Chapter 6 - Introduce Yourself
"Sam kanina pa nakatitig yung isang lalaki sayo oh." Bulong sa akin ni Ivy.
"Mukha nga siyang pamilyar eh." Sabi naman ni Rose.
Pinaupo na sila ng adviser sa bakanteng upuan sa likod namin.
"Okay class since first day of school natin, why not introduce yourselves to the whole class para makilala din kayo ng mga transfer students natin?" Sabi sa amin ni Ma'am.
"Ba't tuwing first day of school need mag introduce yourself?" Tanong ni Ivy na ayaw kong sagutin.
"Bakit Ivy gusto mo ba talent show ang gawin tuwing first daw of school?" Pilosopong sagot ni Rose kay Ivy.
"Ba't ko nga ba ulit sila kaibigan?" Inosente kong tanong kay Margarette na nagbabasa na naman ng libro niya.
"Kasi baliw ka din like them." Poker face niyang sagot sa akin.
"I feel offended pero wala akong ma-say kasi totoo naman." Simple kong sabi na ikinatawa niya. Napapansin ko lang feeling ko clown ang tingin sa amin ni Margarette pero wala akong ibidensya kaya bahala na.
"Girls on the back row baka gusto niyo na magpakilala?" Sita sa amin ng adviser namin.
"Sorry Prof." Sabi nilang tatlo.
"Sowi po." Nakapout kong sabi na ikinatawa naman ng mga kaklase ko. Hilig nila akong tawanan, 'di naman ako clown.
"Hi everyone, I'm Ivy Santiago, 17 years old, may jowa, member ng arts club at ng school committee. Nice to meet you all." Pakilala ni Ivy na susundan naman ni Margarette.
"Sana all may jowa, S.S. na lang siguro sayo Ivy babes." Hirit ko bago magpakilala si Margarette.
"Hi I'm Margarette Lopez, 18 years old, science club member. It's nice to meet you." Short introduction niya na kasing short ng height ni Rose. Speak of the devil.
"Hi mga classmate, I'm Rose Mendoza, 18 years old nakatira sa tabi ng bahay ni Sam, basketball manager at walang jowa kagaya ni Sam at Margarette. Nice to meet you all." Okay na sana introduction niya pero ba't kailangan pang idamay yung relationship status ko?.
"Magandang morning everyone, I'm Samara Medina but you can call me Sam kung tamad kayo, 17 years old, member of the school committee like the first three people na nauna sa akin. Mabait po ako kaya don't be shy to talk to me. Nice to meet you all!" Ngiti kong pakilala na ikinatawa nanaman nila.
"Oh lastly, 'di po ako clown kaya wag niyo ko laging pagtawanan." Nakapout kong saad bago umupong muli.
"Thank you Sam for your introduction. Then please introduce yourselves, those boys at the back." Ngiting saad ng prof.
"Hi I'm Cain Reyes, 18 years old, I'm from States, hope to befriend with all of you!" Masigalang pakilala ng lalaki na nakaupo sa likod ni Rose. Ang bubbly niya hahaha.
"Hi I'm Nicholas Gozon, 18, from States." Pakilala no'ng medyo pamilyar na lalaki na naka upo sa likuran ko. Pagkarinig ko pa lang sa pangalan niya ay napalinga na agad ako sa likod ko.
"Nich?" sabay naming tanong ni Rose sa lalaki sa likuran namin.
"Sam, Rose, nice to meet you again." Naka ngisi niyang sabi sa amin.
YOU ARE READING
My Campus Sweetheart
RomansaAlam ko na! Dahil tampo ka sa akin, ipapromise ko sayo, Sam, na magiging katulad tayo ng mama at papa mo na laging magkasama at walang iwanan paglaki natin!" Masaya niyang pangako na ikinatuwa ko naman. "Promise yan ha?" Masaya ko siyang niyakap. ━━...