga with honors kami. Margarette as the first honor last year, me as the second, Rose at the third and Ivy as the fifth. Di nga ako makapaniwala na nakahabol pa si Ivy sa with honors eh, lagi ba naman siyang lutang 24/7.
"Nakakahiya naman sa inyo, noh?" Sarkastikong bungad ko pagkababa ko pa lamang sa hagdanan.
"Ang unti nga ng luto ni tita eh!" sabi naman ni Rose. Aba't nagreklamo pa ang bruha!
"Bakit kami mahihiya? Kulang na nga lang dito na kami tumira eh." Sabat naman ni Margarette.
"Bakit ka nihihiya Sam?" Lito at inosenteng tanong ni Ivy. Napasapo na lamang ako sa aking noo nang marinig ko 'yun.
"Ivy, tulog ka pa ba?" Inis na tanong ko sa kanya.
"Sam dika pa ba sanay sa kanya? Halos magdedekada na tayong magkakakilala eh!" Natatawang sabi ni Rose.
"Bakit parang binabackstab niyo yata ako?" Tanong ni Ivy. Paki pigilan po ako please? Malapit ko na 'tong operahan para makita kung anong meron sa utak niya, kung mayroon man.
"Tara na at baka malate pa tayo!" Inis kong aya sa kanila.
"Kuya! Aalis na kami, mahal kita madapa ka sana sa pagpunta mo sa school!" Sigaw kong paalam sa kuya ko.
"Mahal din kita, baby! Madapa ka din sana!" Sigaw niya pabalik.
"Napaka caring niyo talagang magkapatid." Natatawang sambit ni Margarette na ikinatawa din naman naming tatlo.
YOU ARE READING
My Campus Sweetheart
RomanceAlam ko na! Dahil tampo ka sa akin, ipapromise ko sayo, Sam, na magiging katulad tayo ng mama at papa mo na laging magkasama at walang iwanan paglaki natin!" Masaya niyang pangako na ikinatuwa ko naman. "Promise yan ha?" Masaya ko siyang niyakap. ━━...